Nakatitig ako sa repleksyon ko sa full length mirror habang pinagmamasdan ang suot ko. Gusto ko sanang magsuot ng skirt na isa rin sa binigay sa akin ni Claire kaso hindi talaga ako kumportable roon kahit na itry ko suotin. Sa huli ay bagsak ako sa pagsuot ng skinny jeans habang nakatuck in ang white shirt ko na may red lining sa collar at short sleeves nito. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang buhok ko.
Ito ang unang date namin ni Cloud bilang manliligaw ko. Kinakabahan ako na excited. Ewan, kung ano anong emosyon ang nararamdaman ko.
Dala dala ang sling bag ko ay bumaba na ako nang malaman na naghihintay na sa akin si Cloud sa labas. Nang makalabas ako ng gate ay nagtagpo ang mata namin. Nginitian ko siya. Ang gwapo niya sa suot niya. Simpleng black sweatshirt na may button down white long sleeve sa loob kung saan sumisilip sa collar at dulo ng sleeves niya, tapos jeans.
Tumayo ako sa harapan niya habang siya naman ay titig na titig sa akin. "Bakit ang ganda mo?"
Ikaw, bakit ang gwapo mo?
Mabilis na nag-init ang pisngi ko saka umiwas ng tingin. "Sira."
"Tara." Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naman pumasok na ako.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang nagmamaneho siya. Mukhang ngayon lang ako nakadaan dito.
"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko.
"To somewhere nice." Iyon lang ang sagot niya.
Medyo mahaba haba ang byahe ka naman nakaidlip na ako. Nagising na lamang ako nang mapansin na pinaparada niya na ang sasakyan. Pagsilip ko sa bintana, ilang segundo pa bago makapag-adjust ang paningin ko sa liwanag.
"Dito na tayo." Sabi niya saka bumaba ng kotse para buksan ang pinto sa side ko.
Sobra ang pagkamangha ko nang mapagtanto ko kung nasaan kami. Halos nakanganga na ako habang nakasunod sa kaniya na parang bata. Narito kami sa Ocean Park ngayon. Sobra 'yung tuwang nararamdaman ko dahil first time kong makapunta rito. Lumingon si Cloud sa akin dahil nahuhuli ako ng lakad dahil sinusulit ko talagang pagmasdan ang paligid.
"Come here," tawag niya sa akin. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinag-intertwine ang daliri namin. Bumaba ang tingin ko sa kamay namin bago tumingala sa kaniya.
Nakanganga lang ako habang naglalakad kami. Naging blue talaga ang paligid dahil sa tubig na nasa ibabaw namin. Binitawan ni Cloud ang kamay ko para mas matignan ko ng malapitan 'yung mga lumalangoy na isda. Iba't ibang species 'yung nakikita ko.
Lumapit siya sa akin at tumabi sa gilid ko. "You like it?"
Tiningala ko siya sabay tango na may ngiti sa labi. "Hmm."
"Picture-an kita."
Ganoon ang ginawa namin sa loob. Nilibot namin tapos kinukuhanan niya rin ako ng litrato. Minsan siya naman ang pinipicture-an ko o di kaya nagseselfie kaming dalawa. Para talaga akong bata. Nanood din kami ng show ng sea lion. Sinubukan din namin 'yung ilulubog 'yung paa sa tubig tapos 'yung mga isda lalapit sa paa namin. Fish spa ata ang tawag. Nakiliti pa ako kaya hindi ko maiwasan na humagikhik.
"Wanna see the penguin?" Tanong niya sabay huli ulit sa kamay ko para mahawakan iyon.
Tumango ako. Sobrang excited ko nang magtungo kami sa area kung saan namin makikita 'yung mga penguin na sinasabi niya. Dream come true na ata 'to. Halos lahat naman siguro ng bata, pangarap na makapunta dito. Inabot na ako ng college bago ko maranasan ang ganito.
"Ang cute nun o," tinuro ko 'yung penguin na natakbo.
"Yeah," sagot ni Cloud. "Gusto mo itry magpakain sa kanila?"
"Pwede sila pakainin?"
"Yup. Wanna try?"
Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na iyon. Sobrang kaba ko nang pumasok kami sa transparent na cylinder. Dito ko sila mas nakita ng malapitan. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa ngiti ko nang makita kung gaano sila kacute.
Hawak hawak ko 'yung maliit na isda. Ang cute nakakainis! Nakatingala talaga sila sa isda na hawak ko. Maingat ko itong binaba. Nabigla pa ako nang mag-unahan sila. Kala ko pati daliri ko kakainin nila e.
Natawa pa si Cloud sa reaksyon ko. "Kauri mo ata 'tong mga 'to. Small but cute."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano?"
Mabilis siyang umiling sabay tawa. "Wala po."
Buong araw na iyon ay hindi mawala ang ngiti ko. Napagdesisyon namin na dumaan sa souvenir shop. Binitawan ni Cloud ang kamay ko para siguro malaya akong tumingin. Ang daming stuffed toys. Mayroon ding souvenir shirts tapos candies. Habang naglalakad ay napukaw ang atensyon ko sa cute na stuffed toy pink penguin sa shelf. Kinuha ko iyon saka inamoy. Wala naman siyang amoy pero malambot. Niyakap ko ito nang mahigpit.
"Cute," sambit ko saka binalik na ito pero kinuha iyon ni Cloud.
"Let's buy it." Inabot niya sa akin 'yung penguin. "Here."
"Cloud." Siya na nga gumastos nitong date namin tapos bibili pa siya para sa akin. Nakakahiya na.
"Come on, Reign. Mas sulit kapag may souvenir." Kumuha naman siya ng isa, gray naman ang kulay.
Sinulit nga talaga niya 'yung pamamasyal namin. Bumili siya ng shirt para sa aming dalawa tapos key chain din. Sa kaniya shark, sa akin naman ay dolphin. Natapos na ang pamamasyal namin kaya bumalik na kami sa kotse. Nacute-an pa ako sa ginawa niya nang ilagay niya sa backseat 'yung penguin niya tapos nilagyan ng seatbelt habang ang sa akin naman ay yakap yakap ko. Nagpalit nga kami e. Sa kaniya napunta 'yung pink penguin habang sa akin naman 'yung gray.
"Gutom ka na?" Tanong niya nang makasakay. Tumango ako bilang sagot. "Saan ba pwede kumain?"
Nagdrive na siya at nagtungo sa pinakamalapit na restaurant na nadaanan namin. Hindi naman ako ganoon karami kumain pero ang dami niyang inorder para sa aming dalawa. Halatang hindi biro itong restaurant dahil mukhang masarap itong sineserve nila. Tingin pa lang, busog ka na.
"Ang dami naman nito, Cloud."
"Mas okay na madami kaysa mabitin ka," sagot niya.
Nagsimula na kaming kumain. Kulang na lang ay may lumabas na heart sa mga mata ko dahil sa sobrang sarap ng dishes. Talagang natutunaw sa labi ko 'yung sarap nito. Habang ganado akong kumain ay nahuli ko pa si Cloud na kinuhanan ako ng litrato. Hindi ko siya masermonan kasi puno pa ang bibig ko.
"Cute mo sh#t," komento niya saka pinakita sandali ang picture ko bago niya itinabi ang phone niya.
Hindi ko inasahan na halos maubos namin 'yung pagkain. Ang sarap kasi! Ayoko ng alamin pa kung magkano ang mga 'to dahil baka bawiin ko 'yung sinabi ko na masarap.
"Nabusog ka?" Tanong niya nang makalabas kami.
Tumango ako. "Hmm sobra. Feeling ko tuloy dumoble baby fats ko."
Natawa siya sa sinabi ko. "Ang mahalaga nabusog ka. Busog tayo."
Nararamdaman ko na 'yung pagod kaya naman napagpasyahan na namin na umuwi. Lumubog na rin ang araw. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. Hindi ko namalayan na mabilis akong nakatulog. Dala ata ng pagod. Ginising na lamang ako ni Cloud nang makauwi na kami sa boarding house ko.
"Rest ka na, okay. I'm sure napagod ka." Sabi niya nang makalabas kami pareho ng kotse.
"Hmm. Thank you pala Cloud. Sobrang nag-enjoy ako." Nginitian ko siya kahit na bakas ang pagod sa mukha ko. Yakap yakap ko 'yung penguin habang hawak din 'yung paperbag. "Thanks din dito."
"You're welcome. I also enjoy it." Ngiting sabi niya.
"Ingat sa pagdadrive ha," paalala ko.
"Yes, ma'am." Nagkatitigan lang kami. Kinabahan ako dahil medyo pamilyar na sa akin 'to. Humakbang siya ng isang beses para mas mapalapit sa akin. "I wanna kiss you."
Nakatitig na siya sa labi ko. Para akong tuod sa kinatatayuan ko. Lumalim ang paghinga ko nang hawakan niya ang kabilang pisngi ko. "Is it okay?" Tanong niya pa.
Hindi ko alam bakit nagpapaalam pa siya pero kinilig ako sa ideya na humihingi pa rin siya ng permiso. Katawan ko na mismo ang nagdesisyon para sa akin nang tumango ako.
Awtomatiko akong pumikit nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Ramdam ko 'yung pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko nang magdikit ang labi namin. Mabilis lang iyon, humiwalay din siya kaagad pero magkalapit pa rin ang mukha namin. Nang magtagpo ang mata namin, kita ko kung gaano kalagkit ang titig niya sa'kin.
Napapikit ulit ako nang angkinin niya ulit ang labi ko. Pero hindi na tulad kanina ang paghalik niya. Lumalim na ito. Gumagalaw na ang labi niya habang ako ay hindi alam ang gagawin. Sinubukan kong gayahin ang ginagawa niya. Humalik ako pabalik. Gumapang ang kamay niya sa batok ko na mas nagbigay sarap sa bawat halik namin.
Nanlambot ang tuhod ko when he kissed me with his tongue. Kaya naman niyakap ko siya sa kaniyang leeg habang ang mga kamay niya naman ay lumipat sa bewang ko para hapitin ako palapit sa kaniya. Tumingkayad pa ako para hindi siya mahirapan. May kung anong harot ata akong tinataglay sa katawan nang subukan kong gantihan ang ginagawa niya. We explored each other mouth with our tongue. It was hot, sweet, and passionate.
Sobra ng nag-iinit ang pisngi ko, lahat ng parte ng katawan ko. Wala namang tao sa labas pero grabe 'yung kabog ng dibdib ko, kinakabahan na baka may makakita sa amin. Ramdam kong napangiti siya habang nakahalik sa akin. Wala pa ata siyang balak tumigil kung hindi lang bumukas 'yung gate. Awtomatiko ko siyang naitulak palayo sa akin at nagkunwaring walang nangyari. Kung nasa kwarto lang siguro kami, baka wala na siguro kaming saplot ngayon.
Sinilip ko 'yung lumabas ng gate, busy ito sa hawak na phone kaya nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang wala siyang nasaksihan. Natawa pa si Cloud nang makita ang reaksyon ko na sobrang kabado. Nang makaalis 'yung babae ay hinawakan ako ni Cloud sa balakang ko at hinapit ako palapit sa kaniya. Yakap yakap ko pa 'yung penguin kaya may space pa sa pagitan namin. Tinaniman niya ng halik ang noo ko.
"I'm starting to get addicted to your lips, Reign." Sabi niya na mas lalong nagpainit ng pisngi ko. "I better should go now para makapagpahinga ka na. I'll just send the pictures tomorrow."
Humalik pa siya sandali sa noo ko bago ako bitawan. Kumaway muna ako sa kaniya bago ako pumasok ng gate. Tumambay muna ako sa gate, hinihintay na marinig na umalis ang kotse niya bago tuluyang pumasok ng bahay.
Parang nawala ang pagod ko sa paghalik niya kanina. Isinubsob ko ang mukha ko sa penguin. Kainis 'yung pisngi ko! Buti na lang madilim, kung hindi baka inaasar niya ako kasi panigurado kanina pa mapula itong pisngi ko.
Dumating ang holidays. Malungkot ako kasi hindi ko nacelebrate ang pasko at New Year na kasama siya dahil kinailangan niyang lumipad ng Canada para doon magbakasyon at magcelebrate kasama ang family niya. Sa boarding house kasi ako nagpalipas ng holidays at hindi ako umuwi kanila Tita para iwas gastos na rin. Mas malaki ang malalabas kong pera kung uuwi pa ako. Wala rin naman akong gagawin doon at saka may work din ako.
Palagi naman akong updated sa nangyayari kay Cloud dahil kapag may time naman ay tumatawag siya nang gabi sa kanila para saktong umaga sa akin para magkwentuhan kami. Nagsesend din siya ng pictures and videos. Tuwang tuwa pa nga lalo na nang magsend siya na nag-i-snow sa kanila. Humiga pa siya sa snow para ipagaspas ang kamay niya at pumorma ng snow angel.
Kapag nakakavideo call ko siya, may mga times na wala kaming masabi at nakatitig lang sa isa't isa tapos pareho kaming matatawa kahit wala namang nakakatawa. Nababaliw na ata ako. Nagtanong siya about sa school ko. Ang balik ay sa first monday of January. Ang akala ko nga ay matagal tagal pa. Feeling ko kasi bitin 'yung bakasyon namin.
Minsan madaling araw siya sa kanila tatawag, kahit anong pilit ko sa kaniya na matulog na, ayaw pa rin. Kinikilig naman ako kapag sinasabihan niya akong miss niya daw na ako.
"Gusto kitang hilain palabas sa screen." Dagdag niya pa. "I missed you so much." Mapait lamang ako ngumiti kasi ganoon din naman ang nararamdaman ko sa kaniya kaso hindi ko lang masabi. Nahihiya akong sabihin. Marahil ay naninibago pa rin ako. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon niya. "Can you watch me sleep, Reign? Kahit 30 minutes lang tapos ikaw na mag-end." Paghingi niya ng pabor.
Pumayag ako sa gusto niya. Ngumiti muna siya bago niya ipikit ang kaniyang mga mata. Pinanood ko lang siyang matulog. Pareho kami ng posisyon ng higa kaya feeling ko ay magkatabi kami sa iisang kama. Napangiti ako kung gaano siya kaamo tignan habang natutulog.
Hinila ko 'yung extra na unan saka niyakap nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ko masiguro na tulog na nga siya dahil rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga.
Payak akong ngumiti bago ako bumulong. "Miss na rin kita."
Miss na miss ko na siya.
Miss ko na ang yakap niya.
Miss ko na ang halik niya.
Miss ko na ang malalim na boses niya.
Miss ko na ang ngiti niya.
Miss ko na lahat sa kaniya.