Chapter 16

3543 Words
Hinila ko paakyat sa leeg ko 'yung comforter nang makaramdam ng lamig. Nang imulat ko ang mata ko ay pansin kong maliwanag na. Umaga na pala. Sinubukan kong iunat ang katawan ko ngunit may kakaiba akong naramdaman sa katawan ko lalo na sa ibaba ko. Nang iangat ko ang comforter ay doon ko lamang napagtanto na wala akong ni isang saplot. Nanlaki ang mata ko at inilibot ang paningin ko. Kinuha ko pa ang salamin ko sa may center table ngunit nang bigla akong gumalaw ay nakaramdam ako ng kirot sa pagitan ng hita ko. Wait? Nang tuluyan ko ng maalala 'yung nangyari kagabi ay napatakip agad ako ng bibig ko. Parang nanuyo ang labi at lalamunan ko nang marealize na totoo nga 'yung nangyari sa amin ni Cloud kagabi. Napatakip na ako sa mukha ko. Ang akala ko panaginip lang 'yun! Saktong pagkapa ko sa noo ko ay naramdaman kong may nakadikit dito. Tinanggal ko iyon at binasa ang nakasulat. ━━━━━━━━━━━━━━ Go to the kitchen once you see this. I'm making breakfast (^_・) -C ━━━━━━━━━━━━━━ Inilapat ko sa dibdib ko 'yung sticky note na ineffort niyang idikit sa akin. Pagtingin ko sa gilid ng bedsheet ay may nakita akong magkapatong na damit. Mabuti na lamang ay nakasara 'yung malaking kurtina sa bintana kaya safe ako na hubo't hubad sa pwesto ko. Pinilit kong tumayo kaso sa huli ay ginapang ko na lamang 'yung damit. May nakita ulit akong notes na nakapatong dito. ━━━━━━━━ Wear this ツ ━━━━━━━━ Hoodie, itim na boxer, at grey sweatpants itong mga damit. Ginawa ko ang sinabi niya sa notes. Nagtago ako sa ilalim ng comforter at nagbihis. Ang hirap talaga gumalaw lalo na ang tumayo. Ganito ba talaga aftermath kapag first time? O sadyang malaki lang talaga siya kaya hirap ako. Mabilis akong umiling. Ayan na naman! Naaalala ko na naman! 'Yung pisngi ko. Bago ko pa lisanin 'yung living room ay nahagip pa ng mata ko 'yung mga damit namin na nakakalat sa sahig. Mas lalo akong nagpanic nang makita 'yung pink kong panty tapos itim kong bra na nakabalandra lang. Ano ba 'yan! Dinampot ko agad iyon saka sinuksok sa bulsa ng hoodie. Buti na lang hindi 'yun pinansin nung isa. Hindi nga ba? Grabe na kahihiyan ko! Ayaw ko nga sanang pumuntang kusina dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kasi ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay ang nangyari sa amin kagabi. Reign naman. Ano ba kasing pumasok sa isip mo? Parang nilasing ang utak ko kagabi kaya hinayaan ko na lamang ang katawan ko na magdikta sa gusto ko. I mean, hindi sa pinagsisisihan ko 'yung sa amin ni Cloud. Sadyang━ ah basta! Oo, nasa tamang edad naman na kami. Kaso, ayun nga, wala namang kami. Wala kaming label. Pero ginawa pa rin namin 'yung bagay na ginagawa lang ng magkasintahan. Hinilamos ko ang mukha ko. Kaya ko ba siyang harapin nang hindi nagiging kamatis itong mukha ko? Hindi muna ako nagpakita sa kaniya. Tahimik ko muna siyang sinilip sa kusina. Nakatalikod siya sa akin habang busy sa ginagawa niya kaya malaya ko siyang pinanood. Nakasuot siya ng apron at mukhang nagpiprito siya. Sa mesa ay may ilan ng nakahanda. Kumuha muna ako ng lakas at huminga nang malalim bago ako maglakad palapit sa mesa. Kinuha ko ang atensyon niya nang kunwari ay umubo ako. Nang tumingin siya sa akin, matamis na ngiti agad ang umukit sa labi niya. 'Yung labi niya, iyan 'yung humalik at pumapak sa akin kagabi. Reign naman, ano ba! "Good morning," masiglang pagbati niya. Pinatay niya 'yung stove saka pinunas ang kamay niya sa apron bago siya lumapit sa akin. Ang bilis agad ng puso ko nang walang kahirap hirap na ipadulas niya ang kamay niya sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kaniya. Niyakap niya muna ako saglit bago siya magsalita ulit. "Musta tulog mo?" Ipinatong ko ang baba ko balikat niya nang isiksik niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. "A-ayos naman." Kinakabahan ako kasi baka marinig niya ang pagwawala ng puso ko sa sobrang lapit namin sa isa't isa. "I-ikaw?" Huwag ka namang mabulol, Reign. Mas lalo akong mahahalata ni Cloud e. Baka isipin niya na naiilang ako sa kaniya. Hindi ako naiilang. Kinakabahan lang talaga ako. Epekto niya 'to sa akin e. Humiwalay siya ng yakap pero ang mga kamay niya ay naiwan pa rin sa bewang ko. Nang tingalain ko siya, halatang ang ganda ng gising niya ngayon. As in, ang presko ng mukha niya. Ang sigla ng hitsura niya ngayon. "Ayos din. Sa buong buhay ko, ngayon lang naging masarap ang tulog ko." Ayoko maging assuming pero may ideya naman ako kung bakit ganoon ang sagot niya. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti. Ayokong kiligin sa harap niya. Bumaba agad ako ng tingin para hindi niya mahuli ang kumawalang ngiti na hindi ko napigilan. Ngunit mukhang nakita niya iyon nang hawakan niya ang baba ko para ibalik ang tingin sa kaniya. Nakakaakit siyang ngumiti bago niya sabihing, "I saw that." Hindi na paruparo ang nagliliparan sa loob ng tyan ko, buong Zoo na ata. Sa buong buhay ko, sa kaniya ko lang naramdaman ang ganito. Hindi naman ako tanga para hindi magets kung ano ang ibig sabihin ng nararamdaman ko. "Gustong gusto ko talagang nakikita na nakangiti ko. You have no idea how much it affects me. You turn me on." Umakyat sa magkabilang pisngi ko ang dalawa niyang kamay. Napapikit agad ako nang lumapit sa mukha ko. Inassume ko agad na hahalikan niya ako sa labi kaso mali pala ang akala ko. He kissed me softly on my forehead. Hinawakan niya ulit ako sa bewang ko. "Kain na tayo?" Tanong niya. "May gusto ka bang ipaluto? 'Cause I prepared hotdog, fried rice and egg. And I also made you club sandwich. May gusto ka bang iba? Hindi kasi ako sigurado kung anong gusto mong almusal. How about drinks? Would you like some coffee? Milk? Hot choco?" Napangiti lamang ako sa sobrang kasweet-an niya. Nag-eexist pa pala sa mundo ang mga katulad niya. "Hot choco na lang. "Okay. I'll make you hot choco." Mabilis niya akong hinalikan sa noo bago niya ako bitawan. It felt empty now that he's no longer on my skin. Lumapit na ako sa mesa para umupo ngunit para akong hiniwa sa baba ko nang maramdaman ang kirot. Napakapit agad ako sa sandalan ng upuan para gawin iyong alalay. Nang makaupo ay sinilip ko ang baba ko. Maga kaya 'to? Ang hapdi kasi talaga! Hirap akong makagalaw kahit sa paglakad. Daig ko pang tinuli kahit hindi ko pa naman nararanasan iyon. Napansin ata iyon ni Cloud dahil nang mailapag niya 'yung baso ng hot choco ay umikot siya palapit sa tabi ko. Halata ang pag-aalala sa mukha niya. "You okay?" Tanong niya saka lumebel ng baba sa akin. Hinawakan niya pa ang kamay ko saka marahan iyon na hinaplos. Tumango ako para mabawasan ang pag-aalala niya. "Hmm. Ayos lang sira." Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makaramdam ng hiya. "M-mahapdi lang." Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Nag-iinit naman kasi ang pisngi ko! Sinilip niya pa saglit ang baba ko bago siya tumayo. Ang akala ko iikot na siya sa kabilang mesa ngunit huminto siya sa may likuran ko. Nabigla ako nang ipulupot niya ang kaniyang bisig sa leeg ko. Niyakap niya ako mula sa likuran saka isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg. "I'm sorry." Bulong niya. "I didn't mean to hurt you. Paano ba ako makakabawi sa'yo?" Nagwala ang puso ko sa mga sinabi niya. Para akong natunaw sa kung paano siya humingi ng tawad tungkol sa nangyari sa amin. Wala naman siyang kasalanan e. Normal naman ito after the first night. Ang laki naman kasi talaga niya, hindi na ko nagtaka kung nagkasugat ako. Hinawakan ko ang kamay niya bago siya sinilip. "Ayos lang nga ko, Cloud. Mawawala rin 'to." Sandali pa siyang nakatitig sa akin bago niya ako dampian ng halik sa pisngi at tumayo nang tuwid. Imbes na umupo sa tapat ko ay inusog niya ang upuan sa tabi ko at dito umupo. He just smiled at me then started serving foods on my plate. Habang pinapanood ko siya ay napahawak ako sa dibdib ko, pinakiramdaman ko ang puso ko na hindi na tumigil sa pagkabog nang mabilis. Ganito ba pakiramdam kapag nasa tamang tao ka? Wala namang kami pero kung tratuhin niya ako, daig ko pang may namamagitan sa amin. He's so sweet and gentle. Walang babae na hindi mahuhulog sa kaniya. Natapos na kami sa pagkain ng almusal. Wala naman na kaming gagawin kaya sabi ko sa kaniya kailangan ko ng bumalik ng boarding house. May pasok din mamaya kaya kailangan ko ng umuwi. Lagkit na lagkit na rin ako sa katawan ko, feeling ko ang baho ko na. "Reign," tawag sa akin ni Cloud nang makalabas ako mula sa banyo. May kung anong bumabagabag sa ekspresyon ng mukha niya. "Can we talk bago ka umalis?" Seryosong dugtong niya. Kinabahan naman ako nang magtungo kami sa sofa at tumabi siya sa akin. "A-ano ba 'yung pag-uusapan natin?" Marahan niyang hinawakan ang kamay ko saka ipinatong sa ibabaw ng kaniyang hita. Nanunuot sa balat ko ang init ng palad niya nang haplusin niya ang likod ng kamay ko. "I just wanna talk about what happened last night." Para akong aatakihin sa puso. Kung kanina, ang dahilan sa pagbilis ng t***k ng puso ko ay dahil sa kilig, ngayon naman ay dahil sa kaba. Hindi kasi ako sigurado kung magugustuhan ko ba ang maririnig ko mula sa kaniya. Nag-ooverthink ako. I'm not sure kung maganda ba ang kahahantungan nito o hindi. Malalim niya akong tinignan sa mga mata ko na para bang kahit kaluluwa ko ay tanaw niya na. Pinapakalma ko ang paghinga ko ngunit mas lalo lamang iyong lumala nang magsalita ulit siya. "Tungkol sa nangyari kagabi, pinigilan ko talaga ang sarili ko. I really tried, Reign. It's just that..." Huminga siya nang malalim. "It's so hard. Ayokong pumasok sa isip mo na katawan mo lang ang intensyon ko sa'yo. I'm not that shallow, neither an asshole. I meant what I said to you last night, Reign." Bumaba muna saglit ang tingin niya sa labi ko bago niya ibalik sa mga mata ko. "I love you. Hindi lang kita gusto. Because I love you so much. At gusto kong patunayan sa'yo na seryoso ako sa nararamdaman ko. Gusto kitang ligawan." Dugtong niya. Nanigas ako. Tinanggalan na ata ako ng baga dahil feeling ko hindi na ako makahinga. Napalunok ako nang makita sa mga mata niya ang pagiging sincere niya. "Let me court you." Ulit niya pa. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "I mean, hindi kita pinipilit. You have a choice. At tatanggpin ko kung ano man ang maging desisyon mo." Hindi agad ako nakasagot. Nang makita ko ang kamay niyang nakahawak sa akin, doon ko nakita na kinakabahan siya sa magiging tugon ko. His hand was shivering. Totoo ba 'tong naririnig ko? Gusto niya akong ligawan? Napalunok ako habang nag-iisip kung ano ang isasagot ko. Sobra ng nagwawala ang sistema ko. Hindi pa ako nakakamove on sa nangyari sa amin, tapos ngayon umamin siya at balak niya akong ligawan. Ang bilis ng pangyayari. "Wala pang nanligaw sa'kin kahit kailan," mahinang pahayag ko. Hindi ata nakatulong ang sinabi ko dahil mas lalo siyang kinabahan. "Will you let me apply as your first and last suitor?" Maingat niyang tanong. Bahagya akong ngumiti saka tumango. "Hmm." Doon umaliwalas ang mukha niya, nakahinga siya nang maluwag at umukit ang matamis na ngiti sa labi niya. Awtomatikong pumulupot ang kamay ko sa bewang niya nang yakapin niya ako. "Thank you, Reign. Wala ng bawian 'yan, okay? I'll court you from now on." Napapayag niya ako. Marahil ay wala namang pinagkaiba ang nararamdaman niya sa akin sa nararamdaman ko para sa kaniya. Our feelings are mutual, sa lalim lang nagkaiba. He loves me. I like him... No. I like him so much. Pero hindi ko pa masabi kung mahal ko na ba talaga siya. Sa sobrang bilis ng pangyayari, I still need time to process everything. At saka, marami pa akong hindi alam sa kaniya. Siguro ang panliligaw niya ang magiging daan para mas makilala pa namin ang isa't isa. Ang lalim ng iniisip ko habang hinahatid ako pauwi ni Cloud. Kahit kailan ay walang nagtangkang manligaw sa akin. Kahit siguro 'yung umamin man lang dati ay wala. Naiisip ko na nga lang na wala talagang nagkakagusto sa akin siguro dahil ay wala akong thrill sa katawan. Iyong pananamit ko, simple lang. Hindi rin ako ganoon na palaayos. Ngayon lang na nagcollege ako pero kahit naman may nagbago sa akin kaunti, wala pa rin namang nagpakita ng motibo. Marahil ay mas marami pang magaganda kaysa sa akin, iyong pang girlfriend material talaga. Ako kasi 'yung tipo na pag-aaral at trabaho lang ang inaatupag. In short, boring akong tao. Naisip ko tuloy, kung hindi ba ko pumayag na pumunta ng club at hindi nagkamali ng pinuntahan, makikilala ko kaya si Cloud? Mararanasan ko kaya ito kasama siya? Malaking palaisipan iyon pero tingin ko, wala ako rito kung hindi iyon nangyari. Hindi ko alam kung anong nakita sa akin ni Cloud para magustuhan niya ako, para mahulog siya sa akin at para sabihin na mahal niya ako. Ang layo ko sa babaeng iniisip kong magugustuhan niya. Kaya nga sobrang gulat ako nang sabihin niya sa akin dati na type niya daw ako. 'I'd love to see me from his point of view'' Sobra akong naku-curious kung ano ang nakita niya sa akin. Hindi ko naman kasi nakikita sa sarili ko na attractive ako lalo na't nakasalamin ako. Nerd ko kaya. Kung sakali kayang 'yung typical na hitsura ko 'yung nakita niya sa Club, magpapakita pa kaya siya ng interes? I exhaled deeply. Masyado naman akong nag-ooverthink. Hindi ko siya dapat pagdudahan. Sa mga lumipas na buwan na nakakasama ko siya, masasabi ko na mabuti siyang tao. Dapat ko siyang pagkatiwalaan. Ganoon din sa sarili ko. "Cloud?" Tawag ko sa kaniya habang nagmamaneho siya. "Hmm?" Sinilip niya lang ako sandali bago ibalik ulit ang mata sa kalsada. "Willing ka bang maghintay sa akin? Sa panliligaw mo." Seryoso kong tanong. "Oo naman. I'm not pressuring you, Reign. Liligawan kita kasi gusto kong ipakita at iparamdam na seryoso ako sa'yo. Hindi dahil sa gusto kong mapasakin ka. I'm courting you para magtugma ang nararamdaman natin. At kung dumating man ang panahon na marealize mo kung ano 'yung nararamdaman mo para sakin, sabihin mo sa'kin. Kahit ano man ang maging desisyon mo, tatanggapin ko ng buong buo." He was sincere when he said those words. It melt me. Bakit ba ganito siya ka-understanding? Lumipas ang mga araw at nagsimula na nga ang panliligaw niya. Kung tutuusin, wala namang nagbago. Sweet kasi siya e simula pa lang sa una kaya hindi ko maisip ang pinagkaiba ng dating Cloud sa manliligaw na Cloud. Mas naging sweet lang siguro ngayon na manliligaw ko na siya. Cloud: Psst. Cloud: Gising ka pa? Napangiti agad ako nang mabasa ang text niya. Hindi pa ako inaantok kaya naman nagpalipas lang muna ako ng oras sa pagscroll sa social media. Me: Zzzzz Cloud: Hahahah i see. Sleep well Me: Joke. Di pa ko inaantok Tinabunan ko ang sarili ko ng kumot dahil ilaw na lamang mula sa phone ko ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Cloud: Can I call you? Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nakakainis, 'yung puso ko. Hindi na tumigil sa pagwawala. Sinilip ko 'yung kasama ko sa kwarto. Tulog na sila. Ang iba kasi ay nagbakasyon muna pero dalawa kaming naiwan sa kwartong ito. Me: Tulog na kasama ko Cloud: Aw it's fine. You better rest now Me: Okay Cloud: Goodnight, Reign Me: Goodnight din Cloud: Goodnight, baby Cloud: I love youu Kinagat ko ang ibabang labi ko saka isinubsob ang mukha sa unan. Cloud naman e! Ganito pala 'yung sinasabi ni Claire sa akin dati. Iba pa rin kapag may taong nagpaparamdam sa'yo kung gaano ka kaworth it at inaalagaan ka kahit na alam mo sa sarili mong independent ka. Ang swerte ko para makatagpo ng isang tulad niya. Sobrang swerte ko. "Gusto mo date tayo sa Sunday?" Tanong ni Cloud habang nagmamaneho siya para ihatid ako sa trabaho ko. "Sige. Saan tayo pupunta?" "Ahmm ikaw ba? May gusto ka bang puntahan?" "Mars." "Huh?" Natawa siya nang magets ang sinabi ko, 'yung balikat niya nanginginig. "Mars? Bakit naman sa Mars?" "Tinanong mo ko kung anong gusto kong puntahan e. Gusto ko ng iwan ang Earth." May pagkajoker din ako minsan. Corny nga lang. Natatawa pa rin siya. "Sama ako." "Sira." "Fine. Ako na lang bahala. Pag-iisipan ko." *** @reignnotrain: Hello musta? @claire.evans: We're fine naman here po Tita. Kayo po? Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa sa reply ni Claire sa message ko. Nakita ko kasi siyang online kaya naisipan ko rin siyang kumustahin. At saka may ikukwento rin ako sa kaniya. Higit sa lahat, kailangan ko ng tips mula sa kaniya. Siya lang ang makakatulong sa akin lalo na't marami siyang experience sa dating. @reignnotrain: Tawagan kita "Hello, babe." Bungad na sagot ni Claire nang sagutin niya ang tawag ko. Video call sana pero wala daw siya sa ayos ngayon kaya voice call na lamang. Alas nueve na ngayon rito kaya kung titignan, nasa 6pm pa lang kung nasaan siya ngayon. Nasa LA siya e. "Hi. Hindi ka naman siguro busy?" "Nope. I'm currently resting right now with no pants here in my bed." Natawa ako nang mahina sa sagot niya. "I missed you. I badly wanna go back there." Para pa siyang iiyak sa tono ng boses niya. "Miss na rin kita." Nagkamustahan pa kami sandali. Mas marami siyang nakwento sa akin. Nag-rant din siya tungkol sa pamilya niya kung gaano siya nito kinokontrol. Ganito naman lagi kapag magkausap kami. Ako lang 'yung pwede niyang paglabasan ng sama ng loob. Nagtanong din siya tungkol sa nangyari sa akin. "May nakalimutan akong ikwento sa'yo." Sabi ko. "What is it?" "Ahmm, nitong mga nakaraang buwan may..." "May what?" "Diba sinabi ko sa'yo dati na may nakilala akong lalaki sa club?" "Yeah... Oh wait. F#ck wait! Ba't ako naeexcite? Okay relax. What about him?" "Nagkita ulit kami." "And then? Wait, his name was Cloud, right?" Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Hmm. Actually, matagal na kaming nagkita, hindi ko lang nasabi sa'yo." "What? Why do I feel betrayed right now?" Ramdam ko nga. "Sira. Hindi ko lang talaga masabi kasi hindi naman big deal." "Fine." Naimagine ko ang pag-irap niya. "So ngayon na nagkita na kayo?" Sinimulan kong ikwento sa kaniya 'yung mga nangyari. Kung paano ulit kami nagkita sa resto at seminar. Pati paghatid sundo niya. Binanggit ko rin kay Claire 'yung phone na niregalo ni Cloud. Gulat siya sa kinuwento ko. Lahat ng detalye sinabi ko maliban sa nangyari sa amin ni Cloud. Nahihiya akong ikwento sa kaniya. Inaalala ko pa nga lang, namumula na ang pisngi ko. "Wow. Wait. I'm literally trying to absorb all the things you said. Reign, you f#cking met an angel. Ang akala ko puro jerk lang lahat ng lalaki but I guess I was wrong. Well, you're a good person. And you deserve to meet a guy like him." Napangiti ako sa compliment niya kay Cloud. Tama siya, si Cloud ay isang depinisyon ng 'hulog ng langit'. "Tapos ayun umamin siya sa akin na mahal niya ko at liligawan niya ako." "And then?" Halata sa boses niya na excited siya. "Pumayag ka?" "Hmm." Rinig na rinig ko ang pag-irit niya mula sa kabilang linya. "Oh f#ck! I'm just happy. I'm f#cking happy right now, Reign. I'm finally relieved. Nag-aalala talaga ako na tatanda kang dalaga. Hindi ka kasi lumalandi!" "Sira." Natawa lang ako. "Do you like him?" Hindi ako nakasagot. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Don't you freaking lie, Reign. 'Cause I know you do from the way you talked about him." "Opo. Gusto ko siya." Umirit ulit siya. "F#ck. Nabuhay lang ata ako para kiligin sa lovelife ng iba. But I'm really happy for you, Reign. Nakakainis. Ba't ba ako naiiyak? Inggit lang ata 'to." Natawa lamang ako nang mahina. "Ayun, kaya rin ako napatawag kasi kailangan ko ng tulong." "Why?" "May date kami sa Sunday. Kailangan ko ng tips." "Hmmm dress the way you want. Whatever makes you comfortable. The most important thing in dating is about being yourself. Actually, you don't need tips, Reign. Trust me, it will all comes natural." Huminga ako nang malalim. "Thanks, Claire. Tatandaan ko 'yan. Sige na, baka maubos na data ko." "Alrighty, baby." Ibaba ko na sana ang tawag pero nagsalita pa siya. "Goodluck with your first kiss with him!" Natawa ako. Nilapit ko ang bibig ko sa phone bago magsalita. "Tapos na po." Hindi nga lang first kiss e. Ayan na naman. Parang awa niyo na! 'Yung isip ko! "Wait what?" Mas lalo akong tumawa sa naging reaksyon niya na halatang gulat at hindi makapaniwala. Hindi na ako sumagot pa at pinatay na ang tawag pero narinig ko pa ang huli niyang sinabi na ikinatawa ko. "Reign, oh my God! Ang harot mo na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD