Warning: R-18
READ AT YOUR OWN RISK.
***
Birthday niya pala ngayon. Hindi man lang niya nabanggit sa akin noong nakaraan. Edi sana may naihanda man lang ako na regalo para sa kaniya. Tapos siya pa tuloy nagluto ng Carbonara para ipakain sa akin. Imbes na ako dapat ang magpapakain sa kaniya. Kung sinabi niya lang sa akin edi sana nagluto ako ng spaghetti o di kaya lumpiang shanghai.
"Ba't di mo man lang sinabi sa akin nang mas maaga na birthday mo pala? Edi wala tuloy akong regalo para sa'yo." Tampo ko.
Ngumiti lamang siya. "Nawala sa isip ko e."
Siningkitan ko lamang siya ng mata. "Ilang taon ka na?"
Ngumisi siya. "Hulaan mo."
Kumunot ang noo ko habang nag-iisip. Kung pagbabasehan ang hitsura niya... "Ahmm 25?"
Tumawa siya nang mahina. "Tingin mo 25 ako?"
"26?" Mas lalo pa siyang tumawa. "Ano nga? Kailan ka ba pinanganak?"
"Labas mo phone mo." Utos niya. Kahit nagtataka ay ginawa ko ang sinabi niya. "Search mo Phoenix Cloud tapos click mo name ko roon. Makikita mo sagot."
Siningkitan ko muna siya ng mata bago ko ginawa ang utos niya. Tinype ko ang pangalan ng company niya sa search box. Nang lumabas 'yung result ay clinick ko ang name niya. Binasa ko 'yung personal information sa kaniya. Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa iyon kaya inulit ko ulit.
December 17, 1994
Wait. 2024 ngayon, kung 1994 siya. Sinubukan kong compute-in sa utak ko kung ilang taon na siya at nagulat ako. Huh?
"30 ka na?" Gulat kong tanong.
Natawa siya nang mahina sa reaksyon ko bago tumango. "Yeah. Gulat ka?"
Nagpalipat lipat ang tingin ko mula sa phone at sa kaniya. "Wait seryoso?"
Kahit anong gawin ko, ang hirap paniwalaan. Ang bata niya kasi tignan para sabihin na 30 na siya. Feeling ko nga kaedad ko lang siya.
"I'm not lying, Reign. I'm now 30 years old."
Totoo nga. Itinabi ko na ulit ang phone ko. "Ang baby face mo naman." Mahina kong komento.
Ngumiti siya. "Baby face ba?" Narinig niya pala.
Tumango ako. "Hindi ko inexpect na 30 ka na. Para lang kitang kaedad e." Nainggit tuloy ako kung anong skin care routine niya para maging ganyan ang kaflawless ang skin. May iniinom ba siyang potion para manatiling baby face?
Nang matapos kami sa pagkain ay ako na ang nagpresinta na maglagay ng pinagkainan namin sa lababo at maghugas nito kaso ayaw ako payagan ni Cloud.
"Ako na dyan. Maupo ka lang dito." Utos niya saka kumuha ng sponge at nilagyan ito ng dishwashing liquid.
"Ikaw na nagluto tapos ikaw pa maghuhugas. Birthday mo rin ngayon. Hayaan mo ng ako na ang maghugas." Sambit ko habang nakatayo sa tabi niya, pilit na inaabot 'yung sponge mula sa kaniya. Kaso masyado siyang matangkad, itinaas niya lang ito, literal na hindi ko maabot.
Nakababa ang tingin niya sa akin at may mapang-asar pang ngiti. "Kapag naabot mo, I'll let you wash the dishes."
Wala akong magagawa kung tatalunin ko lang iyon para maabot kaya ang ginawa ko ay mabilis kong nilagay ang kamay ko sa magkabilang tagiliran niya at kiniliti siya. Ramdam ko pa ang tigas nito nang makiliti ko siya. Doon siya bumigay at tumawa dahilan para mahablot ko 'yung sponge mula sa kaniya. Ako naman ang ngumisi sa kaniya. Mukha siyang trinaydor.
"Madaya." Komento niya.
"Paano naging madaya 'yun? Wala akong laban sa height mo kaya gumawa ako ng paraan." Sagot ko saka nagsimulang maghugas. Nasa tabi ko naman siya, nakakrus ang braso habang pinapanood ako. Nag tsk lang siya.
Nakasandal lang siya sa tabi ng lababo, hindi niya ako iniwan. "Reign."
"Hmm?"
Sandali niyang ibinaba ang tingin bago ngumiti ng payak sabay iling. "Nothing."
***
Napagpasyahan naming bumalik sa third floor para tumambay. Mangha pa rin talaga ako na mayroon siyang ganito. Magkano kaya nagastos niya para makapagpatayo ng ganito? Hindi ko na dapat pang alamin. Baka mahimatay lang ako lalo na kapag nalaman ko na ang numero ay naglalaro sa pitong digits.
"Wanna play?" Tanong niya.
"Hindi ako marunong maglaro." Sagot ko.
"Let me teach you. Ito muna laruin natin." Lumapit kami sa may bean bag para doon umupo sa harap ng malaking TV screen. Nang buksan niya iyon ay bumalik siya sa akin at inabot ang joystick. Saglit niyang tinuro sa akin kung ano ang mga dapat pindutin. Kung saan ang sipa, talon, mga ganun. Hirap na hirap akong maglaro kaya itong si Cloud ay nag-enjoy naman sa pagbully sa akin.
"Cloud!" Sigaw ko sa kaniya dahil wala siyang awat. Tawang tawa pa siya. "Binubugbog mo naman na ako."
"Okay okay. I'll be good to you. Sige na ikaw naman." Tumigil siya at literal na hindi gumalaw. Para pang sira 'yung paggalaw ko sa character. Lalapit tapos biglang titigil tapos sisipa kahit na ang layo ko pa sa kaniya. Tawang tawa talaga siya sa tabi ko.
"Manahimik ka." Suway ko sa kaniya. Nang makalapit ako ay sinubukan ko 'yung mga tinuro niya at namilog ang mata ko nang gumana iyon at may lumabas na combo raw. Ang laki ng bawas sa health niya.
Lumaban na ulit siya pero hindi kasing agresibo katulad kanina. Tinotoo niya nga talaga 'yung sinabi niya na 'I'll be good to you'. Sa huli ay nagawa ko siyang talunin. Napataas ako ng kamay ko saka humarap sa kaniya. Gulat na nanalo ako.
"Nanalo ako," pasigaw kong sambit.
"Yeah. You win." Nakangiti niyang sabi. "Isa pa."
"Sige. Galingan mo naman," pang-aasar ko na ikinatawa niya.
Natalo ko ulit siya kaya naman napatalon ako sa sobrang tuwa. Ewan ko kung sinadya niyang magpatalo pero wala na sa akin iyon. Ang mahalaga nanalo ako. Sumubok ulit kami ng ibang laro. Buong oras ay iyon ang ginawa namin. Sobrang saya na makatry ng ganito. Kahit kailan kasi ay hindi pa ako nakapaglaro ng ganito, lalo na 'yung computer games. Kapag gagamit kasi ako ng computer ay puro sa pag-aaral ko naman.
Sinamaan ko ng tingin si Cloud nang mapatay ako sa baril-barilan na nilalaro namin. "'Wag ka kasi magpapatay. Kitang di ako marunong e."
Tumawa siya. "Alright, I'll try. I'll do whatever it takes to protect you."
Ginalingan na nga talaga ni Cloud dahil halos lahat ay siya ang tumapos. Iyong bala kasi ng baril ko baliko. Di marunong mag-adjust. Nanalo kami kahit papaano. Ang galing niya maglaro e.
Nang matapos ang laro namin na halos umabot ng dalawang oras ay tumambay muna kami sa sofa sa roof deck. Magkatabi kaming nakaupo rito. Mag-alas singko na rin naman kaya malilim na at di na ganoon kainit.
"Ang galing mo maglaro," komento ko sabay inom ng softdrinks na dinala niya rito.
"Sakto lang." Pahumble pa e. "Galing mo nga rin e kanina e lalo na sa barilan."
Sinimangutan ko siya. "Magaling daw. Isa lang nga napatay ko tapos lagpas ata 20 death ko."
Hindi niya maiwasan na matawa. "You're doing great for your first time actually. Madadaan naman 'yan sa practice."
"Kailan ka ba nagsimula maglaro ng ganyan?" Curious na tanong ko.
"Ahmm high school ganun. Sobrang addict ko sa computer games dati. Tipong inuumaga na ako kakalaro. Kaya madalas akong pagalitan ako ni Dad. Ginagawa ko kasing tulugan 'yung school. Kaya ang ginawa niya, inalis niya 'yung computer sa bahay namin para parusahan ako." Kwento niya.
"Ano ginawa mo?"
Nagkibit balikat siya. "Edi sa com shop." Natawa siya nang may maalala. "Ewan ko ba, medyo rebelde ako dati. Kaso ayun nahuli pa rin ako, kaya para magtanda ako, hindi nila ako binigyan ng allowance. Hinatid sundo ako, pati lunch ko pinapabaon na. Wala talagang pera na pinahawak sa'kin." Maigi lang akong nakinig sa kwento niya. "Ilang buwan ko rin silang di pinansin nun. Even Solar. Though she's unbothered. In the end, sumuko na lang ako and I apologized to them. Ako rin talo e."
"Atleast narealize mo 'yung mali mo," komento ko.
"Yeah. It was my wrong. I should know my limits."
Nagkwentuhan pa kami sandali. Kinuwento ko 'yung mga unforgettable memories ko noong bata ako. May pagkakataon pa na parehas kami ng naexperience ni Cloud lalo na nung high school. Tapos napunta sa tanungan kung anong favorite namin sa iba't ibang categories.
"Favorite flavor ng ice cream?" Tanong niya.
"Chocolate."
"Same. How about... favorite Artista?"
"Hollywood o local?"
"Local."
"Joshua Garcia." Sagot ko agad.
Siningkitan niya ako ng mata. "Bilis sumagot ah. Di man lang pinag-isipan." Umiling-iling pa siya kaya tumawa lang ako. "Sa hollywood?"
"Marami e. Pero pinakafavorite ko ay si Leonardo DiCaprio. Gwapo niya nung teenage years niya. Galing pa umacting."
"Hmm." Tumango tango lang siya.
"Ikaw ba?"
"Wala. Hindi ako mahilig manood ng TV e."
"Puro trabaho ka lang siguro." Saad ko.
"Sort of. Madalas kaharap computer kapag walang work. Pero madalas ikaw na pinagkakaabalahan ko."
Hindi ko inasahan ang huling sinabi niya kaya medyo nabulunan ako dahil saktong umiinom ako ng softdrinks.
"Favorite ulam naman?" Ako na ang nagtanong.
"Ahmm wala e. Ah menudo. O di kaya sinigang. Ugh f#ck, nagcrave tuloy ako sa sinigang." Ginulo niya ang kaniyang buhok.
"Marunong ako magluto nun. Gusto mo lutuan kita next time?" Sambit ko. Babawi ako sa kaniya lalo na't wala akong nabigay na regalo.
Kita ko ang saya sa mukha niya nang ngumiti siya. "Talaga? Sinabi mo 'yan ah. Walang bawian."
"Sige."
"Ikaw? Favorite ulam?"
"Chicken curry." Sagot ko. Sobrang gustong gusto ko 'yun lalo na 'yung luto ni papa.
"I see. Favorite music genre?"
"Gusto ko ng pop music. R&B din minsan. Kpop din nakikinig ako pero hindi ko ganun kahilig."
"Hmm okay po. Ako wala e. Hindi naman ako palakinig ng music. Theme song ng laro lang ganun or anime lang alam ko. Kantahin ko pa e."
Natawa ako nang kumanta nga siya. Hindi ko maintindihan 'yung lyrics at mukhang japanese. Feel na feel niya pa. Nang magkatinginan kami, pareho kaming natawa. Doon siya tumigil at medyo nahiya.
"That was embarrassing."
"Hindi ah." Sabi ko. "Pagbibigyan kita kasi birthday mo."
"Speaking of birthday, kailan pala sa'yo?"
"June 15, 2000." Sagot ko.
"Oh I see. 2000 babies."
"Hmm."
"Is that Gemini?" Salubong ang kilay niya kaya tango ang isinagot ko. Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin. "Hi, Gemini. I'm Sagittarius."
Napangiti lang ako saka hinawakan ang kamay niya para makipagshake hands. Sa bilis ng oras, hindi na namin namalayan na malapit na mag-alas sais. Higit kalahating oras na lang ang natitira.
"Magsix na pala."
Nang tignan ko siya sa mga mata niya ay kita ko ang pagkawala ng ngiti rito. Tumayo na ako kaya sumunod na rin siya.
"Aalis ka na?"
"Oo. May pasok pa ako e."
Nagbago ang ekspresyon niya. Kung kanina ay ang sigla ng presensya niya, ngayon ay bagsak ang balikat niya. Nakababa lamang ang tingin niya habang malalim ang iniisip.
"Ayos ka lang?" Pag-aalala na tanong ko dahil hindi na maipinta ang mukha niya.
Kita ko pa ang pag-igting ng panga niya bago siya tumingin ulit sa mga mata ko. Mas lumalim ang titig niya sa akin nang humingi siya ng pabor. "Would you mind if you spend your night with me?"
Napalunok ako sa sinabi niya. Sa dami ng tulong na ginawa niya sa akin, ang samahan siya sa kaarawan niya ang natatangi ko lang na mabibigay bilang utang na loob na rin. Pero isang gabi kasama siya? Kami lang dalawa sa bahay niya? Hindi ko alam kung magagawa ko iyon. Isa pa may trabaho pa akong papasukan. Kaso birthday niya ngayon at nakakahiya naman kung iiwan ko siya. Litong lito ako sa magiging desisyon ko.
Ang puso ko gustong samahan siya ngunit ang utak ko naman ang tumatanggi. Naghihintay lamang siya ng sagot. Nang mapansin na matagal ako makatugon ay mapait siyang ngumiti.
"Ihahatid na kita—" Maglalakad na sana siya paalis kaya umaksyon na ako.
"Sasamahan kita." Putol ko sa kaniya.
Bakas ang saya sa mukha niya nang marinig na pumayag ako. Nagulat pa ako nang bigla siyang yumakap sa kaniya. "Thank you," bulong niya.
Hindi ko alam kung yayakapin ko siya pabalik ngunit bago pa ako makapagdesisyon ay kumalas na siya sa akin. Napaisip ako. Wala naman sigurong masama kung sasamahan ko siya ngayong gabi. May tiwala naman ako sa kaniya. Magpapaalam na lang siguro ako sa trabaho ko na hindi muna ako makakapasok. Nag-isip pa ako ng kapani-paniwalang dahilan para naman masabing valid ang biglaan kong pag-absent. Nagiguilty tuloy ako. Ngayon lang ako nagsinungaling sa trabaho.
Dinala ako ni Cloud sa may sala kung saan naroon ang malaking TV. Plano namin na magbinge watch na lamang since iyon lang ang maaari naming gawin lalo na't gabi na rin. Sandali muna siyang nawala kaya habang naghihintay ay nilabas ko ang phone ko para imessage si Ma'am Leila. Ang sabi ko lang ay may LBM ako. Common na dahilan syempre. Nakahinga ako nang maluwag nang pumayag naman siya. Nagsabi pa siya na magpagaling ako.
Nang makabalik si Cloud ay may dala na siyang finger food tulad ng french fries tapos malaking pack ng junkfoods. Sa may sofa ay doon kami umupo. Naalala ko tuloy si Claire sa ganito. Siya kasi ang mahilig magbinge watch kasama ako kapag nasa bahay nila ako.
"What do you want to watch?" Tanong ni Cloud na nasa tabi ko.
Napaisip ako. "May bagong series na about sa zombie ah. Napanood mo na ba 'yun?"
"Aah 'yun ba. Hindi pa e. Iyon panoorin natin?"
Tumango ako. "Opo."
Sinimulan niya ng iplay 'yung movie. Nagdala naman siya ng kumot kaya binalot ko iyon sa ibaba ko habang nakaindian sit ako. Seryoso kaming nanonood. Grabe rin 'yung kaba ko sa sobrang tutok ko sa movie na para bang kasama ako sa palabas. Mahaba 'yung series kaya inabot na kami ng madaling araw nang hindi namamalayan. Kanina pa ako humihikab dahil sa antok. Pinipilit ko pang idilat ang mata ko para tapusin 'yung episode pero sobrang bigat na talaga ng talukap ng mata ko. Hanggang sa napasandal na lang ang ulo ko at bumagsak ito sa kung saan.
Nagising na lamang ako nang maramdaman kong nasa isang malambot na higaan ako. Pagmulat ko ng mata ay nakabalot na sa katawan ko ang makapal na comforter. Nanonood lang ako kanina ah. Pansin kong nakapatay na ang TV at ang nightlight na lamang na nakapatong sa center table na siyang nakatabi sa gilid ang nagbibigay liwanag sa paligid. Kinuha ko ang salamin ko na nakapatong sa mesa para maaninag ko ang paligid.
Doon ko nakita si Cloud na tagilid na nakahiga sa kama. Ako ang naawa sa posisyon niya kasi mahaba ang biyas niya kaya kailangan niya pang bumaluktot para magkasya sa sofa. Bakit ba siya dyan natutulog? Malawak naman itong bedsheet.
Bumangon ako at lumuhod sa harap niya. Nakakahiya naman kung gigisingin ko siya e ang himbing ng tulog niya. Sapat na ang liwanag dito sa sala para makita ko ang pagkunot ng noo ni Cloud. Ano kayang pinapanaginipan niya ngayon?
Maingat kong inilapit ang kamay ko sa bandang mata niya para hawiin 'yung buhok niya na nakaharang. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay saktong dumilat ang kaniyang mga mata. Naiwan tuloy ang kamay ko malapit sa mukha niya. Mapungay ang mga mata na tumingin siya sa akin. Binawi ko agad ang kamay ko at saka umatras nang kaunti.
Napalunok ako pero hindi ko pinahalata na kinabahan ako. "Hindi ka ba nangangalay dyan?" Tanong ko.
Kinusot niya muna ang kaniyang mata bago bumangon. "Nagising ka ba sa ilaw? Gusto mo patayin ko?" Tukoy niya sa nightlight sa may gilid ko.
Umiling ako. "Hindi. Ayos lang naman." Binasa ko ang nanunuyo kong labi. "Malawak naman 'tong higaan. Dito ka kaya para kumportable ka. Bahay mo 'to tapos dyan ka natutulog."
"I'm fine here. Baka kasi hindi ka sanay na may katabi, especially lalaki pa."
"Ayos lang sa'kin." Pag-amin ko. Kahit sa sarili ko nagulat ako. Hindi talaga ako kumportable na may katabi lalo na't lalaki ngunit hindi ko naman iyon nararamdaman kasi may tiwala ako sa kaniya.
Nakatitig pa siya sa akin bago siya tumango at bumaba sa higaan. Bumalik na ako sa hinihigaan ko habang siya naman ay tumabi sa akin. Sinigurado niya talaga na malaki ang espasyo sa pagitan namin.
Ang akala ko ay kaya kong matulog na katabi siya ngunit hirap na hirap akong ibalik ang antok ko dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Sinilip ko siya at nakatalikod siya ng higa sa akin. Gusto ko lang naman matulog e! Bakit ba buhay na buhay itong diwa ko?
Saktong nakaharap ako sa kaniya nang bigla siyang umikot at humarap din sa akin. Natulala ako sa kaniya nang makitang nakamulat ang kaniyang mga mata at nakatitig din sa akin. Ilang minuto rin kaming ganito ang pwesto. Walang nagsalita. Hindi naman ako tumakbo pero hinahabol ko ang paghinga ko. Malamig naman ang paligid pero ang init ng pakiramdam ko. Ang weird ng nararamdaman ko ngayon.
"Hindi ka makatulog?" Mahina niyang tanong. Tumango ako, hindi ko sure kung napansin niya iyon. "Nilalamig ka?"
Hindi ako nilalamig, Cloud. Naiinitan ako. Init na init ako. At hindi ako tanga para hindi malaman na siya ang dahilan nito. Feeling ko tuloy pinagsisisihan ko na pinatabi ko siya rito.
Hindi ako nakasagot. Sandali pa niya akong pinagmasdan bago niya istretch ang kaniyang braso sa direksyon ko. "It's warmer in here. Gusto mo umusog?"
Walang salitang lumabas sa bibig ko. Pinipakalma ko ang sarili ko para hindi mahalata ang malalalim kong paghinga. Katawan ko na mismo ang trumaydor sa akin nang umusog ako palapit sa kaniya at ginawang unan ang kaniyang braso. Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kaniya at niyakap ako nang mahigpit.
Totoo nga na mas mainit dito sa pwesto niya, pero galing ang init na iyon mula sa katawan niya. Hindi lang pala ako ang nakakaramdam nito. Lumuwag ang yakap niya bago siya sumilip sa akin kaya tumingala ako sa kaniya. Tila ba kumikislap ang kaniyang mga mata ngayon na mas malapit na ako sa kaniya. Halos kapusin ako ng hininga sa lalim ng titig niya. Nagsimulang kumabog nang mas malakas ang dibdib ko sa sobrang lagkit ng tingin niya sa akin. Mapang-akit ang mga mata niya. Pati paghinga namin ay palalim nang palalim.
Mula sa mga mata ko ay dahan dahan na bumaba ang kaniyang tingin sa ilong ko papunta sa labi ko. Nahuli ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya nang madiin siyang lumunok.
"I wanna kiss you," malalim na boses niyang bulong nang hindi inaalis ang atensyon sa labi ko. "So bad."
Nagwawala na ang sistema ko habang sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. May kung anong nangyayari sa puson ko habang nakatitig sa kaniya. Aatakihin na ata ako.
Inilapat niya kaniyang kanang kamay sa pisngi ko. Ang init niya, ramdam ko sa palad niya. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Awtomatiko akong napapikit at wala pang ilang segundo nang maramdaman ko na lang na may mainit na dumampi sa labi ko. Nanigas ako. Magkadikit ang labi namin, hindi ko alam ang gagawin. Naramdaman ko ang paglayo ng labi niya, magkalapit pa rin ang mukha namin nang tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.
Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi bago niya angkinin ulit ang labi ko. Ang kamay ko ay lumipat sa bewang niya at napakapit ako sa tela ng damit niya nang magsimulang gumalaw ang labi niya. May namuo sa puson ko sa paraan ng kaniyang paghalik.
Ito ang unang beses na may humalik sa akin kaya naninibago ako ngunit natural na ata sa isang tao na malaman kung ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon. Kusa na lamang na bumuka ang labi ko at mainit na tinugunan ang halik niya. Narinig ko pa ang mahina niyang pag-ungol nang mas lumalim ang halik niya. Kung kanina naiinitan ako, ngayon halos kumulo na ang katawan ko.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayan na nakaibabaw na siya sa akin. Nakapikit ako, hinahabol ang paghinga habang hinahayaan si Cloud na tikman lahat ng parte sa katawan ko. Mula sa labi ko, pababa sa leeg ko. Napadaing pa ako nang sipsipin niya ang balat ko. Napasabunot ako sa buhok niya. Napalunok pa ako nang maramdaman na may kung anong matigas na tumutusok sa bandang tyan ko. Kinabahan agad ako.
Bumalik ulit siya sa labi ko. Mainit ang bawat paghalik niya habang ako naman ay tinatanggap lamang iyon ng buong puso. Naglakbay ang labi niya papunta sa tenga ko at bumulong.
"I can't stop, Reign. Tell me to stop, and I'll do it. Please."
Hindi agad ako nakasagot. Ilang segundo na walang tugon siyang narinig mula sa akin. Umangat ang tingin niya sa akin. Nang makita niya na ang atensyon ko ay nasa labi niya, doon na siya naging agresibo. Hinalikan niya ako, pero iba ito sa kanina. He's kissing me with his tongue. He sucked my lips. Feeling ko ay manhid na ang labi ko.
Bumaba ang kamay niya sa dulo ng damit ko. Bago niya iyon iangat ay nagtanong muna siya. "Can I?"
Natunaw ako sa pagiging maginoo niya. Ginagawa na namin ito pero naroon pa rin ang respeto niya sa akin. Tumango lamang ako. Gusto kong magsalita pero wala talagang lumalabas sa bibig ko. Kasalanan niya 'to!
Nahubad niya na ang damit ko. Sunod naman ay ang bra ko. Wala akong ginawa kung hindi panoorin siya na tanggalin ang saplot namin. Nakatingin ako sa kaniya habang dahan dahan niyang binababa ang underwear ko. He's being seductive lalo na nang sadyain niyang tanggalin iyon habang nakatingin sa akin. Binalot ako ng hiya nang marealize na hubo't hubad na ako sa harapan niya. Ngunit nawala agad iyon nang halikan niya ako ulit.
Tinanggal na rin niya ang pambaba niya. Napalunok ako nang makita kung gaano iyon kahaba. Normal ba talaga na ganiyan kalaki? Kinabahan talaga ako kasi baka hindi iyon magkasya. Kaya ko ba? Pumaibabaw ulit siya sa akin. Ramdam kong dumampi sa balat ko ang p*********i niya.
"Are you okay with this?" Ramdam ko ang concern sa boses niya ng tanungin niya iyon.
"Hmm." Tugon ko na may kasamang tango.
He parted my legs. Napatingala ako nang bigla niyang idampi ang daliri niya sa p********e ko. He was gently rubbing my wetness. "Tell me if it hurts, okay?" Bulong niya pa.
He stopped stroking me. Wala pang isang segundo nang mapadaing ako nang maramdaman ang kahabaan niya na dahan dahan na pumapasok sa loob ko. Mabilis akong napayakap sa kaniyang likod nang maramdaman ko 'yung hapdi lalo na nang maipasok niya na lahat. Naluha ako sa sakit.
"Cloud." Impit kong sambit nang yakapin ko siya.
"I know, Reign. I'm sorry." Hindi siya gumalaw. Pinakiramdaman niya ako nang angkinin niya ang labi ko. He was so gentle when he kissed me. Nasa loob ko siya nang hawiin niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa aking mukha. He planted soft kisses on my face. "Do you still want me?"
Aaminin ko, gusto kong umatras dahil sa hapdi, ngunit katawan ko na mismo ang nagdikta sa kung ano ang gusto. At iyon ay ang angkinin ako ngayong gabi ni Cloud.
Tumango ako. Tinitigan niya pa ako sa aking mga mata bago niya ako halikan sa noo. May binulong siya sa akin na siyang nagpakabog sa puso ko nang malala bago siya dahan dahan na gumalaw sa loob ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat paggalaw niya, 'yung hapdi kanina ay natabunan na lang bigla habang naglalaro sa isip ko ang sinabi niya.
Kung ako ay nahihirapan, ganoon din siya. He groaned. It felt uncomfortable at first hanggang sa napalitan na iyon ng sarap. Mas ibinuka ko pa ang binti ko para hindi na kami mahirapan. Napansin niya siguro na hindi na ko ganoon na nasasaktan. Doon na siya naging agresibo at mas lalong binilisan ang pagbayo sa akin. Nakasambunot ang kamay ko sa kaniya habang dinadama ang pag-iisa ng aming katawan.
"Cloud," I moaned his name. Sinubukan kong sabayan siya and it felt much better. Hindi ko naimagine na kaya ko palang gawin ito.
"Hmm. Look at me, Reign." He commanded. Sumunod naman ako sa gusto niya kaya tumingin ako sa kaniya.
It added so much tension and pleasure as we looked into each other. Alam kong pareho kami ng nararamdaman. Pareho kaming nasasarapan.
May namumuo na sa puson ko. Feeling ko ay may kung anong lalabas sa akin. Napapaisip ako. May kinama na ba siya dati? Bakit ganito siya kagaling? Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kaniya kaya niyakap ko siya sa kaniyang leeg at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. He was thrusting faster and deeper at the same time.
Nagwawala na siya sa ibabaw ko. Naramdaman ko na lamang na may lumabas na mainit mula sa akin. It felt so good. Ito ang unang beses na nilabasan ako.
"Reign, hmmm. F#ck." Iyon ang huling salitang binanggit niya bago siya bumagsak sa ibabaw ko. I hugged him tightly when I felt a hot liquid spurted inside my womb. It was so warm. He's so warm. We are warm.
Hingal na hingal kami pareho. Hinalikan niya pa ako saglit sa pisngi ko bago siya gumulong sa tabi ko. He extended his arm kaya iyon ang ginawa kong unan. Hinapit niya ako palapit sa kaniya kaya naman isiniksik ko ang sarili ko sa kaniyang katawan.
"Reign." Mahina niyang tawag.
"Hmm?" Tugon ko nang iangat ang aking tingin.
He looked straight into my eyes then he repeated the words he whispered earlier. Nagliparan ulit ang mga paruparo sa loob ng tyan ko. Ang tatlong salitang iyon na siyang nagpawala ng buong sistema ko.
"I love you."
Hindi na mawala sa isip ko ang mga salitang iyon kahit hanggang sa makatulog ako sa bisig niya.
He loves me.