Chapter 14

2478 Words
"Reign, may naghahanap sa'yo." Ramdam ko ang pag-alog ng balikat ko kaya naman minulat ko ang mata ko mula sa pagkakatulog. Pag-ikot ko ng higa ay naaninag ko agad ang sinag ng araw na sumisilip sa bintana. Ginising pala ako ng roommate ko. "Sino daw naghahanap?" Humikab pa ako at saka kinapa ang salamin ko bago ito suotin. Tinignan ko ang oras sa phone ko. Alas diyes na pala. Napasarap ang tulog ko. "Puntahan mo na lang. Nasa labas naghihintay." Anito sabay labas ng kwarto, nakasabit ang tuwalya sa balikat. Kusot kusot ang mata ay nagpunta ako sa baba. Si Daisy siguro iyon. Baka may kailangan. Pagkababa ko ay nakasalubong ko 'yung ibang nakikituloy dito na nagbubulungan. Dumiretso ako sa gate at nang buksan ko ito, sabog pa ata ako mula sa pagkakatulog dahil tinitigan ko pa saglit 'yung nakatayo sa tapat ng gate. Ang akala ko si Daisy kaso masyado siyang matangkad. Nang mapagtanto ko na rin kung sino iyon ay nawala ang antok ko. "Cloud?" Ngumiti siya. "Hi. Naistorbo ba kita?" Mula sa mukha ko ay inobserba niya ako pababa. Napayakap agad ako ng sarili nang maalala ko na wala pala akong suot na bra nang bumaba ako rito. Ang akala ko naman kasi si Daisy ang maaabutan ko rito kaya hindi na ako nag-abala pa na magsuot. At saka puro babae naman kami rito kaya walang problema. Hindi naman ganoon kabakat dahil malaki itong shirt na suot ko pero nahiya ako dahil sa laki nitong damit ko ay natatabunan ang dolphin short ko na black. Para tuloy wala akong pambaba. "Hindi naman. Ba't ka pala naparito?" Tanong ko. "Wala naman. I wanna see you. Sorry for disturbing your rest. Dapat pala nagtext muna ako. Galing kasi akong grocery para mamili and then I thought of visiting you." Sagot niya. "Aah okay." "Mamaya pa naman pasok mo, diba?" Tumango ako bilang sagot. Napaisip siya sandali bago niya ituloy ang sasabihin. "Wanna go to my house?" "Huh?" Napataas ang dalawang kilay ko. "Ang sabi ko gusto mo bang sumama sa bahay ko?" Hindi ako nakasagot agad. Tumitig pa siya sa akin ng ilang segundo, inoobserbahan ang mukha ko. "Nevermind. You should rest." "Ayos lang." Sagot ko nang magbago ang isip niya. "Wala rin naman akong gagawin ngayon at saka ang haba na ng tulog ko." "Are you sure? Hindi kita pinipilit ah." Aniya. "Ayos lang talaga, Cloud." Ngumiti siya nang matamis nang pumayag ako. "Great." "Magbibihis lang ako." Paalam ko. "Hintayin mo lang ako dito. Bawal kasi magpapasok ng lalaki sa loob." "Yeah sure." Mabilis akong umakyat ng kwarto. Gusto ko sanang magbihis lang ng pambahay pero nakakahiya naman. Puro loose kasi ang pambahay ko. Nang alalahanin ko ang suot niya kanina, naka gray hoodie siya na jacket at black short. Napansin ko rin ang black shirt na suot niya sa loob. Ang ayos niya tignan kaya dapat na maayos din ang suot ko. Alam kong matatagalan ako sa pagligo kaya tinext ko siya para sabihan na matatagalan ako. Nagreply naman siya na okay lang. Wala akong jeans dahil nasa sampayan at medyo basa pa kaya napilitan akong mag faded black maong short na may tupi sa dulo saka white shirt na tinuck in ko. Saglit kong inayos ang buhok ko sa salamin at hindi na ako nag-abalang magmake up pa dahil masyado na akong nagtatagal kaya polbos lang. Sinuksok ko nang mabilisan 'yung wallet at phone ko sa sling bag ko sabay baba ng hagdan. Bumalik pa ako sa kwarto nang makaligtaan kong magsapatos. Hindi ko mahanap 'yung kapares na medyas ko kaya sa huli ay nagsandals na lang ako na itim. "Okay ka lang?" Tanong ni Cloud nang makasakay ako sa kotse niya. Halata bang nagmamadali ako? "Sorry natagalan," sagot ko. "No worries. Alis na tayo?" Nang tumango ako ay sinimulan niya ng paandarin ang kotse. Habang nasa byahe kami ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sinusubukan kong alamin kung pamilyar sa akin 'tong dinadaanan namin. Sa una oo pero nang lumiko siya ay bago na sa akin ang lahat. Nagtaka pa ako nang mapansin na medyo malayo na ang nilalakbay namin mula sa boarding house ko. Nang lumiko siya ay may nakaharang na bakal sa daraanan namin, chineck muna ang kotse namin ng guard bago ito sumaludo saka umangat 'yung bakal na may black and yellow na stripes. Di ko alam tawag. Habang nakasilip sa bintana, tanaw ko ang mga naggagandahang bahay na nadaraanan namin na siyang ikinamangha ko. May mga CCTV rin bawat kanto. Halos lahat ata ng anggulo ay mayroong camera. Di tulad sa nakalakihan kong lugar, hindi dikit dikit 'yung bahay, may space. Halatang mga mayayaman ang nakatira dito. Kita pa lang sa bakod e. Sa lugar kasi ng tita ko, karamihan sa bakod ay kahoy. Bilang lamang 'yung sementado. Ang pinakamaganda pa sa lugar nito, wala akong nakikitang dumi. Kahit ata balat ng candy na tipikal na nakikita sa kalsada ay wala. "Wait, dito ka ba umuuwi kapag hinahatid mo ko?" Ang layo naman kung dito. Hindi siya sumagot. Huminto siya sa tapat ng isang malaking bahay. May mga halaman din na nakatanim sa may bakod na siyang nagpaganda ng view sa labas. "Can you open the gate for me, Reign?" Paghingi niya ng pabor sa akin. "Pasok ka lang tapos buksan mo 'yung malaking gate." Sumunod naman ako sa kaniya. Lumabas ako ng kotse at nagtungo sa maliit na gate. Hindi iyon nakalock kaya nabuksan ko ng walang kahirap hirap. Kita ko agad 'yung pamilyar na SUV na nakaparada sa garahe niya. Kahit pati garahe niya ang lawak. Parang kasya pa ata tatlong kotse. Pumasok ako at binuksan naman 'yung malaking gate. Gumilid ako at hinintay siyang pumasok at iparada 'yung kotse niya. Ako na ang nagsara ng gate nang bumaba siya. Feeling ko katulong tuloy ako na tagabukas ng gate ng amo ko. "Tara," yaya niya sa akin. Nakasunod ako sa kaniya nang buksan niya ang pinto. "Pasok ka na. Kunin ko lang 'yung grocery." Iniwan niya na ako sa tapat ng pinto nang bumalik siya sa kotse niya. Kinakabahan pa ako na humakbang papasok sa loob. Nalula ako sa taas ng ceiling. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong bahay. Ang liwanag sa loob, nakadagdag 'yung puting kulay ng pader pero sinamahan ng black para sa style. Ang laki ng bahay na ito. Simple lang naman ang interior design ng bahay niya pero ang ganda tignan. Halatang yayamanin. Malawak na living room agad ang bumungad sa akin. Ang laki ng flat screen TV. May sofa rin at center table. Sa ilalim ng TV ay may drawer. Sa sobrang tulala ko sa paligid ay naabutan ako ni Cloud na nakatayo lang. Dala dala niya 'yung dalawang eco bag nang pumasok siya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya sumunod ako sa kaniya. Dumiretso siya sa kusina at mas lalo akong namangha kung gaano kalaki ang kusina niya. Narito rin ang dining table. Inilapag niya ang lahat ng pinamili niya sa ibabaw ng table. Napansin niya akong pinapanood ko siya kaya nilapitan niya ako. "You okay?" Tanong niya. Tumango ako. "Laki ng bahay mo." Tumawa siya saka hinawakan ang kamay ko. "Ilibot kita." Magkahawak ang kamay ay nilibot niya ako sa bahay niya. Dumiretso kami sa may likuran ng first floor kung saan naroon ang malaking swimming pool. Tumayo kami sa gilid at natuwa ako sa sobrang linis ng tubig. Ang sarap sana tumalon kaso hindi naman ako marunong lumangoy. Wala rin akong dala pampalit. Sunod naming pinuntahan ay ang second floor. Puro lang ito kwarto. Mayroon siyang office room at dalawang guest room. Tapos sa dulo naman ay ang bathroom at master's bedroom kung saan siya natutulog. Dinala niya ako sa kwarto niya. Nang buksan niya iyon ay namangha ako kung ganito ito kaganda. Black, white, at gray ang tema ng kwarto. Sa pader sa ibabaw ng kama niya ay may malaking painting ng dagat tapos mataas na mountains habang sa likod nito ay malaking buwan. May isa pang sliding door sa kwarto niya. "That's my closet." Turo niya sa gawing iyon. "'Yung kwarto mo ata, buong floor na ng bahay ng tita ko." Komento ko. "There's something I wanna show you." Hinila niya ako palabas ng kwarto. "I'm sure matutuwa ka rito." Umakyat kami sa may third floor ngunit ibang iba ito sa mga napuntahan namin. Pagkaakyat, sa dulo nito ay may nag-iisang kwarto roon. Nagtungo kami sa kwartong iyon. Mayroong passcode pero imbes na itago sa akin ni Cloud ay harap harapan niya iyon pinakita sa akin nang itype niya 'yung apat na code. Ngumiti muna siya sa akin bago iyon buksan. Madilim ang loob kaya naman binuksan niya 'yung switch na nasa tabi ng pinto. Nang lumiwanag ang paligid ay namilog ang mata ko nang mapagtanto kung anong mayroon sa kwarto ito. Nagkalat ang iba't ibang uri ng video games. Mayroong malambot na upuan na mukhang crescent moon ang hugis. Sa ibang parte naman ay desktop computer na may tatlong monitor screen. May mga glass cabinet din na puno ng... ano ba tawag dyan? Ah! Action figure. Hindi naman halata na mahilig siya sa games ano. Hindi maipagkakaila na may-ari nga siya ng game company. "This is my play room." Paliwanag ni Cloud. Sumunod ako sa kaniya nang lumapit siya sa malaking kurtina sa harapan namin. "But there's something more aside from this." May kinuha siyang remote saka tinutok sa ibabaw ng kurtina. Nanlalaki ang mga mata na pinanood ko 'yung kurtina na automatic na bumukas at doon bumungad sa akin ang sliding door. Literal na napanganga ako nang makita ang magandang roof deck sa likod ng malaking kurtina na ito. Ang ganda sa labas. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya kaya iyon ang ginawa ko. Tanaw ko ang kagandahan ng roof deck nito. May sofa sa labas pero sakop pa naman ng bubong ang pwesto nito kaya hindi ito mababasa ng ulan kung nagkataon. May mga halaman din sa paligid. Binuksan ni Cloud ang sliding door. Lumabas siya roon kaya sumunod ako. Dito ko mas naramdaman ang simoy ng hangin. "Pwede ako pumunta doon?" Tinuro ko 'yung dulo ng roof deck. "Yeah. Just be careful." Naglakad ako roon para matanaw 'yung lugar mula rito sa roof deck ng bahay niya. Napangiti ako nang matanaw ko kung gaano kalawak ang lugar na ito. Mas lalo kong nakita 'yung mga bahay mula rito sa taas. Sobrang ganda. Naramdaman ko ang paglapit ni Cloud sa tabi ko. "What do you think?" Tanong nito sa akin. Nilingon ko siya na may ngiti sa labi. "Ang ganda." "Sabi na e magugustuhan mo. Mas maganda dito pag gabi." "Madalas ka ba tumambay dito?" Tanong ko nang bumalik kami sa may silong dahil mainit. "Sa gabi yeah. Most of the time I have drinks with me." Sagot niya. "Mas relaxing siguro kapag may kasama ako." Tumingin siya sa akin sabay ngiti. "Kain tayo?" Bumaba na ulit kami sa kusina. Sa may dining table niya ako pinaghintay habang siya naman ay nagsimulang mag-asikaso ng lulutuin niya. "Marunong ka pala magluto?" Tanong ko habang pinapanood siya sa ginagawa niya. Ang sabi niya ay carbonara ang lulutuin niya kaya naexcite ako. Nakakain naman na ako nun dahil kay Claire pero gusto ko malaman kung masarap ba siya magluto. Nakatalikod siya sa akin nang sumagot. "Yup. I had to learn or else I'll die. Panget naman kung puro ako order. What if magkaroon ng zombie apocalypse tapos di ako makalabas? Edi mas namatay ako sa gutom kaysa sa mga zombie." Natawa ako sa logic niya. May point naman. Nakakatuwa rin na malamang marunong siyang magluto. Bihira lang kasi sa lalaki iyon. Mula sa pwesto ko ay pinagmasdan ko ang likuran niya. Nakatalikod kasi siya sa akin habang nagluluto. "Ikaw ba? Marunong magluto?" Tanong niya. "Oo." Sumilip siya sa akin. "Lutuan mo ko." Ngumiti ako. "Sige next time." Nagulat ako at napasinghap nang may bigla akong maramdaman na kung anong mabalahibo sa paanan ko. Pagbaba ko ay nakita ko ang mabalbong pusa na panay ang dikit ng katawan sa inuupuan kong high stool chair. Nakatingala siya sa akin. Puti ang mabalbon nitong balahibo tapos mukha siyang may mask dahil sa kulay light brown sa bandang mata niya pati tenga. Ang cute. Blue eyes din. Yumuko ako para abutin ito saka ipinatong sa hita ko. Hindi naman siya mataray. Behave lang siya at hindi nagpumiglas nung binuhat ko. "May pusa ka pala?" Marahan kong kinamot ang leeg nito na siya naman nitong nagustuhan. Lumingon siya sa akin. Nakita niya akong nasa akin ang pusa niya. "Kay Solar 'yan, pinaiwan lang dahil walang mag-aalaga. Her name is Yuri." Sinilip ko ang collar na nakasabit sa leeg nito. Nakaukit nga 'yung pangalan niya na Yuri. Maya maya ay pumatong ito sa dining table saka nakaupong humarap kay Cloud. Nagmeow ito, tila ba tinatawag ang amo niya. Hindi siya pinansin ni Cloud hanggang sa nagpapansin ulit siya at nagmeow. Nang lingunin siya ni Cloud ay nilapitan niya ito saka binuhat para ibaba sa mesa. "Ilang ulit ko ng sinabi. 'Wag kang aakyat sa mesa. Iniwanan na kita ng pagkain diba? Gutom ka na naman?" Suway nito sa pusa. Nagtampo ata ang pusa niya dahil hindi na ito nangulit at umalis na sa kusina. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti. Ang cute nila. Mukha silang magtatay. "Ano pala breed ni Yuri?" Tanong ko nang matapos na siya sa pagluto at naglagay na siya sa plato. "Ragdoll." Sagot niya sabay lapit sa dining table kung saan ako nakapwesto. Dala niya ang lutong carbonara at pinatong sa mesa sa harap ko. "Tada. My specialty." Bigla akong nagutom sa amoy nito. Presentation pa lang, halatang masarap na. "Tikman mo." Aniya kaya kinuha ko ang tinidor. Sinilip ko muna siya. "Kumain ka rin ah." "Ikaw muna. Gusto ko panoorin reaksyon mo e." Hinayaan ko na siya at nagsimula ng paikutin 'yung pasta sa tinidor ko. Natakam ako kaya hindi ko na pinalagpas at sinubo na ito. Marahan ko itong nilasahan sa loob ng bibig ko. Pinapanood lang ako ni Cloud na nakatayo sa tapat ko. Kulang na lang ay kuminang ang mata ko nang masarapan sa luto niya. Binigyan ko siya ng thumbs up dahil puno pa ang bibig ko. Napangiti naman siya sa reaksyon ko. Uminom ako ng tubig bago magsalita. "Ang sarap, Cloud." "Aba dapat lang. Sinarapan ko talaga 'yan." Sagot niya saka umupo para saluhan na rin ako sa pagkain. "Ano ba meron ngayon at naisipan mo magluto ng ganito? Sa mga birthday ko lang nakakain 'to e. Mga spaghetti ganun." "Exactly. It's my birthday today." Mabilis na umangat ang tingin ko sa kaniya, naiwan sa nakasara kong bibig 'yung hibla ng pasta na hihigupin ko na sana. Ngumiti lamang siya na may kasamang mahinang pagtawa nang makita ang reaksyon ko. Kitang kita ko kung gaano kaputi ang ngipin niya. "Cute mo." Dugtong niya. Nag-init ang pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD