"Huh?"
Hindi ako sigurado kung tama 'yung narinig kong bulong niya kaya iyon lamang ang nasabi ko. Kulang ata sa linis itong tenga ko dahil kung ano ano ang naririnig ko. Ngumiti lamang siya saka umiling.
"Hehe wala. Ayaw mo ba kong makita?" Nilingon niya ako. Hindi niya pa pinapaandar ang kotse.
"Ang akala ko ba busy ka?"
"I am. But I wanna see you. Narerecharge ako kapag nakikita kita." Sagot niya.
Umiwas ako ng tingin saka tumikhim. Kung ano ano lumalabas sa bibig niya. Ganito ba siya kavocal?
"May sports fest pala kami next week." Sabi ko sa kaniya habang nasa byahe kami.
"Really? Kasali ka?"
Umiling ako. "Hindi."
"Bakit hindi ka kasali?"
"Wala naman akong alam na sport. Pogs at teks lang alam ko. Pwede ba 'yun?"
Tumawa siya. Mukhang nagets niya 'yung tinutukoy ko. "Joker ka rin pala ano. Sige sali ka pogs. Tapos pakitaan mo ko ng pektus."
Natawa na rin ako nang maalala ko 'yung mga posisyon kapag napektus. "Sira. Ba't alam mo 'yun ha?"
"Ano bang akala mo sa'kin? Hindi dumaan sa pagkabata?"
"Hindi ko lang inexpect. Larong pangkalye 'yun e. Yaman yaman mo."
Natawa siya. "Lumaki ako sa lola ko sa probinsya kaya alam ko 'yung mga ganyan. Laking kalsada kaya ako dati. Itim itim ko nga nun e. Tumigil lang 'yung pagiging gala ko nung naghighschool ako at lumipat ng syudad."
"Hindi ko alam 'yun," nakanguso kong tugon.
"Marami ka pang di alam sa'kin, Reign." Sagot niya. "So may pasok ka pa rin nextweek?"
Tumango ako. "Meron. Required sa first day e, pero kahit gusto ko umabsent, need ako roon lalo na't officer ako. Aasikasuhin namin 'yung mga educ students e. May mga sumali din kasi."
"Wow competitive." Natawa ako sa komento niya. "E paano 'yan? May pasok ka sa trabaho diba? Whole day ba 'yan?"
"7pm pero hanggang 5 lang naman ako." Sagot ko.
"I see. Pwede ba ko sumama?"
Kumunot ang noo ko nang silipin ko siya. Diretso ang tingin niya sa daan. "Ikaw? Sasama?"
"Hmm. Bawal ba makinood? Pwede naman siguro. Former student naman ako e."
Nagkibit balikat ako. "Siguro pero may trabaho ka diba. Ano? Iiwan mo trabaho mo para lang makanood?"
"Hindi naman laro habol ko. I wanna be with you."
Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko nang sobrang lakas.
"Kaunti na lang, iisipin kong tambay ka talaga." Biro ko. Tinatawanan lang talaga niya ang mga ganitong biro ko. "Siya nga pala, ginamit ko na 'yung phone mo." Pahayag ko nang saktong huminto kami sa may tapat ng resto.
Mabilis siyang lumingon sa akin, gulat. "Really?"
"Opo. Nangangapa pa ako pero masasanay din naman. Thank you."
Sumilay ang ngiti niya. "Good to know. Sandali." Nauna siyang lumabas saka umikot sa side ko. As usual pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagpaalam na ako sa kaniya para pumasok ng trabaho.
Mabilis lumipas ang araw. Dumating na ang pinakahihintay ng lahat, ang sports fest. Nakasuot ako ng uniform ng org namin sa first day. Nagsidatingan na rin 'yung mga bus mula sa iba't ibang satellite campus ng University. May opening kasi na mangyayari sa gymnasium.
Ang sabi ni Cloud ay mga lunch time pa siya darating dahil may meeting siya sa umaga. Magsisimula ang opening ceremony ng 10am kaya naman dumiretso na kami ng gymn. Since secretary ako, nakatoka ako sa attendance ng English educ students. Nagpatulong lang ako na idissiminate 'yung attendance sa bawat president ng sections. Medyo matrabaho pero sanay naman na ako.
"Ano ba 'yan? Mamayang hapon pa pala basketball." Reklamo ni Daisy nang makalabas ng gymn.
Umabot ng halos dalawang oras 'yung ceremony kanina dahil natagalan magsimula. Sakto dahil lunch time na rin.
"Daisy, saan ka pala ngayon?" Tanong ko rito.
"Ewan ko. Saan ba tayo? Lunch muna?"
"Ahmm may kailangan kasi akong puntahan. Una ka na lang siguro sa akin." Dahilan ko.
Mabuti na lang ay hindi na siya nagtanong pa. "Sige. Puntahan ko na lang sila Trisha."
Nagpaalam na kami sa isa't isa habang ako naman ay dumiretso sa kitaan namin ni Cloud, sa fountain. Wala akong dalang payong kaya halos patakbo akong nagtungo roon. Ngunit nagtaka ako nang libutin ko ang fountain pero wala siya rito. Nilabas ko ang phone para sana itext kung nasaan siya. Ngunit naramdaman kong may naglalakad palapit sa akin kaya nilingon ko iyon.
Balak pa ata akong gulatin ni Cloud dahil nagdahan dahan pa siya nang lakad pero nang mahuli ko siya ay napahinto siya at tumawa.
"Hirap mo naman po gulatin," sabi niya nang makalapit sa akin. Pinasilong niya agad ako sa payong na hawak niya.
Napatitig ako sa suot niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti. Hindi ko inasahan na magsusuot siya ng University shirt na pinatungan ng jacket. Bagsak ulit ang bangs niya na medyo magulo. May suot pa siyang bag. Mukha siyang college student sa totoo lang. ID na lang kulang.
"Why?" Takang tanong niya kaya mabilis akong umiling.
"Anong year mo na po?"
Napangiti siya. "First year pa lang po. Actually naliligaw po ako."
Natawa lang ako sa pakikisakay niya. "Kumain ka na?"
"Hindi pa nga e. Dumiretso ako rito after ng meeting."
"Ganyan suot mo sa meeting?" Takang tanong ko.
"Hindi ah. Nagbihis muna ako sa office. Ang informal naman. Mamaya isipin nila may naligaw na kung sino sa office."
Ngumiti lang ako. "Okay. Sabay na tayo kain."
"Sige po." Sagot niya sabay payong sa akin nang magsimula kaming maglakad.
Dahil maraming tao sa cafeteria ay napagdesisyunan namin na kumain sa pinakamalapit na karinderya sa campus. Nilakad na lang namin since malapit lang din at saka walang parkingan doon dahil tabi ng highway. Bihira lang ako kumain dito kasi mas malapit 'yung cafeteria sa campus. Saka 'yung Educ building malayo rin sa gate. Pagod lang abot ko kung kakain pa ako sa karinderya sa labas, plus mainit pa. Ngayon lang naman madaming tao sa cafeteria dahil sa mga estudyante mula sa ibang campus.
"Kumakain ka ba sa ganito?" Tanong ko nang makapasok kami sa karinderya.
"Oo naman. Reign, ano ba kasi tingin mo sa'kin?"
"Tinatanong ko lang. Kasi baka mamaya di ka sanay kumain sa ganito. Ayoko naman na di ka kumportable."
"As long as you're here with me, kumportable ako." Sagot niya na nagpainit ng pisngi ko.
"Order na tayo," sagot ko lang.
Pinapili ko siya kung ano ang gusto niyang ulamin. Gusto niya ng Bicol express kaya iyon na ang inorder ko para sa aming dalawa. Nanghingi rin ako ng sabaw. Sinigang na baboy daw ang sabaw nila. Naglalaway na tuloy ako. Gusto ko lagi sa karinderya ay 'yung palibreng sabaw e. Doon kami pumwesto sa may gilid.
Siya na ang nagdala ng order namin. Kumuha na rin siya ng kutsara't tinidor. Pati malamig na tubig hinanda niya na rin. Pero ako ang nagbayad. Inunahan ko na siya bago pa siya maglabas ng pera sa wallet niya kanina. Hangga't maaari, hindi ko siya hahayaan na ilibre ako.
"Ate, 'yung sabaw po!" Sigaw ko dahil kulang ng sabaw order namin.
"Sandali po!" Sigaw naman nung tindera.
Tumawa lang si Cloud sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"
Umiling siya. "Nothing. Cute mo lang."
Pinigilan ko ulit ang ngiti ko. Dumating na rin ang sabaw kaya nagsimula na kaming kumain. Nag-usap din kami ni Cloud tungkol sa ginawa ko kanina. Habang nag-uusap kami ay may pumutol ng atensyon namin.
"Uy, Reign! Dito ka rin pala kakain. Sana sinabi... mo." Naglakad si Daisy palapit sa akin pero nang mapansin niya ang lalaking nakatalikod sa kaniya, ang kaharap ko sa mesa, ay bumagal ang pagkakasabi niya sa huling sentence. "May kasama ka pala." Nang tumayo siya sa gilid at nang mamukhaan kung sino ang kasama ko ay nanlaki ang mata niya sabay takip ng bibig.
Tumingin din sa kaniya si Cloud sabay ngiti nang bahagya. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Cloud.
"Hala sorry po." Nagbow siya para humingi ng pasensya. Inisip niya siguro na naistorbo niya kami. "Sorry po talaga."
Mahinang tumawa si Cloud. "No, it's okay. Friend ka ni Reign, diba?" Dahan dahan si Daisy na tumango, hindi pa rin makapaniwala. "Dito ba kayo kakain? Kasama mo ba sila?" Nilinga ni Cloud ang paligid, tanging mahabang mesa na lang namin ang bakante para sa tatlo pang kasama ni Daisy na kaklase rin namin. "Dito na lang kayo since they don't have any vacant tables. Malaki pa naman ang space."
"Hala, Sir. Hindi na po. Nakakahiya. Sa iba na lang po kami."
"No, it's fine. For sure gutom na kayo. Dito na lang kayo umupo." Sabi ni Cloud.
Hindi na nakatanggi pa sila Daisy kaya nang makaorder sila ay dito nga sila pumwesto sa amin. Sa akin tumabi si Daisy. May kakaiba sa mata niya nang tumingin siya sa akin. 'Yung tingin na parang may nabistong chismis ganun. Pigil pa ang ngiti niya.
Ang tahimik ng ibang kasama namin. Malamang ay namukhaan nila si Cloud na isa sa mga speaker dati. Nagtataka siguro sila kung anong ginagawa niya rito at kung bakit ko siya kasama.
"Hoy ikaw ha. Bakit hindi mo sa'kin sinabi na close pala kayo nito ni Sir Cloud." Bulong sa akin ni Daisy kaya siniko ko siya para manahimik siya.
"Ano pala name niyo?" Tanong ni Cloud.
Nagsimula silang magpakilala habang ito naman si Daisy ay naging pabibo.
"Daisy po." Inilahad niya ang kamay niya kaya naman kinuha naman iyon ni Cloud at nakipagkamay. Nagpakilala din ang dalawa ko pang kaklase.
"Nice to meet you all." Ngiting wika ni Cloud.
"Ask ko lang po, Sir. Ano pong sadya niyo rito?" Curious na tanong ni Daisy. Napangiwi siya at umilag ang bewang sa gawi ko. "Bakit?" Takang tanong niya sa katabang si Trisha na kasama namin sa mesa.
"Sports fest malamang. Tinatanong pa ba 'yan?" Minatahan ni Trisha si Daisy na tila ba winawarningan.
Umirap si Daisy sa kaniya. "Malay ko ba kung may ibang sadya si Sir. Aah!" Nagreklamo ulit siya sabay sinindakan ng tingin si Trisha.
"Kumain ka na nga lang." Sermon nito sa kaniya.
Napailing lang si Darwin sa kanila na siyang katabi ni Cloud at katapat sa mesa nung dalawa. Kaklase ko rin siya. Nagbow siya sa amin ni Cloud.
"Pagpasensyahan niyo na po 'yung dalawa." Paghingi ng pasensya nito.
Payak na ngumiti si Cloud. "It's fine."
Nang matapos na kaming kumain, sasabay pa sana si Daisy sa amin pero mabilis siyang hinatak na tila ba nagkaisa 'yung dalawa para ilayo si Daisy sa amin ni Cloud. Si Daisy kasi 'yung tipo ng tao na minsan gustong kasama siya sa chismis.
Ang bagal ng lakad namin ni Cloud papunta sa gate habang pinapayungan niya ako. Ngayon na magkatabi kaming naglalakad, mas lalo kong napansin kung gaano siya katangkad. Hanggang leeg niya lang nga talaga ako. Mas lalo tuloy akong nanliit.
"Cloud," pagkuha ko ng atensyon niya kaya bumaba ang tingin niya sa mukha ko. "Ano pala height mo?"
"Ahmm 6'1''?"
Tangkad naman. "Gaano katangkad 'yun? Centimeter?"
"187 po."
Mas lalo akong napanganga. Ang layo ng height niya sa akin. Kung ikukumpara siguro sa swimming pool. Pang kiddie pool lang ang height ko. Kung sakaling malulunod ako sa pinakamalalim na kiddie pool, baka siya hanggang tuhod niya lang.
Ay wait. Ang OA naman! Ano ako nuno?
"Tangkad mo," komento ko.
"Ikaw ba?"
"Secret." Irap mata kong sagot na ikinatawa niya.
"Fine. Let me guess. Hmmm 5 flat?"
Siningkitan ko siya ng mata. Nakapasok na kami sa gate. "5 flat?!"
"Oh mali ba. Aaaah 4'9''!"
Napabuga ako ng hangin. "Cloud nang-aasar ka na."
Hindi niya napigilan ang sarili na humagalpak ng tawa sabay hawak sa tyan niya. Kahit paghawak ng payong ay hindi na niya maayos sa kakatawa. "Fine 4'8''. Final answer."
Mas lalo akong nairita sa sagot niya pero hindi ko magawang magalit nang mas lalong lumakas ang tawa niya. Sa sobrang saya niya, naubo na siya.
"Hahahaha f**k ang sakit ng tyan ko saglit." Pinakalma niya ang sarili niya pero humagikhik pa rin siya. Hirap na hirap makamove on ah.
"Ang sama ng ugali mo." Sabi ko.
Huminga muna siya nang malalim. "Joke lang. Ito na po seryoso na. Hmmm kung titignan siguro, mg 5'4''?"
"Lower."
Pilyo siyang ngumiti. "Aaah four--"
"Cloud!" Singhal ko sa kaniya nang balak na naman niya sabihin na nasa 4 feet ako kaya tumawa siya.
"Cute mo asarin kainis. 5'3''?"
Sinamaan ko muna siya ng tingin. "Oo. 163 to be exact."
Marahan niyang ginulo ang ibabaw ng buhok ko habang nakangiti. "Cute cute. Sorry na po. Binibiro ka lang e."
Hindi ko kayang maasar sa kaniya ng matagal. Nakakainis kasi 'yung ngiti niya. 'Yung dimple niya! Daig pang sinag ng araw na kayang tumunaw ng yelo.
Nagpunta na kami sa gymnasium para manood ng games. Mauuna muna daw 'yung Volleyball ngayong 1pm. Nagpunta kami sa may side ng bleachers para sa magandang pwesto, sa may bandang gitna. Nasa kalagitnaan ng laro nang makita kong may tinatype si Cloud sa phone niya habang magkasalubong ang kilay. Sunod niyang ginawa ay inangat ang phone para kumuha ng pictures. Sumilip siya sa akin kaya nagtagpo ang mata namin.
Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. "Friend ko. He's asking me where I am so I sent him a pic." Paliwanag niya kahit hindi naman ako nagtanong. Ngumiti lang ako.
Binalik ko na ang atensyon ko sa game pero ramdam ko na hindi niya pa rin inaalis ang titig sa akin kaya sinilip ko siya. Tinaasan ko siya ng kilay, nagtatanong ang mga mata pero imbes na magsalita ay umiling lang siya sabay ngiti. Balik na ulit sa game pero sunod kong narinig ay ang pagtunog ng camera at doon ko siya nahuli na kinuhanan niya ako ng litrato.
Pinakita niya sa akin ang kuha niya. "Ganda mo dito. Isa pa nga. Tayo namang dalawa."
Nilipat niya sa front cam 'yung phone niya. Tumingin ako roon. Nang makita ko siyang ngumiti ay ngumiti rin ako. Humirit pa siya kaya nagpeace sign ako habang siya ay nagpogi sign at halos hindi na makita ang mata nang ngumiti.
"Send ko sa'yo." Sabi niya kaya nilabas ko ang phone ko. Kita ko ang pagngiti niya nang makita niya na ang nilabas kong phone ay 'yung niregalo niya. "You're using it." Puna niya.
"Matagal na diba?"
"I know. It just made me happy."
Nang maipasa niya iyon ay chineck ko 'yung picture naming dalawa. Ang daya. Kahit sa picture ay ang gwapo niya pa rin. Kahit saan atang anggulo ay gwapo siya tignan. Gwapo na nga, cute pa. Gwapo kapag serious face. Cute naman kapag smiley face. Ang unfair. Ano kaya dasal nito para biyayaan ng ganitong mukha?
"Can I post this?" Paghingi niya ng permiso.
"Huh? Saan?"
"Ig story?"
"I-ikaw bahala."
"Great. Oh wait. Let me follow you first." Inabot niya sa akin ang phone niya. "Ano Ig name mo?"
Kinuha ko iyon saka sinearch ang IG name ko. Pinindot ko ang account ko bago iabot sa kaniya.
"Reign. No. Train." Basa niya na ikinatawa ko.
"Reign not Rain kasi." Paliwanag ko.
Tawa siya. "I know. Nakaprivate ka. Accept mo 'to ah? Follow back mo rin ko." Aniya kaya tumango ako.
Iyon nga ang unang ginawa ko nang makauwi ako ng bahay mula sa trabaho. Nagpaload muna ako sa tindahan na malapit lang sa boarding house para may pang internet ako bago bumalik sa kwarto ko.
Pagkalog in ko sa i********: ko na muntikan ng tabunan ng lumot dahil matagal ko ng hindi nabubuksan, nakita ko sa notification ang follow request ni Cloud. Chineck ko muna kung siya iyon.
________________________________
cloudvinson_u
201 posts 690k followers 148 following
Cloud Vinson
________________________________
Napanganga ako sa dami ng followers niya. Grabe. Parang hindi siya 'yung Cloud na kilala ko. Ganito ba siya kasikat? Natakot tuloy ako na iaccept siya. Finollow ko na rin siya. Nailaw 'yung profile niya kaya pinindot ko iyon para matignan ko 'yung Ig story niya.
Dalawa 'yung nakapost. Ang una ay picture niya na mirror shot na mukhang nasa office, nakaupo sa swivel chair, suot suot 'yung University shirt niya habang nakaharang sa mukha niya 'yung phone. Ang ganda ng pagkakakuha. Nang inext ko ay napatitig ako sa huling story niya. Napangiti ako nang makita ko na pinost niya nga ang picture naming dalawa. Wala pang ilang minuto nang makareceive ako ng panibagong notification. Mayroon akong message mula kay Cloud. Awtomatikong lumawak ang ngiti ko nang buksan ko iyon.
@cloudvinson_u: You accepted me!
@cloudvinson_u: Btw good evening
Nagtipa agad ako sa keyboard.
@reignnotrain: Good evening din
@reignnotrain: Kita ko story mo
@cloudvinson_u: Ganda nung kasama ko ano
Natawa lang ako.
@reignnotrain: Sira
@cloudvinson_u: Bukas na tayo usap, may pasok ka pa bukas. You should sleep now
@reignnotrain: Okay
@cloudvinson_u: Reign
@reignnotrain: Po?
@cloudvinson_u: Wala ka atang kapaguran
@reignnotrain: Bakit naman?
@cloudvinson_u: Panay ka takbo sa isip ko
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadya kong pagngiti. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi agad ako nakapagreply. Pwede na siguro magprito ng itlog sa pisngi ko dahil sa pag-init at pamumula nito.
@cloudvinson_u: Wala ng tumitibok sa loob ng dibdib ko
@cloudvinson_u: Pakibalik nga ng puso kong ninakaw mo!