Episode 6

1397 Words
Lynx's POV "Who is he?" I can visualize her emotionless aura base on her monotonous voice. I smiled to lighten the mood. "He's your friend, baby." "You know that I don't need those shit." She hissed. "I know, baby. But, I am only thinking about your safety. You can handle yourself, I know. Pero... Don't worry he's really a good guy. You don't remember but he's my best buddy." If only I could protect you myself. "This is the only thing I can do for you." My voice c***k. "You already have done so much for me, kuya." Her voice softened at mas lalo ko pa siyang gustong yakapin. "No I didn't. I'm a useless asshole. I don't deserve to be your brother." I wipe the tear that escaped from my eye. "Why are you crying? You're being gay." What makes my sister so precious is that she doesn't allow any of her loved ones to be hurt. I managed to chuckle from her joke. "I'm not crying, baby. I'm just doing some paper..." I tried to lie. But she cut me on air. "Does he know everything?" "No. I only told him to secure your safety. That's all." "Ok. Don't forget your med." *** Alex's POV Napakamot ako sa ulo. Tatlong minuto na ako dito sa labas ng kwarto niya pero di ko magawang kumatok. "Anong nangyayari sayo, Brillantes?" I paced back and forth, back and forth. Heto na kakatukin ko na. Isa. Dalawa. Tatlo. Bumukas ang pinto at nasa harapan ko na ang sadya ngunit wala man lang kaemo-emosyon ang mukha nito. "Anong kailangan mo?" Ibinaba ko ang kamay at tumayo ng tuwid. Para akong bumalik sa training ah! "You have five seconds to speak." "A-ano kasi ano..." Kumunot ang noo nito at sumulyap sa wrist watch. "Wala na kasing laman ang ref mo ng groceries. Baka gusto mong sumama mag grocery. Tatapusin pa kasi nina mama ang paglilinis ng bahay." Mas dumoble yata ang kunot nito sa noo at mas tumalim ang mga mata nito. Hindi ito nagsalita at nakatingin lamang sa ibang bahagi. "Di ko akalain na imbes pagkain, karne, gulay, gatas, itlog at prutas ang laman nung ref mo eh puno ng beers. Kahit man lang juice wala..." Napahinto ako sa pagtatalak. "You speak to much. 2 minutes." Bulong nito at agad sinara ang pinto ng malakas. Bigla akong napatalon. "Haiist! Kung di ka lang...naku!" Bumaba na lang ako ng hagdan. Pero di pa man ako nakarating sa baba ay bumukas ang pinto sa taas at iniluwa ang dalaga. Hindi na ito nagpalit ng damit. Naka ponytail na ang mahaba at straight nitong buhok. "Tutunganga ka na lang ba dyan magdamag?" Potek! Dumaan na pala sa harap ko yun ng di ko namalayan? "Ang ganda mo kasi!" Oops! Malakas ba ang pagkasabi ko nun? Di ko alam pero mukhang nagalit ito ng lumingon at ilang segundo rin akong kinastigo gamit ang kanyang mga mata. "Nagbibiro lang. Ito naman di mabiro." Lalo itong nagalit at gigil na lumapit. "If you don't want to get out from this f*****g house sooner than what you expected, keep your mouth shut." Teka, ano bang nakakagalit sa sinabi ko? Agad ko itong sinundan sa garahe. Pinili nito ang puti na Mercedes at pabalibag na binuksan at sinara ang pinto. "Teka! Hoy, hindi mo ba ako isasama?" Ano ba ang problema ng babaeng to at ang sungit sungit. Di ako pinasakay sa kotse niya at dinaanan lang ang pagkagwapo-gwapo kong mukha. Buti na lang huminto ito ng pagbuksan ni papa ng gate. Agad akong pumasok at umupo sa passenger seat. "Turtle." "Ano?!" "Ayoko ng maingay." "Aba't! Napaka nito ah! Akala siguro nito di ko narinig. Tinawag ba naman akong pagong. Sa gwapo kong to? Pagong?" Naapakan ang ego ko, ano! Di ba alam ng babaeng to? Isang Alex Brillantes ang minaliit nito. Si Alex Brillantes na captain ng Cybercrime department ng Taguig City of Police. Si Alex Brillantes na pinag-aagawan ng maraming kababaihan. Ahem! *** Marami kaming nabiling groceries at halos di ito magkasya sa backseat. Paano ba naman? Kung anong madaanan nito ay nilalagay sa stroller. Isa lang akong taga sunod at taga bitbit. Hindi naman ito nagsasalita. Ako pa nga ang pinapila sa cashier at nauna na ito sa kotse niya. "Ang dami mo namang pinamili? Di yata mauubos yon kahit isang buwan. Hindi nga ata magkakasya ang mga yon sa refrigerator mo eh. Dalawa naman ang refrigerator nito sa bahay pero imposibleng magkakasya ang mga iyon. Nagsasayang lang ata ito ng pera eh. "Kita mo nga halos di magkasya sa backseat eh." Ang dami nitong binili na de lata, prutas, karne at tatlong sako na bigas. "Aanhin mo ba ang mga yun ha? May inaalagaan ka bang halimaw?" "Screeech!" "Teka!" Malapit na akong sumubsob ah. "Get out." "Ano?" "I said, get out." Di ako natinag sa kinauupuan. Malumanay lang ang boses nito ngunit ewan ko ba pero nakaramdam ako ng takot. Hindi ito nakatingin sa akin kaya hindi ko mabasa ang ekspresyon nito. "Nagsasabi lang naman ako ng...teka" Bigla na lang kasi itong lumabas may mga dumadaan pa namang sasakyan. Nagmadali akong lumabas at sundan siya. "Teka! Sorry na! Hindi na ako magsasalita. Shan? Bumalik ka na sa kotse." Lakad takbo ang ginawa ko dahil ang bilis nito maglakad. "Hey, Alexis." Naabutan ko naman siya kaso ang bilis nitong inilag ang kamay na inabot ko. "Go away." Ang init ng panahon dahil alas kuwatro pa lang ng hapon. Masakit ito sa balat. "Hey, sorry na." Pero parang wala na itong narinig at mabilis na sumakay sa kotse't pinaharurot ito. At ito ako ngayon, naiwan sa maalikabok at mainit na kalsada. Pumara ako ng paparating na taxi, ngunit lalo yata akong inaasar ng panahon dahil walang humihinto. Halos gabi na akong makarating sa malaking bahay dahil naabutan na rin ako ng matinding trapik. Inabutan ko si mama sa kusina na naghahanda ng hapunan. Nagmano ako rito bago tinungo ang malamig na tubig sa ref. "Oh! Nasan si ma'am Alexis, anak?"  Napakunot ang noo ko sabay sara ng pinto ng refrigerator. "Di pa ba siya dumating, ma? Nauna na siyang umuwi kanina ah." "Hay, naku! Baka may dinaanan lamang iyon. Antayin na lamang natin." Napakamot ako sa batok dahil sa inis. "Ano ba'ng sinabi nya bago kayo naghiwalay?" Napalingon ako kay mama't napahawak sa bewang. "Sabi nya, ano...ano...may bibilhin pa raw syang importante." At ngayon, nagawa ko pang magsinungaling sa nanay ko. Alexis 'POV I am inside Mallari's house unlocking his safety chest with my hacking device. Inside the chest are documents of his illegal transactions. Dala ang mini-photocopy machine ko at gumawa ako ng kopya. Xerox copy ang iniwan ko sa safety chest at secured ko na ang original na didiin kay Mallari sa susunod na araw. I left the house unnoticed by the guards and their stupid dogs. I arrived in the house at almost nine. Sinalubong ako ni Mang Caloy kasama ang anak niya. I came out from the car without giving them any eye contact. "Nasa trunk ang groceries, mang Caloy." "Sige, iha. Pumunta ka na rin ng kusina at maghapunan." Narinig ko pang pahabol ng matanda at ramdam ang matatalim na tingin ng binata. "Hey, saan na ang mga pinamili natin kanina?" I stopped on my track sa baba ng hagdan ng may humarang na pagong. Wala akong ganang magsalita kaya't nilagpasan ko siya. "Binenta mo ba? Pero alam kong di mo magagawa yon. Tinapon mo ba?" Nakakairita ang boses nitong baklang pagong na ito ah. I'll make sure to kick his butt out as quickly as I can. "Uy, Alexis, kinakausap kita!" At isa pa sa nakakairita ay ang pang-hihila nito ng walang paalam. Patayin ko na rin kaya ito at ng matapos na rin ang problema ko rito. I shot him a dead look. "I threw it away. Happy?" I shrugged off my elbow from his grip and walk away. Ah! I remember something. Binalikan ko ang pagong. "Don't you dare meddle with my life if you don't want to leave this house in an instant. Besides, who are you to talk to me anyway?" I saw his expression change at naging hudyat iyon para iwan ko sya ng tuluyan. "Iha, ayaw mo pa bang kumain?" Napahinto ako sa pag-akyat ng hagdan ng marinig ko si manang. "Tapos na po akong kumain, manang. Maghapunan na po kayo." I need silence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD