Alex's POV
Simula pagkabata ay ginusto ko ng maging pulis. Isang ulirang pulis. Nakamit ko iyon bunga ng pagsisikap at tulong ng mga mahal ko sa buhay.
Hindi ko inakala na makamit ko ang posisyong kinabibilangan ko ngayon.
Ang departamentong ito ay itinuring ko na ring pangalawang tahanan.
"Good morning, chief!" Saludo ng mga kapwa ko pulis na nakakasalubong.
"Good morning, gentlemen!"
Dumiretso na ako sa sariling departamento.
"Chief!" Agad nagsitayuan ang grupo upang sumaludo. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng makita sila pagkalipas lang ng isang araw.
"Chief, bakit po kayo bumisita agad? Namiss nyo po ba kami?" Si Ramos ang unang nagtanong. Ito ang pinakabata sa aking grupo at pinakamakulit.
"Chief, wala pa rin kayong nahanap na chicks hanggang ngayon kaya kayo nandito?" Hirit naman ni Santos at nakipag apir kay Diaz.
"Mas enjoy kasi tayong kasama kaya nabo-bored sa pag chi-chicks hunting si chief." AniDiaz.
Napailing na lang ako dahil sa kabaliwan nila. Di ko mapigilang matawa.
"O di naman kaya chief, di mo pa rin nahanap iyong anghel na nagpatibok ng iyong nagmamanhid-manhirang puso?" Kumindat pa si Ramos saka napabulanghit ng tawa.
Bigla ko siyang naisip. Ng mapansin nilang natahimik ako ay agad silang huminto sa kakatawa.
"As promised, kahit naka leave ako ay kailangan ko paring i-supervise ang mga kasong hinahawakan ng ating grupo. Pero mukhang kaya nyo namang i-manage ang mga ito ay pwede na akong umalis at hahayaan kayong magtrabaho."
"Teka, chief!" Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha ng bawat isa. Sabay-sabay pa ang mga ito sa pagbuntong-hininga.
Agad na naghalungkat siSalvador sa kanyang mesa at inabot ang dokumento sa akin.
"Top priority natin ngayon ang taong nasa likod ng mga pangyayari ngayong nagdaang mga araw dito sa bansa. Mahigpit ang utos mula sa taas at kailangang mahanap ang taong ito sa madaling panahon." Pagbibigay lahad ni Diaz na nasa tapat ng chart.
May inabot si Ramos na isang sketch. Isa itong sketch ng taong naka hood ng itim at nakatalikod.
"Ang sabi ng witness ay bigla na lang itong tumalon galing sa kung saan at bigla itong nawala." Tinuro ni Diaz ang iba pang sketch na nasa chart.
"Ang isa sa problema namin chief ay napaka misteryoso ng taong ito. Ang sabi ng nakakita ay para raw itong si Batman dahil nakakulay itim ito."
"Kailan lang ito?"
"Kahapon ng hatinggabi lang chief, kwento ng witness."
"Bakit sa Cybercrime department binigay ito?"
"Ang kriminal ay gumagamit ng social media para mag-expose ng threats at gumagamit rin ito ng wire tapping, illegal recording to obtain data from the government at iba pa."
"We will work on this, gentlemen! At mahuhuli natin ang taong ito sa loob ng panahong inilaan sa'tin."
"Pero chief, di ba naka-leave pa kayo?" - Salvador
Napatango ako pero naka-leave man o hindi kailangan ako ng aking grupo.
Bago ko nakapagsalita ng aking plano para sa mga susunod na araw ay may kumatok sa pinto.
"Chief, pinatatawag ka ni General."
At dahil dun pinakansel muna ni General ang aking isang linggong leave. Ang ibig sabihin ay magiging busy na naman ako at di ko na naman siya makikita.
***
Third Person POV
Isang mamahaling baso na naman ang nabasag ng tumama ito sa sementadong pader.
"Bullshit! Mga walang kwenta! Wala na ba kayong magawa sa pinapatrabaho ko sa inyo? Isang tao lang ang pinapahanap ko sa inyo ngunit di nyo nagawa! At ngayon hindi nyo rin ako masagot kung sino ang nagpalabas ng mga larawang ito sa media!!! Mga inutil! Walang kwenta!"
Nangangalaiti ang tinatawag nilang big Boss habang dinuduro-duro ang mga litratong nakakalat sa mesa. Mga litrato ito ng laboratory na teritoryo nila at ngayon ay nagkakalat na sa media.
At ang mas nakakapangigil sa big Boss ay walang makapagtukoy kung sino ang nasa likod ng mga ito.
May isa pa itong pinangangambahan. Na baka ang Pakong pinapahanap niya ay hawak na ng pulisya. Ngunit posible iyong mangyari.
Maraming tanong ang naglalaro sa isip nito.
"Kung sino ang tumulong dito para makatakas? Kung isa din ba sa mga tauhan niya o isa sa mga kakumpetensya niya?"
Sino ang taong nakaitim na nangahas na kalabanin siya?
Alexis's POV
Ang sabi ni kuya noon ay si nanang Lisa na ang tagapag-alaga sa amin noong mga bata pa lamang kami. Di nagtagal ay kinuha na rin ng mga magulang namin ang asawa nitong si mang Caloy upang maging katuwang at di na lalong mahirapan sa pangangarangkada ng jeep.
"Iha, gusto mo bang tulungan kita riyan?"
Tinapunan ko muna ng tingin si manang tsaka pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga prutas.
"Hindi na po, manang."
Tumango naman ito.
Tiningnan ko ulit si manang at binigyan ng matipid na ngiti. Sana lang hindi iyon ngiwi.
"Manang, listahan nyo nalang po ako kung ano ang mga kailangan nating bilihin. Ako na po ang mamamalengke."
"Sige, iha. Paubos na rin ang ating groceries."
Tuwang-tuwa ito ng may naiutos rin ako sa wakas.
Bumukas ang pinto ng kusina.
"Anak, andito ka na pala!"
Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang pumasok.
Tuwang-tuwa naman itong nilapitan ng ina. Agad naman itong nagbeso sa magulang.
"Opo, ma. May inasikaso lang po sa opisina kaya nagabihan."
I can feel his gaze but I didn't dare to turn my eyes on him.
The juicer is done blending my fruits. I turned it off and reached out a glass and filled it with fruit juice.
"Naku, kahit naka leave eh trabaho parin inaatupag."
With a blank expression, I left the kitchen.
***
Alex's POV
Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Marami paring nakasalansan na beer dito. Alam kong hindi na ito tinanggal ni mama dahil sa pag-aalalang magagalit si Alexis.
"Ipaghain na kita, anak."
Hinawakan ko ang balikat ni mama para pigilan ito.
"Salamat po, ma." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti saka umupo sa upuang ipinaghila nito.
Ang sweet talaga ng mama ko.
"Anong nangyari sa opisina mo, anak?"
"Pressured po ang grupo dahil sa kaso na ibinigay sa amin ngayon. Lalo na at wala ako dun. Wala ang pogi nilang team captain."
Natawa si mama sa ginawa kong facial expression.
"Naku, kaya na nila iyon anak. Magpahinga ka muna habang bakasyon mo. Nag-aalala ako sa mga assignment assignment nyo na yan eh."
"Dahil po sa assignment na ito kaya pinostpone ni General ang leave ko, ma. Balik duty po muna ako hanggang sa ma-close ang kaso na hawak namin ngayon."
Nakakapanghinayang pero maaari rin naman akong mag leave agad pagkatapos ng assignment na iniatas sa amin ngayon.
"Paano ang usapan niyo ni Lynx, anak?"
Napaisip ako ng malalim.