Episode 15

1598 Words
Alexis' POV Son of a b***h, Ryo! Patuloy na naglandas ang mga luha ko at sumasakit na rin ang lalamunan ko sa kakaiyak. Narinig ko rin kay Ryo kung paano pinatay ang mommy ko. Kahit di ko pa man siya lubos na naaalala, ngunit nararamdaman ko ang pagiging mabuting ina niya sa amin ni kuya Lynx. I swear to God that I will make those assholes pay. Sana binigatan ko pa ang parusa kay Calderon. Sana hindi siya namatay agad. But, I'll make sure na walang matitira sa kanila. They deserve to die and be thrown in hell. I park my big bike sa loob ng lumang building. Sumasakit ang dibdib ko at may mga imaheng naglalaro sa utak ko. I screamed in pain and scream hanggang sa tila maubos na ang boses ko. I walked to my hidden room dizzy. I wanted to compliment myself arriving here safe. Tila nanghihina akong napaupo sa nag-iisang sofa na naroon. "Your mother was r***d before she was killed. I'm not yet certain who of these four r***d her but when she was found, she was already cleaned. She was cleaned before she was thrown into a duct. Your dad went crazy when he found out..." Ryo's voice still echoes in her ears. "Is that the reason why you hate me so much? How could I protect mom??? I was still seven years old. Seven years old couldn't do anything!!! Hindi mo nga ako tinanong kung anong nangyari sa akin at bakit ako nawala... All of you are bullshit!!!" I let myself cry until I lost my will and fell asleep. Kriiing! Kriiiing! Kriiiinggg! My personal phone is ringing. What time is it? It's 7:25 am. Brillantes is calling. I press the green icon. "Alexis, pumunta ka rito sa opisina. Wala ka namang ginagawa di ba?" "Why?" Sana hindi nito mahalata na garalgal ang boses ko. "Umiyak ka ba? paos ang boses mo ah! May nangyari ba?! Ano Alexis, sagot!" sakit sa tenga ang boses nito. Ba't ba ito sumisigaw? "Sabi ni mama umalis ka raw ng bahay. Saan ka ba pumunta, ha?!" "You talk too ..." He cut me mid-sentence. "Hinahanap ka na ng team ko, bakit di ka na raw nagpapakita. Pumunta ka na rito. Magdala ka na rin ng pagkain, nagugutom na kami rito oh." Aba't gago ang 'sang to ah! "Sobrang miss na rin kita..." I can hear boos sa mga kasama nito. Kahit hininaan yata nito ang boses ay narinig parin ng mga kasama. Tsk...di man lang ako pinagsalita. *** I brought them meat and proteins dahil ilang araw na raw silang hindi nakakain ng karne. Halos magtatalon ang mga ito sa tuwa at agad sinunggaban ang pagkain. "Gentlemen, pwede niyo ng dalhin sa kabilang silid iyang pagkain." Utos ng kapitan nila."Pwede naman silang kumain rito ah ba't mo pa sila pinaalis. Gusto mo bang kumain mag-isa?" Curious lang po ako. "Ayoko makipag-share ng akin. Halika na, kain na..." He gestured. Napakunot naman ako ng noo."Pagkain 'to mas masarap pag may ka-share. Pero ikaw, gusto ko sana akin lang. Wag mo sanang isipin ang Japayuking iyon habang magkasama tayo. Itong machong kaibigan mo ang kasama mo ngayon, oh!" He coyly said and I felt myself smiled. Napatulala naman ito kaya napasimangot ako. "Kain na." umupo na rin ako sa tapat nito. "I miss those lips."  ***Alex is a good man, nararamdaman ko 'yon. Natatandaan ko pa noong mapulot ako nina Nanay Shely at Tatay Sente sa madilim na kalsada at tinanong ako kung ano ang pangalan ko, ang tanging binigkas ko lang ay "Alex". Siguro si Alex ang kapitan at tagapagtanggol ko noong mga bata pa kami. Hindi ko man naaalala ngunit sa tingin ko'y masyado kaming close noon. Bukang bibig rin ito ni kuya Lynx. Bakit kaya wala parin ako masyadong maalala sa nakaraan ko? Siguro kung naaalala ko lahat ng ito ay makakatulong rin sa misyon ko. "They're behind your back, Hana." rinig ko ang boses ni Ryo sa earpiece ko. A car screeched at may lumabas na dalawang lalaki. I continued walking slowly at nalanghap ko ang amoy ng panyo na itinakip sa aking ilong. I tried to resist ngunit mas malakas ang mga ito ng damputin ako. *** Someone's POV Nagising si Alexis sa isang European designed na silid. Narinig niyang bumukas ang pintuan. "Ah buti naman at gising ka na, iha!" Mukha ng nakangiting Mondragon ang bumungad. "Pasensya ka na sa nangyari kanina. Pero wala akong intensyong saktan ka, iha. Alam mo naman siguro na close kami ng daddy mo. Sixteen years narin ng huli kitang makita, iha." Umupo ito ng casual sa tapat ng sopang inuupuan ng dalaga. "Pina-kidnap niyo ako para lang makita ako. Napaka old fashion naman ng tactic." Di naitago ni Alexis ang inis. Natawa naman ang senador sa sinabi ng dalaga at humingi ulit ito ng pasensya. "Matanda na nga talaga ako, iha. Parang kailan lang eh tumatakbo pa kayo ng kuya mo rito sa silid na ito. Kumusta na nga pala ang dad at kuya mo? Balita ko eh kakauwi mo lang from abroad two months ago." Hindi sumagot ang dalaga at inilibot lang nito ang mga mata sa paligid. "Nabalitaan ko rin na may mga bagay ng nakaraan ang di mo naaalala... amnesia ba ang tawag doon? Kahawig mo talaga ang mommy mo, iha. Noong sanggol ka pa laging pinagmamalaki ng dad mo na siya ang kahawig pero tingnan mo naman ngayon... kung naaalala mo lang iha apple of the eye ka ng dad mo na halos magselos na nga ang mom mo..." "Kaibigan nyo rin po ba ang mommy ko?" Nakuha nito ang interes ng dalaga na biglang naging friendly ang mukha. "Well, kami talaga ng papa mo ang magkaibigan simula kolehiyo. Nakilala ng dad mo si Charlene after we graduated. Sikat na modelo ang mommy mo noon kaya manang-mana ka ron. Pero ang galing din ng daddy mo. " Tuwang-tuwa na nagkwento ang senador"Kung ganoon, may alam kayo kung paano namatay ang mom ko?" Biglang naging uneasy ang senador sa tanong ng dalaga. "Di kami masyadong close ni dad para ikwento niya sa'kin kung paano nawala si mom. Lagi nalang akong pinapagalitan noon. Di ba dapat pag lost and found ang anak dapat mas inaalagaan sila ng magulang? Pero si dad..." Sa isip ng senador ay hindi threat itong dalaga at malabong may alam ito kay Raven. Napakainosente nitong tingnan at mukhang mahina. Alexis studied the old man's face habang nagsasalita ito. Alam niyang may alam ito sa sa pagkamatay ng mommy niya. Kaya't sa loob-loob ay nanggigigil ang dalaga. Marami na siyang nabuong plano sa utak kung paano pahirapan ang matanda. Habang nagsasalita ito ay lumapit ang secretary at may ibinulong rito na ikinabigla ng senador. Sa labas ay naroon ang Cybercrime team ni Alex at may dala itong warrant of arrest.Pagkalabas ng senador ay hinarap nito si Alex. "Senator Mondragon, may warrant of arrest po kami sa inyo para sa TIPM case. May nakapag report sa amin na kayo ang nag apruba ng defective na mga materyales na ginamit sa pagpatayo ng building na dahilan ng pagguho nito." Di pa nakapagsalita ang senador ay pinosasan na ito ni Diaz at Salvador. "Senator, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you basta sabihan n'yo lang ako." Ngising sabi ni Diaz. Ang TIPM ay isang establishment na pinatayo ng gobyerno para sa mga mamamayang walang matitirhan. Dahil sa corruption ng mga pulitikong inatasan, ginamitan ito ng mga mumurahin at defective na materyales na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming mamamayan. "Sa presinto na po kayo magpaliwanag, mahal naming Senador. Ngayon wala na po kayong takas dahil may mga solid na ebidensya na kami." Binigyan ito ng nakakalokong ngiti ni Dave. Nagpadala ng email si raven@aol.com dalawang oras ang nakaraan at kalakip nito ay mga ebidensya ng korupsyon laban kay Mondragon. Nais magpumiglas ang senador ngunit sarkastiko lamang itong ngumiti, nasaisip na malulusutan niya rin ito. Lumabas si Alexis na ipinagtaka ni Alex at ng mga kasama nito. Poker face itong naglakad at tinungo ang sasakyan na dala ng binata. "Anong ginagawa mo sa bahay ni Senador?" tumabi ang binata sa backseat at nagmaneho naman si Santos. Hindi sumagot ang dalaga at pumikit habang nakasandal sa upuan. Naalala nito ang sinabi ng senador na nagpainit sa dugo ng dalaga. "Nasa trabaho ang dad mo noon at isang linggo siyang wala. Lumabas kayo ni Charlene ng araw na 'yon para mag-shopping sa paborito mong botique ng bigla kayong dinukot. Akala namin noon ransom ang kailangan nila pero pagkalipas ng limang araw, natagpuan na lang ang mom mo sa isang canal." maluha-luha ang matanda habang isinalaysay ito. Maraming imahe ang naglalaro sa utak ni Alexis. "Lex, ok ka lang?" Rinig niyang pukaw ng binata. Napadilat ng mata ang dalaga ng maramdaman ang kamay ng Alex sa kanyang mukha. Pinahiran nito ang luha ng dalaga. "Santos, pwede mo bang ihinto ang sasakyan?" Sumunod naman agad ang kasama. Pinag-commute ng binata ang dalawang tauhan at ito na ang nag-drive para sa dalaga. Dinala ng binata ang dalaga sa tabi ng dagat. Doon nagpalipas ng hapon ang dalawa habang tahimik na pinapanood ang pagsilong ng araw. Magkatabi itong nakaupo sa trunk ng sasakyan. "Lex..." nilingon ng binata ang dalaga, sinisigurado kung tinawag nga ba talaga sya ng katabi. Lalong bumilis ang t***k ng puso ng binata ng malingunan ang dalaga na matamang nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD