Ryo's POV
I'm Ryoko Kitagawa. I'm a techy guy and the best in the field. I was the one who exposed Ms. Lynnox enemies to the public with just the tip of my fingers. We can say that I'm Ms. Lennox's partner in her mission. Her handsome partner. *evil smile*
"Juice, iho." Mr. Brillantes brought a juice with a smile.
"Thank you." I smiled back.
"Pasensya na at mahimbing yata ang tulog ng kaibigan mo, iho." I bet he's apologizing based on his gestures.
"It's okay. She will be here soon." The old man smiled apologetically and walked towards the kitchen.
It says 7:49 PM in my wristwatch.
"Kitagawa..." She walked past behind me and sat down at the sofa across to where I'm at. I smiled at her.
She looks beautiful than ever.
"There's plenty of guest room available here. I'll ask Manang to show your room later." I'm amazed by how she talk emotionlessly but still look beautiful.
"I'll stay here for several days and has to go back immediately after we're done." She knew why I had to fly to Philippines. The Japanese officials are hunting down The Beast, and that is me. Japan's technology are more advanced so they could track me easily. I can't be captured while Hana is still fighting her battle.
"Since I'm here, I'd like to see your room , Hana." She stood up.
"Wait." She flinched as I touched her arm.
"You're wounded? That's why you look pale."
"I took care of it."
"Let me see." I pulled her arm.
"Alexis!"
***
Alex' POV
Masakit! Masakit sa mata ang nakita kong paglalambingan ng dalawa ng makapasok ako ng sala. Sino kaya yung ungas na hahawak-hawak sa baby ko?
"Alexis!" Lumingon ang mga ito sa akin. Nilapitan ko naman sila. Tsss mas gwapo naman ako sa ungas na 'to.
"Hey man, I'm Ryo...Kitagawa." At may gana pang makipag shake hands ang ungas na 'to?
"Senior Inpector Alex Brillantes...Police Captain of Cybercrime Department." Aba't malakas rin makipag-kamay ang isang to ah. Tingnan nga natin kung sinong mas malakas.
"Go outside if you want to fight. I'm not in the mood to watch." Nagmartsa ito papuntang kusina.
"Alexis!"
"Hana!"
I shot him a glare. Anong karapatan nitong makipagsabayan sa akin?
Tsss kaya ba hindi na siya nagpapakita sa akin dahil may boyfriend na pala siyang japayuki? Eh anong dahilan niya't hinalikan niya ako noong nakaraang gabi? Huh?!
Nandun siya sa terrace at nagpapahangin. As usual may bitbit itong canned beer. Alas diyes na ng gabi at kailangan ko ng bumalik sa opisina.
"Lex..." Sambit ko rito ngunit hindi man lang ito lumilingon.
Silence.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"I don't know why you had to raise that question, Brillantes." Brillantes na naman?
"Isang tanong na lang...bakit mo ko hinalikan?" tinungga nito ang alak at muling nanahimik.
"Bakit mo ko hinalikan kung may Ryoko ka na pala? Lasing ka lang ba ng gabing iyon? Gusto ko lang malaman kung may meaning sayo ang halik na 'yon. Dahil sa akin meron. Araw-araw kong pinapangarap na mahalikan ka at ngayong nahalikan na kita ayaw na akong tan-tanan nito." Nakatingin na ito sa wakas at guni-guni man o hindi pero nakikita kong kumikislap ang mga mata nito. Dahan-dahan ko itong nilapitan.
"Alexis...sagutin mo ang tanong ko."
"Alex..." Napapikit ito ng mahawakan ko sa braso.
"Bakit mo ako hinalikan?"
"Yeah! How dare you to hold her!" Muntik ko ng masapak ang panira na nanghila sa akin.
"Kyamisan, daijobudeska?" tanong ni Ryo
"Hai." tumango naman si Alexis.
"Tulong iyon bilang isang kaibigan. Wala ng ibang kahulugan." Yun ang mga iniwang salita nito bago akay-akay ni Ryo sa kanyang kwarto.
"Tulong?! Ha?! Alam niya ba kung anong pinagdadaanan ko ng gabing iyon?! Hana?! I call her Hana because she's beautiful!!! Ha!"
"Chief?!"
"Oh, Dave?!"
"Kanino po kayo nagagalit?"
"Ha!? Ah wala..."
"Oo nga pala, chief... hindi lang sa gabi nagtatrabaho si Raven. Lumalabas ito kahit anong oras. Kahapon ay binugbog nito ang mga tauhan ni Jack. Kahit na iyong kutsilyong ginamit niya kay Jack ay tinangay rin."Ani Dave
"At ang patalim na ginamit ay regular na kutsilyo lamang na nabibili sa mga tindahan?" paninigurado ko kung tama ba ang nakasulat dito sa report
"Ayon sa medikal ay ang tama ng kutsilyo ay katulad ng tama ng maliit na kitchen knife pero ayon kay Jack ay may maliit na ibon sa hawakan nito. Isang uwak. Magaling sa hand to hand combat ang taong ito at para raw kidlat kung kumilos at agad na napatumba ang labinlimang katao."
"Malinis talaga magtrabaho itong si Raven, hanggang ngayon wala parin tayong lead. Ito ang mga sketches na nakuha natin. Na check nyo na ba ang mga CCTV sa karatig lugar?"
"Yun ang tatrabahuin namin ni Sanchez ngayon, Chief." Ani Diaz.
"Sa ngayon, ang target nitong si Raven ay si Mallari. May ipinadala si Raven na mga litrato." ipinakita ko ito sa kanila. Sa litrato ay naroon si Abelardo Mondragon, ang pumanaw na si Gregorio Calderon at si Jinggo Mallari. Lahat ay may katungkulan sa gobyerno. May isang litrato na sinadyang nilagyan ng red ink kaya't di namin nakikita kung sinuman ito. May red ink rin sa litrato ni Calderon at sinadyang nilagay ito sa bandang private part nito.
"Kung si Calderon ay pinutulan ng ari at nilagyan ng red ink sa private area nito ibig sabihin ba ay patay na rin itong tao sa isang litrato?" ani Santos hawak ang litratong puno ng red ink.
"Yan ang hindi pa natin alam. Kumplikado ang karakter nitong si Raven. Pero itong sigurado tayo, target nito si Mallari at si Mondragon ngayon. At ang kailangan pa nating malaman ay kung sino pa itong sa isang litrato." ani ko
"Kailangan natin pasukin ang lungga ng leon para mahuli ang uwak."
***
Alexis' POV
"Ed Chu is one of the richest man in the world and of course he's influential here in the Philippines. His businesses is all over the country. Abelardo Mondragon is also one of the famous senator here who always show his people that he is a man person, he was the closest friend of your father. And, he is a cunning man. Jinggo Mallari, is one of the wisest senator. But not wise enough. You already know that he owns plenty of properties and businesses here in the Philippines. Congressman Gregorio Calderon, dead... this fat man was a s*x maniac. I'm glad he's dead. All of these three are leeches of Mr. Chu, they're also his machines who do the dirty works for him. And in return, Ed Chu gave them high positions in the government and cover their dirty works. All of them are garbage...garbage." Gigil na tinuro-turo ni Ryo ang mga larawan sa project board.
"How close was Mondragon to Mr. Lennox?" tanong ko
"They were college friends. When Mondragon ran for Mayoral position, your father was already a General. That's the only thing I know. Your father didn't tell you about that, right?" I nodded. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon para tanungin ang ama ko kung anong relasyon niya sa mga taong ito.
"I have something I'm very curious about, Hana. Did your father tell you how Mrs. Lennox died?" I look at Ryo. Hindi pa ako ready na marinig ang detalye ng pagkamatay ng Mommy ko. Ngunit naramdaman ko ang sariling umiling sa tanong ni Ryo.