Alexis' POV
Nakakahilo ang panyong itinakip sa ilong ko at unti-unti akong tinangay ng mga lalaki. Namanhid ang aking buong katawan ng maiupo ako sa sasakyan. Nagising ako ilang oras ang nakaraan at sakay na ng isang eroplano na di ko alam kung saan papunta. May mga nakabantay na lalaki sa akin at di ko nagawang makatakas. Paano naman ako tatakas sa eroplano na kasalukuyan ay nasa himpapawid?
Buong byahe ay iyak lang ako ng iyak at sumasakit na rin ang lalamunan ko. Takot at pagkaawa sa sarili ang naramdaman ko.
Pagkalapag ng eroplano ay agad akong isinakay sa isang van at huminto ito sa malaking bahay. Napakalaki ng bahay pero parang minumulto ang loob, hindi dahil sa walang tao rito kundi lungkot ang bumabalot rito.
Akay akong ipinasok sa malaking bahay at doon ay may isang may edad na lalaki ang naghihintay. Sobrang lungkot ang mga mata nito at maluha-luha ito ng makita ako.
Pilit kong pinoprotektahan ang aking mukha at dibidib sa bawat suntok at sipa ng tauhan ni dad. Araw-araw tini-training nila ako para lumaban at mag-depensa pero talagang nanghihina na ang katawan at utak ko.
Sinisigurado naman ni dad na hindi critical ang pagkakagulpi sa akin para may lakas pa akong lumaban ulit kinabukasan.
"That's enough. Bring her to her room." I felt myself being carried
Tila manhid na ang katawan ko sa bugbog. Manhid na rin ang utak ko sa mga mura ng dad.
Naalala ko ulit si kuya na umiiyak. Malaking tao ito pero sakitin. Sakitin na ito mula pagkabata.
"Kuya, okay lang ako. Balang araw, di na rin nila ako kayang bugbugin. They will never hurt me again."
Sumunod ang mga araw na ganun parin ang nangyari.
"AAAHHH!" Rinig ko ang pag echo ng sarili kong sigaw sa aking tenga.
Naramdaman ko ang pagkabali ng aking paa.
Alam kong kaya niya akong ipapatay anumang oras. At ang sakit na dulot niyon ay mas masakit pa sa nararamdaman kong pisikal na sakit sanhi ng bugbog, sipa, at mura.
"Weakling!"
"b***h!"
Ilang araw ko na bang narinig ang mga katagang iyon mula sa kanyang bibig. Ang mga katagang iyon na tila libo-libong pako na itinatarak sa puso ko.
"Moron!"
"Useless b***h!"
His cusses echoed in my ears.
My mind felt numb. Soon, I felt my body would follow. I have no more to cry.
Crying would anger him more.
"Your mom died because of you b***h! You did not protect your mother from those assholes, and just disappeared!
Isa pang sipa sa aking tiyan ang natanggap ko.
"Weakling useless b***h!"
Hate.
Anger.
Blood.
I felt my blood ran from my toes to my head.
I feel the urge to kill.
Blood! Blood! Blood!
"HAAAHH!" Nasapo ko ang noo. Panaginip.
4:00 PM ang sabi ng orasan
I stood up and head to the shower.
"Good afternoon, iha! Mag almusal ka na." Nakangiting bungad sa akin ni Manang Lisa at agad itong naghanda ng pagkain sa hapag.
Sanay naman sila sa oras ng gising ko kaya't yung oras na panghapunan ay almusal ko palang.Bumalik ako sa kwarto at tinungo ang underground. My phone beeped.
Brillantes:Good morning!
Tulog ka pa ba?
Kumain ka na ba?
Alam ko namang di ka magre-reply pero kumain ka agad pagkagising mo.
Napasapo ako sa dibdib ng bigla akong makaramdam ng mabilis na kaba. Napaupo ako sa sopa at naalala ang nangyari kagabi. I can still feel his lips on mine.
"Weakling useless b***h!"
I shook my head at tinungo ang computer.
***
1:00 AM
I watch the asshole sleeping peacefully beside his sedated wife. I don't want any disturbance pag nagtatrabaho ako.
I unsheath my knife and walk towards his position. I turned the recorder on and place it by his ear. I pulled the cair na nasa ilalim ng mesa at umupo rito.
"Boss, darating na po ang pulutan niyo ngayong gabi at sariwang-sariwa pa." tinig ni Brian ang nakikipag-usap sa telepono. Tuwang-tuwa naman ang kausap sa kabila.
"Hmmm yan ang gusto ko sayo bata dahil lalaki kang kausap. Wag kang mag-alala at malaki ang gantimpala mo rito, bata." Boses ni Gobernador Calderon at humalakhak muli ito.
"Dapat lang Gob., nagpakahirap ako para makuha mo ang gusto mo. Kung bakit ba kasi hindi mo pa ma-antay na mag disi-otso itong bata ng sa gayon ay talagang hinog na. Hahaha!"
"Saavedra, alam mo naman na tiniis ko ring mag-antay ng ilang buwan at ayoko ng magsayang pa ng isang taon para matikman yan. Wag kang mag-alala, wala kang sabit rito." Umalingawngaw ang halakhak ni Calderon sa kabilang linya
Napabalikwas ng bangon si Brian at litong iginala ang mga mata sa silid na iyon na tanging ilaw ng buwan ang nagbibigay ng liwanag. Nagtataka niyang tiningnan ang kurtinang sa bintana na nililipad ng hangin. Kinapa niya ang ulunan at naroon ang recorder. I turned the lamp on at naging alerto ito ng makita ako.
"Habit mo na ang pagbebenta ng mga dalaga simula noong binata ka pa, hindi ba? Ano kaya ang mararamdaman ng nag-iisang anak mo kung malaman niyang ang tatay niyang mukhang santo ay kidnapper at killer pala. At babae pa ang ang anak mo, hindi ba? Alam mo kung bakit nakakatuwang magparusa ng makasalanan? Dahil mo mararamdaman ang konsensya habang pinapatay sila." He shook his head terrified. "Kapag nagsasawa na si Calderon sa babaeng ginagahasa niya ay tinatapon niya ito sa mga tauhan niyang halang rin ang bituka di ba, hanggang mamatay? At nililibing na lang ang mga ito sa isang lugar na sila lang ang nakakaalam. Dahil ikaw ang nag-kidnap at nagbenta sa mga ito ay isa ka na ring accomplice, hindi ba?"
"Hhhi..hin..."
"Tinurukan ko muna ng pampatulog ang asawa mo't baka madamay siya sa gagawin ko. Ayokong manakit ng babae, di ko gawain yon. At medyo pagod rin ako ngayong araw kaya ayoko makipag-usap sayo ng mahabaan. Nagdala ako ng pantali para mahatid narin kita sa tamang tirahan mo. Maganda itong tinutuluyan mo ngayon, hindi ka nababagay rito" I smirked as I showed him the rope. Pumiglas ito kaya't tinutukan ko ng kutsilyo and gave him a blow that made him go back to sleep.
"Good boy."
***
Alex's POV
Maraming tanong ang isip ko. Dito na kami natulog sa opisina at kailangan naming magtrabaho sa gabi para dito sa kaso.
"Chief!" Dave
"Chief, may na-receive po tayong email mula kay raven@aol.com." Pumunta ako sa desk nito at ihinarap nito sa akin ang computer.
Your package is delivered outside.
Nagkatinginan kami ni Dave bago ito tumayo at kasama kong lumabas.May malaking box ang inuusisa ng gwardiya sa tabi ng parking lot.
"Chief, bigla nalang pong may nag-iwan nito rito na delivery truck at para sa Cybercrime department raw po ayon sa nakasulat." aning gwardiya na si Police Corporal Edwin Olivares.
"Ano na naman kayang surpresa ito?" Ani Dave
Umalog ang box at binuksan ito ni Dave. Surpresa nga at tao ang nasa loob.
"Teka, ikaw yung photographer sa Show Studio ah..." Kinuha ko ang recorder na naka packing tape sa katawan nito. May envelope ring kasama na naglalaman ng pictures. "Dalhin muna siya sa loob."
Brian Saavedra...mukhang wala itong takas sa mga ebidensyang dala nito.
"Tsk... nagiging idolo ko na itong si Raven sa panghuhuli ng mga kriminal dito sa bansa ah...ang astig niya!" Sanchez
"Mukhang tama nga si Dave na may pinupuntiryang grupo itong si Raven at sa gabi lamang ito kumikilos. Pero hindi tayo dapat pakampante dahil di pa tayo sigurado. Sa ngayon, umuwi muna kayo at magpaalam sa mga pamilya nyo."
Pagkarating ko ng malaking bahay ay agad ko siyang hinanap ngunit mukhang nagkulong lamang ito sa silid katulad ng sabi ni Nanay. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag ko.
"Iniiwasan niya kaya ako?"
***
Someone's POV
Grupo-grupo silang nagsidatingan sa hideout na iyon. Ang iba'y humihikab pa't ang ibay sumisinghot at may namumula ang mga mata. Huling dumating ang grupo ni Jimmy kasama ang kanang-kamay nito na si Sophie.
"Magandang umaga, Bossing!" Bumati ang mga ito kay Jimmy at Sophie.
"Dumating ang Boss kagabi at kailangan tayo twenty-four seven habang nandito siya." Naghilot ito ng sintido.
"Boss, mukhang di ka na naman pinatulog ng mga chikababes mo kagabi ah!" hirit ng isa "Ganun talaga pag masyado tayong pogi!" anito. Madaling araw na nga ng makatulog ito dahil sa dalawang babaeng ikinama nito kagabi.
Sabay-sabay silang napalingon ng biglang magsara ang pintuan at pumasok ang isang nakaitim na pigura. Agad silang naalarma kahit na nanatili itong nakatayo sa may pintuan.
"Mukhang ikaw iyong hinahanap ni boss. Buti naman at naisipan mong pumunta ng personal." Ani Jimmy at humakbang papalapit sa kinatatayuan nito kasama ang mga tauhan.
"Mukhang ako nga ang hinahanap ng mga boss nyo. Kaya ako nandito kasi may gusto akong ipahatid sa kanila. Napapagod kasi akong maglakad papunta sa bahay nila. Kaya kung maaari gawin ko kayong messenger kahit yung ilan lang sa inyo."
Humalakhak ang mga ito sa sinabi ng mapangahas.
"Alam mo, natutuwa ako sa iyo. Sino ka ba't masyado kang pa-peymus sa mga matanda ha?!" Asik ni Sophie. Raven just tilted her head and looked straightly at them behind her glasses.
"You're fifteen. Kahit tatlo lang gagawin kong messenger sa inyo, pwede na sakin."
"Aba't, gago to ah!" Sumugod ang isang tauhan at agad itong natumba ng masampal ni Raven. Napasinghap ang mga naroon at may dalawang sumugod na agad ring napatumba. Sumunod ang apat at may sumunod pa hanggang si Sophie at Jimmy na lamang ang natitirang nakatayo habang nanonood. Di nagtagal ay tumba na ang labing-tatlong tauhan. Gigil na sumugod si Sophie sa hudyat ni Jimmy.
Pinulot ni Raven ang yerong hawak ng natumbang tauhan at yun ang ginamit pambuno kay Sophie. Magaling sa combat si Sophie kaya't may mga pagkakataon ring natatamaan ng suntok nito si Raven sa mukha at tiyan. When she saw the opportunity, she gave him a blow na nagpatumba rito. Agad namang sumugod si Jimmy gamit ang forty-five nito.
Dumaplis ang bala sa braso ni Raven.
Raven threw her dagger at tumama ito sa hita ni Jimmy, agad na may sumunod ng nag-asinta ang lalaki at naiwasan ito ni Raven. Tumama ang kutsilyo sa kamay ni Jimmy at nabitawan nito ang baril.
"This is just a small dagger kaya hindi malaki ang sugat pero malalim ito." Nilapitan ni Raven si Jimmy na napaluhod at binunot ang kutsilyo sa kamay at hita nito ng magkasabay. Napahiyaw ang lalaki sa sakit.
"Pakisabi sa boss mo na naniningil lamang ako ng utang at dapat silang magbayad kahit na nakabaon na sila sa lupa."
At sa araw ring iyon ay naihatid ang balita na mas lalong nagpainit ulo ng tatlong magkaibigan.
"Utang?"
"May naisip ka na ba kung sino, Mr. Chu?" Takang tanong ni Mallari. Sa dami ng naagrabyado nila ay mahirap tukuyin kung sino talaga ang kalaban.
"You said you didn't send those things to Mr. Mallari, Mr. Mondragon?" Tanong ng matanda.
"Certainly, Mr. Chu." Sagot ng Congressman.
"Did Calderon left something aside from what we got?" Nag-iisip ng malalim ang matandang Chu
"This person is trying to get you Mr. Mallari. We have to be more careful now. And make sure your men are doing their job to get this pest!" Tumayo na ang mga ito at tinungo ang pintuan ng may maalala ang naunang matanda.
"Ah where's Lennox living right now?"
"He's in New York, Mr. Chu." Sinagot ni Mondragon ang matandang negosyante.
"Send your competent private investigator to see what Lennox and his disabled son are doing ASAP."
"Yes, Mr. Chu!"
***
Alexis' POV
Dumiretso ako sa abandonadong building. Tahimik rito at imposibleng may makakapuntang tao. I had to clean my wound kaya dumiretso ako rito. Kumpleto rin ako rito sa gamit at may emergency kit rin dito, dahil alam kong may mga pagkakataon talagang magtamo ako ng mga sugat.
I teared up dahil sa hapdi ng alcohol. Buti na lang daplis lang ito dahil kailangan ko ng tapusin itong misyon sa madaling panahon bago pa maunahan si Raven.
"The night is lonely tonight." Ang rooftop nitong building ang number one na paborito ko. Nakikita ko ang syudad, ang mga nagkikislapang ilaw sa baba, nalalanghap ang preskong hangin at dito nakakaramdam ako ng kapayapaan.
My phone rang.
"Yes?"
"Hey, I'm waiting for hours and I'm getting bored. When are you coming home?"
"I'm coming." I ended the call. Panira minsan ito si Kitagawa.