Episode 12

1203 Words
Someone's POV Halos mabitiwan ng senador ang hawak nitong cellphone ng mabuksan ang clip ng natanggap nitong mensahe. Isa itong recording ng pag-uusap nila Sen. Mondragon ng isinaad niya ritong pinatahimik na ng mga tauhan niya si Calderon bago pa ito makakanta sa publiko. "Mondragon, alam kong tatraydurin mo rin ako sa huli!" Gigil nitong saad. Makalipas ang dalawang oras ay dumating na rin ang mga inutusan ko kasama si Brillantes. Inutusan ko ang aking secretary na papasukin sila sa study room ko na agad namang sinunod nito. "Brillantes, iho!" Bati ko sa bagong dating "Magandang gabi po, Senador!" Nanatili lamang itong nakatayo. "Baka naman gusto mong umupo, iho? At ako'y matanda na't di na kayang tumayo ng pang matagalan haha..." Sinenyasan ko itong umupo sa katapat na sopa, nagpasalamat naman ito at umupo. "Bakit niyo po pala ipinatawag ang isang di hamak na pulis na tulad ko, senador?" "Hindi ka lang isang hamak na pulis s posisyon mo, iho! Pero magandang tanong yan! Yan ang gusto ko direct to the point haha!" Ngumiti lamang ito ng tipid. Sa pagkakabasa ko sa pagkatao nito ay malinis itong pulis at mahirap itong baliin pero tingnan natin. *** Alex' POV Di matatawaran ang poot na nararamdaman ko ngayon. Kakalabas ko lamang sa mansyon ng senador pero parang impyerno parin ang inaapakan kong lupa ngayon. Alam ko namang maraming politiko ang marumi ngunit di ko akalain na magawa niyang manakot at gamitin ang pamilya ko. Nais nitong ipagpatuloy namin ang imbestigasyon ngunit diretso sa kanya ang mga report tungkol sa progreso ng kaso at kung maaari raw ay gawing pain si Denise para makuha si Raven. Nung umpisa ay inalokan ako nito ng malaking halaga at posisyon sa gobyerno ngunit mahigpit ko itong hinindian na ikinagalit nito. Madaling araw na ng makarating ako ng bahay at papasok na ko ng silid ng makitang may tao pa sa veranda. Hindi naman maaaring magulang ko ito dahil alam kong tulog na ang mga ito ngayon ngunit sa lagay ng pintig ng puso ko ngayon, ay alam ko na kung sino ito. Nakaupo itong mag-isa sa silya at may katabing alak sa may mesa. Pinakiramdaman ko ang sarili at di ko alam ngunit nabawasan ang kanina'y nararamdaman kong galit. "Ba't gising ka pa? Madaling araw na ah!"  Hindi ito lumingon kaya't diretso akong umupo sa katabi nitong silya. Napangiti ako ng makita itong nakapikit pala, siguro ay lasing na ito. Pero dalawang canned beer lang ang nasa mesa at ang isa'y di pa nabuksan. At mukhang tulog naman ito kaya malaya ko itong pinagmasdan. Napakaganda talaga nito, mula sa mga kilay nito't mga mata, sa may katamtamang tangos ng ilong nito na bumagay sa mapupula nitong mga labi na tila lagi na lamang naka pout. Tumagal ang titig ko roon. "Do you want to lose your eyes, Brillantes?" Nabigla ako ng bigla itong magsalita kahit nakapikit. Dahan-dahan itong dumilat at nahuli akong nakatitig. "Hindi kita tinititigan ha! Ano...itong beer..pwede akin na ang isa?" Nataranta kong inabot ang isang beer at binuksan ito saka tinungga. Malapit pa akong mapaubo ng makarating ang alcohol nito sa aking lalamunan. "Get back to your senses, Brillantes." Banayad nitong saad saka tumayo at tinungo ang riles. "Nakauwi ka rin ba ng ligtas kanina?" Tanong ko rito. Tumango ito ng di lumilingon. "Ikaw, okay ka lang ba?" "Ako, oo naman! Ako pa?!" Tumawa ako ng pagak ng bigla ko na namang naalala ang banta ng Senador. Tinungga ko ang beer hanggang maubos ito. "Parang gusto kong magpakalasing ngayon ah!" ani ko. I heard footsteps towards me and the next thing I knew was she held my face and felt her sweet lips locked with mine. Tila ako nalasing sa pagkabigla at sa tamis ng mga labi niya. Her eyes are closed but no one tried to move. Dahan-dahan itong dumilat at bago pa siya makalayo ay hinawakan ko siya sa batok at and held her closer. I kiss her deeper and she responded after a few at maalab naming tinugon ang bawat halik na binigay sa bawa't isa. Both of us are panting as we broke the kiss. How I wished that I held her longer in my arms before she walked away. *** Alexis' POV I entered my room feeling dizzy. My chest is beating so damn fast that I need to cool down. I head to the shower room and get in. "Get back to your senses, woman! It was nothing special. You just helped him ease his anger." I understand what he could be feeling right now cause I was there listening when Mallari tried to entice him with luxury and ended threatening his family and me. "Maybe, he didn't get my warning huh?" After taking my shower ay tinungo ko ang basement to work with my computer. "Let's see what we got!" I opened an email sent by Kitagawa. The email contain all the dirty doings of Mallari and Mondragon. I ring Kitagawa at alam ko namang gising pa ito. "Send these dirts to the media so they'll have something to feast on early in the morning." "Well, good morning Hana!" (Hana is a japanese word for flower) Ayaw ni Kitagawa na tawagin akong Raven kaya't hinayaan ko na lamang ito. "Out of all the information I sent you, you just want me to send this to Mondragon? You asked me to send that recording to Mallari earlier and make him believe that it was a threat from Mondragon, you really are amazing Hana!" He chuckled "You talk too much, Kitagawa." Agad naman itong tumahimik. "I'll do as what you said, Utsukushi Hana!" I know based on his tone that he is still smiling widely. Excited kasi ito palagi pag may iniuutos ako. "By the way, see you tomorrow." Someone's POV Nangangalaiti si Mallari ng makita ang balita sa umaga. Binabatikos ng media ang pinanggalingan ng kayamanan niya at iba pang mga pagmamay-ari na hindi alam ng publiko na ngayon ay nailantad na. Nagmamadali itong pumasok sa opisina ni Abelardo Mondragon para kumprontahin ang kaibigan. Nagalit naman ang kaibigan ng pinaratangan ito ng kasalanang wala naman siyang alam. Ngunit hindi naniniwala si Mallari, alam niyang tuso si Mondragon. Lumabas si Mallari sa opisinang iyon ng may pagbabanta. Naiwan si Mondragon na malalim ang pag-iisip. Sino itong tao na pinaglalaruan sila? Ang kanilang pinuno ba? Pero imposible. Kinuha nito ang telepono at nag-dial, may sumagot sa linya makailang ring. "Good morning, MR. Chu..." bati nya "Good morning, Senator!" "I need to see you, Mr. Chu." "About Mallari?" Hindi na siya nabigla sa tanong ng kausap pero gusto niyang pag-usapan ito ng harapan. "I'll arrive in the Philippines in the afternoon." Dagdag nito Alex' POV Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi ng makita ang balita sa umaga tungkol sa lumutang na kaso ni Sen. Mallari. Sa unang pagkakataon ay inusisa ng media ang kayamanan nito at mga negosyo na hindi alam ng publiko na meron ito. Sa kasalukuyan ay pinagme-meetingan namin ang kasong hawak. "Chief...chief???" "Ha?" "Chief, kanina ka pa kasi tulala dyan eh hinihingi po namin ang opinyon nyo at sa tingin namin ay may ugnay itong balita kay Senador sa hinahawakan nating kaso." "Paano mo nasabi, Salvador?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD