Alexis' POV
As soon as we entered their office ay agad silang tumungo sa conference room. Umupo ako sa isang silya malapit sa pintuan. I took out my phone and head to the gallery. I pressed two pictures and send, and deleted it after. Those pictures will be received by Calderon's alliances.
After forty-five minutes ay lumabas na sila. We head out to Giligan's para kumain. His men looked so happy while enjoying the food. I insisted alex na ako ang magbabayad at wala naman siyang nagawa.
Pagkatapos naming kumain ay sumama ako kina Alex at Dave sa Show studio. I keep silent while observing the surroundings. Alex is interrogating Donatillo - Denise manager. Mommy Dawn as they called is gay. Malaki ang katawan nito and his trying his best to look generous and approachable sa harap nina Alex. They are sitting in a nice sofa habang patuloy sa pagtatanong si Dave. Lumabas ako sa kwartong iyon at tumungo sa isa pang may kalakihang silid kung saan may pictorial ang tatlong dalagita. May isa pang kwarto sa kanan at tinungo ko iyon. Isa itong dressing room. I didn't touch anything but roamed my eyes to the clothes hanged, sandals and shoes on its rack, and other stuff. I closed my eyes and heard footsteps coming.
Inabot ko ang isang silk na gown at nagpanggap na sinusukat ito. Pumasok ang dalawang dalagita at kunot noong nagtanong ng makita ako.
"Ang sabi ni mommy Dawn, wag daw kaming makipag-usap sa pulis. Di ba pulis ka?" I faked a laugh and smiled at them.
"No, I'm not. Sumama lang ako sa kaibigan kong pulis." tumango ang mga ito
"Sa tingin nyo ba pwede akong mag modelo?" Tanong ko sa kanila na ikinabilog ng mga mata nito
"Kayo po? Pwedeng pwede po! Sa ganda nyo pong iyan!" Lisa exclaimed
"Sinabi nyo yan ha? Pwede ba ako rito?" Nagkatinginan ang dalawa
"Ah kasi po, Ms. Alexis... mga teenagers lang po na katulad namin ang kinukuha ni mommy Dawn at pagka naging eighteen na po kami eh i-eendorse nya kami sa mas malaking modeling agency." Tumango-tango ako sa sinabi ng nagngangalang Zahra
"Ilang taon na ba kayong dalawa?"
"I'm fifteen." - Ayesha
"Sixteen po ako." ani Zahra
Lumabas na ako pakatapos naming mag-usap at baka raw hahanapin narin sila ng kanilang photographer.
Tinungo ko ang set kung saan sila nagpo-photoshoot.
"Hi!" The photographer approached me and greeted pero di ko siya pinansin.
"Gusto mo rin bang magmodelo?" Tumayo ito sa tabi ko. I put a fake smile and face him.
Nakatali ang mahaba at kulot nitong buhok at sobrang lapad ang ngiti nito sa akin. Hinawakan ko ang kamerang nakasabit sa leeg nito at bahagyang hinila.
"Bagay ba akong magmodelo?" I whispered into his ear. Nabigla ito sa inakto ko at mas lalong lumapad ang ngisi nito.
"Aba oo naman! Sa ganda at sexing nyo yan!"
"Magkano naman ang TF ko?" (TF stands for Talent Fee)
"Magkano ba ang gusto mo?" Ngumisi siya ng nakakaloko na lalong nagpainit ng ulo ko.
"I don't think you're good in convincing people, Mr. Photographer. At isa pa, ang toothbrush ka ba? Kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan ang yellow naman ng mga ngipin mo." Nagbago ang timpla ng mukha nito lalo na ng dumistansya ako.
"Lex?" Nilingon ko ang lalaking tumawag sakin ng may magkasalubong na kilay. Ano na namang problema nito? Masyadong maitim ang tingin nito sa photographer. May alam na ba ito?
"Who is he?" I shrugged and looked at the ugly photographer.
"I'm Brian Saavedra po, sir." Magalang nitong pakilala sa sarili at inabot ang kamay na alangang tinanggap ng isa.
"Police Captain Alex Brillantes, Taguig City of Police." Mahigpit nitong kinamayan si Saavedra. Agad itong nagpaalam at sinabing may gagawin pa raw ito. Sumulpot naman si Dave at iyon na ang hudyat para umalis kami. Humiwalay si Dave ng may inutos si Alex rito.
***
Alex's POV
Tahimik naming tinatahak ang gilid ng kalsada habang maingay ang ugong ng mga sasakyang dumadaan. Di parin mawala sa isip ko kung paano ngumiti si Alexis kay Brian kanina at kay Dave na hindi niya nagagawa sa akin.
"Alex..." My heart skipped a beat ng mahina nitong hinila ang sleeve ng suot kong jacket. Nilingon ko ang taong dahilan ng mabilisang pagtibok ng puso ko. Nakatungo lamang ito. Di ko alam pero biglan kong naalala ang batang babae na laging tinatawag ang pangalan ko at kakapit sa damit ko habang nakangiti ng malapad.
"Gusto mo bang magkape?"
"Ha?"
Tiningan ako nito ng may galit sa mga mata ngunit agad itong naglaho ng magtama ang mga mata namin. Sumimangot ito saka ako hinila papuntang Hortons.
"Gusto mo lang palang makipag-date, hindi mo man lang ako binigyan ng heads up." Biro ko. Balik naman sa pagiging poker face ang aura nito.
"Alex..."
"Hmmm??" Akala ko hindi na naman ito kikibo.
"Bakit ka naging pulis?"
"Interrogation ko ba to?" I heard myself chuckle. She didn't respond.
"It was my dream since we were young." There's her intense eyes again. Tumango ito and I told her more.
"Siguro di mo na naaalala pero pero noong mga bata pa tayo, gusto mo ring maging pulis. Ayaw mong maghiwalay tayo simula noon. At gusto mo ring maging pulis para partner tayo."
***
Alexis' POV
I don't understand what I am feeling but I'm trying my best not to show any emotions especially these assholes are still tailing us. Patungo na kami sa parking lot at mukhang hindi parin nararamdaman nitong kasama ko na may sumusunod sa amin.
Dumaan ang ilang segundo at dumikit na itong kasama ko sa akin.
"Lex, stay close to me. May mga nakasunod sa'tin. Akala ko umalis na sila kanina pa nung nasa coffee shop tayo pero nakasunod parin sila hanggang ngayon." Buti naman alam nitong kasama ko. Sinabi nitong dumikit lamang ako sa kanya. I tightened my grip to his hands na pinagsiklop niya kanina. It's better this way para kumalma siya.
Pagliko namin sa isang eskinita ay may sumalubong na pitong katao na nakaitim. Ang pagkaka-alala ko ay mga tauhan ito ni Sen. Mallari.
"Chief!" Ani ng leader ng mga ito habang papalapit sa kinatatayuan namin.
"Anong kailangan niyo?" His grip tightened at bahagya ako nitong hinila papunta sa likod na parang itinatago ako nito sa kaaway.
He whispered and is telling me to run but I pressed his hand telling that I will stay.
"Chief, di naman kami nakipagkita sayo para makipagbuno. Gusto ka lang makita ng boss namin." Nagsalitang muli ang pinuno nila
"At kung ayoko?" Alex
"Chief, mapipilitan kaming bitbitin kayo ng jowa mo para puntahan si boss. Di naman mahirap ang pakiusap namin, di ba? Bakit gagawin pa nating kumplikado." Sa tono ng kanang kamay nito na si Sophie ay may dalang pagbabanta. Sa bilang ko ay nasa sampu lamang sila rito at kaya ko naman silang patumbahin pero hindi ito ang tamang panahon.
"Ano nga ang pangalan mo?" Tanong nitong kasama ko
"Ah my bad, chief. Ako pala si Jimmy, ang nag-iisang gwapo sa balat ng lupa. Ito naman si Sophie, ang kanang kamay ko." I smirked hearing him say and laugh with his men
"Well, Jimmy... paano kung sasama ako sa inyo pero hayaan mong makauwi itong kaibigan ko?"It sound dangerous pero mas mainam narin kung mangyayari iyo dahil masusundan ko sila ng tahimik at walang sagabal.
"Wag kayong mag-alala at di magsusumbong sa pulisya itong kaibigan ko, hindi ba?" I nodded.Ikinatuwa naman ng mga gago ang pagsang-ayon ni Alex na sumama sa kanila ng tahimik. I walked silently papuntang parking lot ng umalis na sila.
"Lex, umuwi ka na diretso sa bahay at susunod ako saglit. Pakiusap wag mo ng sabihin kina mama." He whispered before sila umalis.
Pagkarating ko ng bahay ay agad kong tinungo ang basement at nagpalit. Ayon sa tracker na inilagay ko sa bulsa ni Alex kanina ay bumibyahe pa sila patungong Cavite. Kung di ako nagkakamali, dadalhin nila ito sa isang mansyon ni Mallari.
I rode my big bike at tinahak ang daan papuntang Cavite. Sa ngayon, alam kong natanggap na ni Senator Mallari ang mensaheng ipinadala ko.