"Glad you're here, Violet!" paos na saad ni Henrick.
Tila napako ako sa aking kinatatayuan. Tumama ang mata ko sa kanyang katawan. He's half naked. Tanging pang-ibabang pajama lang ang suot niya. Huli na nang makakontra ako nang biglaan niya ako inunat papasok sa loob ng condo. He automatically rested his forehead on my right shoulder. Dama ko ang mainit na enerhiya na nagmumula sa katawan niya. Nag-aapoy ng lagnat ang lalaki!
"Glad you're here, Violet," ulit niya na tumama ang mainit na hininga sa dibdib ko.
"M-Mr. President!" Natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. "God! Nilalagnat ka!"
"Alam ko," paungol niyang puna.
"Nilalagnat ka, Mr. President!" ulit ko na hindi mapakali sa kinatatayuan.
"Alam ko—"
"Anong gagawin ko?!" Walang pahintulot na giniya ko siya papasok sa loob.
Bumungad sa aking ang maaliwalas na sala ngunit malimit lang ang kasangkapan sa loob. Maliban sa isang abuhing couch, carpet at maliit na babasaging mesa sa gitna ay wala na. Wala ni maski tv o kaya anumang appliances.
"Do you live alone?" tanong ko na nakamata pa rin sa paligid.
Umungol lang si Henrick na binitawan ang braso ko. Matamlay niyang tinungo ang sofa saka roon pinagpahinga ang ulo sa headrest. He closed his eyes.
"Sino ang magluluto sa'yo, ang gumagawa ng gawaing bahay?" Hindi ko napigilan ang bibig at kung ano-ano na ang lumalabas.
Wala akong nakuhang sagot mula rito. Nakapikit lang ito hanggang hindi ko napansin na inusad ko na pala ang paa papalapit sa kanya. Yumuko ako upang damhin ang kanyang noo.
"Tang-ina! Nag-aapoy ka ng lagnat," bulyaw ko na hindi ko maipalagay ang sarili. "f**k! What should I do?!"
"Stop cursing, Violet," saway ni Henrick na nanatiling nakapikit. Namamaos ang boses niya.
"I can't help it! I am not used to this situation! Tang-ina!"
"Violet, cursing isn't helping," pagod niyang pangaral sa'kin.
Hindi ko pinakinggan ang lalaki. Iniwan ko sa sala at dali-dali akong nagtungo sa kusina upang maghanap ng pwede gamitin. Paikot-ikot na lang ako ni isang bagay wala akong ideya. Tarantang dinukot ko sa cellphone sa bulsa at tinawagan ko si nana.
"Nana, ano po gagawin ko? Nilalagnat po ang kaklase ko!" mangiyak-ngiyak na sumbong ko sa kabilang linya.
"Painumin mo ng Paracetamol," turan ni nana. Naging mabilis ang kamay ko at pinaghahalungkat ko ang mga nasa kusina. Laking pasalamat ko't may nakita akong first aid kit sa isang sulok. "Ta's kumuha ka ng maaligamgam na tubig at bimpo."
Tumalima naman ako at inihanda ang inutos ni Nana Koretta. "Anong gagawin ko rito, nana—"
Napabuntong hininga si nana sa kabilang linya. "Basain mo ang bimpo at idampi-dampi mo sa noo at sa buong katawan ng pasyente upang bumaba ang lagnat niya, nakuha mo?"
"Opo, nana baka hindi po ako agad maka-uwi. Titingnan ko muna ang kaklase ko. Siya lang po mag-isa sa condo, nana."
"Naku Violet, gusto mo ipadala ko riyan si Iping para may makasama kayo," bakas sa boses ni nana ang pag-alala.
"H'wag na po, kaya ko na po."
"Sigurado ka?"
"Opo, kung kailangan ko po ng tulong ay tatawag po ako."
Nang maihanda ko ang kakailanganin ay ini-end call ko na ang tawag. Bumalik ako sa sala na dala ang maaligamgam na tubig at bimpo kasama na ang gamot.
Naabotan ko si Henrick na nanatiling nakapikit. Yakap-yakap nito ang sarili at nanginginig. Ibig kong maghestirya at unang beses ako naging ganito ka concern at kung bakit ay hindi ko rin masagot.
"Mr. President?" Tinapik ko ang kanyang braso. "Inumin mo muna itong gamot."
Sa inaasahan nagmulat siya. Bakas sa mukha ang sobrang hapo. Namumula ang pisngi. His lips were dry. Tinulongan ko siyang maka-inom.
"Kaya mo bang tumayo. Doon ka sa kama humiga para mas makapagpahinga ka," mungkahi ko na inalalayan siyang makatayo. Matangkad at malaki ito na halos sumasama ako sa bigat niya bawat hakbang. Pinilit ko na suportahan ang lalaki hanggang sa narating namin ang tapat ng isa sa pinto. "Is this the right room?"
Wala akong nakuhang sagot. He's too tired for my f*****g question. The condo has three rooms. Hindi ko alam kung alin dito ang silid niya. Sana'y tama ako. Pinihit ko ang pinto hanggang sa iyon ay nagbukas. Lihim akong nakahinga ng maluwag. Silid ni Henrick ang nabuksan ko. Sinalubong ako ng kanyang amoy. His scent scattered all over the place. Sigurado akong silid niya ito.
Ginala ko ang mata sa loob. Maayos ang pagkaka-ayos ng mga gamit. May Gaming set-up sa isang sulok. May personal na banyo at malaking kama. Inalalayan ko siya hanggang makalapit kami sa kama. Sobrang bigat ni Henrick na nawalan kami ng balanse pareho ko. Hindi ako nakapaghanda't nabuway ako sa ibabaw niya. Kapwa kami lumapag sa malambot na kama.
"Tang-ina!" napamura ako ng hindi sinasadya.
"Come on do you have to curse like that, Violet?" may halong biro ang tuno ng boses niya. He wrapped his arms around my waist out of nowhere.
My heartbeat went unstable again for Christ's sake! He acted as if casually embracing random girls was normal, and I detest it!
Napanguso ako. "S-Sino namang hindi mapamura, I am scared like bullshit right now, Henrick! Hindi ko alam ang gagawin ko?" dapit huli pumiyok ang boses ko. My throat hurt from the suppressed sobs. Kanina pa ako takot na takot.
"Chill, lagnat lang 'toh, beh," biro niyang ginaya ang signature na tawagan naming magkakaibigan.
"I am scared." Binaon ko ang mukha sa dibdib niya. Mainit iyon ngunit hindi ko na alintana. Being in close to him diminishes my worries.
Mas lalo niya akong hinapit ng yakap. Ang kaninang halos nangangatog na tuhod ko'y tila napawi. Ang tanging bagay na alam ko ay komportable na ako sa kanya at hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Awtomatikong kinalas ko ang braso niya sa pagkakahapit sa akin.
"T-Take some rest, Mr. President!" Umayos ako ng tayo at akmang tatalikod nang muli siyang nagsalita.
"Are you going to leave?"
Napatikhim ako. "Yes, aalis na ako. Naka-inom ka na ng gamot, I guess huhupa na iyang lagnat mo bukas. Saka aksidente lang na napunta ako sa condo mo." Pinamulahan ako na pagsisinungaling ko.
"Hmm, I see. Akala ko kasi nagpunta ka talaga rito to check on me. Aksidente rin pala ang paglike mo sa post ko."
Mariin ko nakagat ang pang-ibabang labi. I wasn't aware na na-like ko pala ang post niya. Dali-dali ko na dinukot ang cellphone sa bulsa at sinuri kung totoo ba talaga. Yes, I did! Ni like ko ang post n'ya tang-ina!
"Nilike ko talaga 'yon, ang pangit eh. Pangit ng kuha," pagsisinungaling ko. Why do I bother to explain?
Hindi na siya muling nagsalita. Hindi ko napigilan ang paa na lapitan muli ang binata. "H-Henrick?" Tinapik ko ang kanyang braso pero wala akong nakuhang sagot. "Henrick, sagutin mo 'ko! Henrick—"
Napatili ako nang biglang inunat niya ang aking braso. Natagpuan ko na lang sarili sa tabi niya na yakap-yakap ang beywang ko mula sa likod. Damang dama ko ang bawat pakawala niya ng hininga na tumama sa batok ko. Ibig ko na lang malagutan ng hininga sa tinding tensyon.
"Kahit na aksidente lang ang pagpunta mo... I'm still glad you came, Violet."
"Henrick—"
"Dito ka muna, please." Mas humigpit pa ang kanyang braso sa beywang ko.
"D-Do you live alone, right?" panigurado ko.
Umungol lang siya na hindi nagkusang lumayo. Yakap-yakap niya pa rin ako.
"L-Let go, Mr. President baka mahawa ako sa lagnat mo."
He was persistent; instead of letting me go, he buried his face in my neck.
Isang buntong hininga ang pinakawala ko. Sumusukong pinakiramdaman ko lang siya. "I guess, I'll have to stay over night, Mr. President."
Hinayaan ko siya at hindi na ako kumontra. Habang tumatagal ay tila ba sanay na ako sa presensiya niya. Hanggang kusang bumigay ang talukap ko't tuluyang nakatulog sa tabi ng Student Council President.