Pagkatapos nilisan ko ang condo ni Henrick nang madaling araw na iyon ay balik normal na rin ang lahat. Hindi kami nagkikibuan sa paaralan gaya ng dati na animo'y walang nangyari. Mas mabuti na rin ang ganoon at ayokong mapalapit ang loob sa binata.
Baybay ang pasilyo patungo sa library ay naghaharutan sina Dinah at Mia. Nakangiting nakasunod lang ako sa dalawa nang mamataan ko si Henrick mula sa kabilang ibayo na nakadungo at may sinuri sa dalang mga papel. Ibig ko sana sawayin sina Mia at Dinah subalit huli na't nabangga na ni Dinah si Henrick. Naging mabilis ang kilos ng binatang saluhin at suportahan si Dinah na h'wag bumagsak sa matigas na sahig.
Lahat ng dalang papel ng lalaki ay lumipad sa ere. Tila ba ang dalawa ay nasa eksina sa pelikula. Nagapagong ang takbo ng oras habang nagtagisan ng titigan.
"OMG, beh!" pabulong na turan ni Mia na siniko ang tagiliran ko.
Natulos lang ako sa kinatatayuan habang sinundan ng tingin ang Student Council President at si Dinah na sa sandaling ito ay nanatiling magkahinang ang mga titig.
"Halika na, Violet!" Mabilis na hinagip ni Mia ang braso ko papalayo.
"Hindi ba natin sila tutulungan?" Akma ko na bawiin ang braso ko upang lapitan sila pero muli iyong inunat ni Mia.
"Ano ka ba? It's Dinah's moment hayaan mo na ang dalawa. Tayo na!"
Napabuntong hininga na sinulyapan ko sila Dinah at Henrick na sa sandaling ito ay nag-uusap at magkatulong na pinulot ang mga papel. Tumalikod ako na tila nanibugho sa eksina na nasilayan na sana dapat ikatuwa ko para kay Dinah... para sa kaibigan ko.
***
Kanina pa ako nakamata kina Henrick at Dinah na magkapartner sa P.E dance lesson namin. They look so good together. They both smile gracefully together. They are good couple though.
Lihim ako na napahugot ng malalim na hininga. Tipid na ngiti ang pinakawala ko. Nagpaalam ako kay Mia na pupunta ako ng banyo. Halos liparin ko ang pasilyo mawala lang sa paningin ko sina Henrick at Dinah.
Hindi ko alam pero I hate looking at Henrick and Dinah so close. I hate when they smile at each other, that suppose I shouldn't feel for my best friend.
However, I hated it—that I want to snatch Dinah's hair. Yes. I am jealous like hell! Gusto ko ako lang ang makakita ng ngiti ni Henrick. Gusto ko sa akin lang siya ngumingiti... at ang katotohanang iyon ay nakapagpapabagabag sa akin. Ayoko ang pandamang ito... ayoko!
Tinakbo ko ang pasilyo. Wala naman akong planong magbanyo... gusto ko lang mapag-isa... pakiramdaman ang sarili ko.
Tumigil ako sa kakatakbo nang kusang bumigay ang tuhod ko't napa-upo ako sa isang kanto... saka ko malayang pinakawala ang mga luha ko na kanina pa nagbabantang tumakas. As time passes, I find myself becoming possessive of Henrick. I desire to have him all to myself.
Nang mahimasmasan ay pasimple ko na tinuyo ang luha sa mata. Akma akong babalik sa klase nang may naulingigan akong anino sa likuran ko. Bahagya akong napa-atras nang makilala ko kung sino. Henrick!
Nakatayo siya sa harap ko na may ngiti sa labi. Inilahad niya sa akin ang paborito ko na orange juice. "Here, I know this is your favorite."
Akma ko iyong tanggapin ngunit napinto ko ang planong gagawin. Napakuyom ko ang palad nang mahagip ng mga mata ko si Dinah sa likuran ni Henrick na may hawak na orange juice na gaya ng nilahad nito sa 'kin.
"Don't bother, Mr. President hindi ako nauuhaw!" pagsisinungaling ko na nilampasan siya. Nilakihan ko ang hakbang hanggang narating ko ang kinatatayuan ni Dinah. Dali ko na kinawit ang braso sa bisig nito. Pinilit ko na maging kaswal.
"Nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap." Ngumiti si Dinah na nagsimula nang humakbang ngunit lumingon siya sa direksiyon ni Henrick. "Mr. President, salamat dito." Itinaas niya ang hawak na bote ng juice.
Tumango lang si Henrick na kinaway ang palad sa ere. Dali ko na inunat si Dinah papaalis.
"Teka, beh ba't ka ba nagmamadali?"
"Bilisan mo male-late na tayo sa next period." Binitawan ko ang bisig ni Dinah. Nauna akong humakbang upang ikubli ang nangingislap ko na mga mata.
***
"What do you think, beh should I confess my feeling?" Mahinang bulong ni Dinah sa amin ni Mia hakbang bumababa kami ng hagdanan. Katatapos lang ng aming klase. Papalabas na kami ng gusali.
"Gora na, beh para maging masaya na 'yang kiffy mo!" gigil na sabi ni Mia na may kasamang hampas sa braso ni Dinah.
"Sure ka ba?" Binalingan ako ni Dinah. "Violet, ano sa tingin mo. For da go na ba? If I confess my feelings to him is it giving?" Malalapad na ngiti ang binato ni Dinah sa akin.
"H-Ha?" Tila ba may bikig sa lalamunan ko at ni maski tunog ng titik ay walang ibig lumabas doon.
"Ano sa tingin mo, should I confess to him?" ulit ni Dinah na bahagyang sumulyap sa unahan.
Sinundan ko ang mata niya't nakita ko si Henrick patungo sa kinaparadahan ng motorsiklo nito. "W-Well," ang mga mata ko ay nakapako kay Henrick. "He's a good guy naman." Nagtama ang aming paningin. A small smile appeared on his lips. Dali akong nag-iwas ng tingin. I prefer not to invest my emotions in him.
"Wahh, I couldn't believe it! Good guy? Sabi mo weirdo siya ta's ngayon good guy na?" singit ni Mia na sinulyapan din si Henrick na binubuhay na kasalukuyang sumampa sa motorsiklo.
"Well, he is a weirdo pero hindi naman palikero, I think kapag magkataon na maging sila ni Dinah. Dinah will be in good hands, I think." ibig ko na mabilaokan sa sinabi ko.
Umungol si Mia sa narinig mula sa bibig ko. "Tama ka nga naman d'yan, beh. Sigurado akong walang kaagaw si Dinah—"
"Anong ibig mong sabihin, Mia? Na hindi kagwapohan ang crush ko't walang ibang magkakagusto?" hasik ni Dinah na pinadilatan si Mia.
"Ayy, grabe na 'yan, beh grabe na ang tama mo kay, Mr. President. Kinakampihan mo na siya kaysa sa 'min mga kaibigan mo—"
"Tama naman si Dinah, Mia." putol ko kay Mia. "He may be a weirdo but behind that strange personality, he is kind. Kita mo naman kanina kung paano niya pakisamahan si Dinah. Binigyan pa nga niya ng orange juice, di ba?"
"Sabagay tama ka riyan, Violet! Kung talagang gusto mo magconfess kay Mr. President, Dinah bilang bestfriend mo pinapayagan na kita." Tinapik ni Mia ang balikat ni Dinah. "Gora na, beh!" Bumaling si Mia sa akin. "Ikaw ano sa tingin mo?"
Napadiin ko ang kagat ng pang-ibabang labi. "I am okay with the idea for Dinah's happiness naman di ba?" pigil pigil ko ang sariling emosiyon. Nagpinta ako ng pilit na ngiti sa labi.
"OMG! I am lucky to have you both, beh," bulyaw ni Dinah dala ng katuwaan. "Tulungan n'yo ako ha?"
"Basta ikaw gora na ang ferson, beh," maarteng turan ni Mia.
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanila. Sumunod na lang ako sa hakbang nila patungo sa parking space ng paaralan hanggang tumapat kami kay Henrick.
Naging makulit si Mia at tinulak si Dinah papalapit kay Mr. President. "Mr. President?"
Napinto ni Henrick ang akmang pagsuot ng kanyang helmet dahil kay Mia. Si Dinah naman ay parang istatwa lang nakatayo sa tabi ko.
"Ano, wala kasing sundo ang kaibigan namin na si Dinah, pwede bang isabay n'yo siya?" patuloy ni Mia.
Bakas sa mukha ng lalaki ang gulat. Tumingin siya sa direksyon ko. Tumikhim ako ta's nag-iwas ng titig.
"Please, Mr. President hindi ko kasi siya masabay at may pupuntahan pa ako at ikaw rin Violet may pupuntahan ka pa di ba?" Pinandilatan ako ni Mia.
"O-oo may dadaanan pa ako, Dinah. Sumabay ka na lang kay Mr. President."
"Pero—"
"Bye, beh!" Inunat ni Mia ang braso ko't kinaladkad papalayo sa kanila.
Laglag balikat na sumunod ako kay Mia ngunit hindi nakatakas sa mga mata ko kung paano ngumiti si Henrick kay Dinah. Nagkusa pa itong isuot ang helmet sa ulo ng kaibigan ko.
***
Natagpuan ko ang sarili na tumambay sa convenience store kung saan una ko nakita si Henrick. Mahigit na dalawang oras na akong naka-upo na hindi ko alam kung bakit ba ako nandoon. Panay subo ko na lang ng ice cream habang pinanonood ang walang tigil na daloy ng mga sasakyan.
"Tataba ka kung hindi mo titigilan ang pagkain n'yan," bungad ng isang boses sa likuran ko. Sa inaasahan ay si Henrick ang bumungad sa aking mga mata. He's not wearing his glasses. Simpleng asul na t-shirt at maong na pantalon ang suot niya ngunit tila baga gumagwapo siya lalo sa paningin ko.
"Wala kang pakialam, katawan ko 'to!" Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Akma ko siyang lampasan sa kinatatayuan niya nang muli siyang nagsalita.
"Iniiwasan mo ba ako, Violet?" deritsong tanong niya na hindi ako tiningnan sa mata. Nanatili ang mata niya sa harapan.
Napalunok ako sa narinig. Isang pilit na ngiti ang pinakawala ko. "Bakit ko naman gagawin iyon? Look, 'wag mong i-overthink ang pagmamagandang loob ko sa'yo. Aksidente lang na napadpad ako sa condo mo maliban doon ay wala na. Namamagandang loob lang ako dahil na rin sa pagmamagandang loob mo, 'yon lang." Pinilit ko na hindi gumaralgal ang boses. Kuyom ang palad ay sinimulan ko ang hakbang upang makalayo sa kanya. "G-Goodnight, Mr. President!"
"Violet—"
Hindi ko na siya pinakinggan at tinakbo ko na ang kotse na nakaparada sa di-kalayuan. Nilisan ko ang lugar kung paano nangyari ay wala na akong tamang pag-iisip upang tandaan. Kung anuman itong nararamdaman ko ngayon ay isang pagkakamali. Malaking pagkakamali.