Different

1720 Words
Hindi ko mapigilan ang matamis na ngiti sa labi. Hindi ko kontrolado ang kilos sanhi ng alak sa aking utak. Tila ba kinatuwa pa ng katawan ko ang ginawa ni Henrick na pagtulak sa akin papasok sa loob ng condo niya. "Are you serious?" He asked while pressing me against the wall. His deep voice echoed to my senses. It made my body burn. "Anong klaseng paraiso ang tinutukoy mo, Violet? Two kinds of paradise came to my mind, right now?" Ngumiti ako ng mapang-akit. "Either of those two... handa akong shumama, Mr. President," malumanay ko na sabi. Kusa ko na pinaglandas ang hintuturo sa tungkil ng ilong niya pababa sa labi niya. Tinukso-tukso ko iyon. I became super flirty. "Violet!" bigkas ni Henrick sa pangalan ko na hinuli ang palad ko na nasa tapat ng labi niya. Naging mabilis ang kilos niyang hagipin ang isa pa at pinako kapwa iyon sa ibabaw ng ulohan ko. "Don't tease me like that, Miss Ramirez or else-" sadyang binitin niya ang pangungusap at nagpakawala ang mabigat na hininga. Magkahinang ang aming titig na ibig ko na lang pangapusan ng hininga. "O-Or else, what?" Nanghahamon ang titig na binato ko sa kanya. Hindi ko pa rin mabura bura ang mapang-akit na ngiti. Sunod-sunod ang paglunok ni Henrick. His Adam's apple shifts, sending a tingle down my spine. Isang maharot na tawa ang pinakawala ko. "Pinapayagan kitang gawin ang gusto mo-" He made a face like he had suppressed something. He sighed. "You're drunk beautiful lady, it's time for bed." Hindi ako pinatapos ng binata. Namalayan ko na lang na umangat na ako sa ere. Kinarga niya ako na tila isang sakong bigas. "M-Mr. President?" tili ko. "Saan mo 'ko dadalhin? Sha paraiso ba?" Lasing akong humalakhak. Wala na akong lakas kumontra at hinayaan ko siya. Nanaig ang kalandian ng katawan ko. Sa isang iglap ay namalayan ko na lang na lumapag na ang likod ko sa malambot na kama. "Oras na para matulog, Violet!" Naka-upo sa gilid ng kama. Nakayukong tinititigan niya ako na nakahiga. Inayos niya ang nagulo ko na bangs. "I-I thought, dadalhin mo pa ako sha paraiso." Nakanguso na tinititigan ko siya. Bakas sa lasing na boses ko ang pagkadismaya. "Honestly speaking I can do whatever I want with you right now, Violet. We are alone here. I can rip you in a snap." "Then, shleep with me, Henrick—" "I can't. Ayokong samantalahin ang kalasingan mo." Inangat at inayos niya ang bahagyang bumaba na strap ng suot kong pantulog saka niya ako kinumotan. Napangiti ako sa narinig. He's not the person I had in mind. He differs from the guys I'm familiar with—quite significantly so. "Now, close your eyes," utos niya nang mapansin na mataman pa rin akong nakatitig sa kanya. "Oo, na." Tumango lang ako na may ngiti sa labi. Pinikit ko ang mata. Sadyang napawi na naman ang lungkot sa puso ko. Rushing to his place turns out to be not such a bad idea after all. "Thank you, Henrick, for being my peace during times like these," mahina ko na usal habang nakapikit. "You can count on me, Violet." Pinaglandas niya ang daliri sa aking pisngi at dahil doon mas lalong gumaan ang nararamdaman ko. He remained seated, and I'm not sure for how long until I was completely asleep. *** Ang amoy ng usok ng sigarilyo ang nagpagising sa aking diwa mula sa pagkaka-idlip. Nang magmulat ako'y nahagip ng paningin ko si Henrick sa veranda. Naka-upo sa upuan. Nakatanaw sa kawalan na papaliwanag na habang humihithit ng sigarilyo. Ginala ko ang mata sa loob ng silid. Nakita ko ang hinahanap ko. Ang orasan. Mag-alas singko na pala ng umaga. Napangiwi ako't parang minamartilyo ang ulo ko. Napatikom ko ang labi nang manariwa sa aking isip ang ginawa ko kagabi. Gusto ko na lang maglaho. Maingat ko na hinawi ang kumot na nakabalabal sa aking katawan. Dahan-dahan ko na nilapag ang paa sa sahig. Ayoko makagawa ng ingay. Plano ko na lisanin ang lugar na hindi nito napapansin. Bakit ba ako pumunta rito? God! What's wrong with you, Violet! Tarantang hinakbang ko ang paa patungo sa tapat ng pinto ng kanyang silid ngunit nakarinig ako ng tikhim sa likod dahilan na napinto ko ang aking kamay sa ere. Umayos ako ng tayo pagkatapos at hinarap ito. Tumama ang paningin ko sa malinis na niya na hitsura. Halatang kaliligo lang niya at namamasa pa ang ilang hibla ng buhok ng binata. I ponder whether he slept. "Aalis ka na?" "S-sana." Nabubulol ako na hindi ko alam kung bakit. Damn it! "Na ganyan ang ayos mo?" Pinasadahan niya ako ng tingin. Tumama ang mata niya sa magulo ko na buhok. Naging mabilis ang daliri ko na sinuklay at pinilit inayos iyon. "Hindi ang buhok mo ang tinutukoy ko. In fact, you look beautiful with your morning hair." Bumaba ang tingin niya sa suot ko. "Ang sinasabi ko 'yong damit mo. Kinulang na naman sa tela." Napatikhim ako. Kiniliti ang puso ko sa narinig. Did he find me beautiful? Tama ba ang narinig ko? "Hindi naman 'to kinulang, pantulog ko 'to," dahilan ko na iniwas agad ang tingin sa mata niya. Umatras siya sa tapat ng maliit na table na may ashtray at diniin doon ang sigarilyo na nagbabaga. Sinundan ko lang siya ng tingin na may kinuha sa closet niya. Dinukot niya ang isang long-sleeve na kulay light blue. "Sa susunod bago ka pumunta rito, ayusin mo muna iyang damit mo. Not like this—this tiny satin almost made me go insane," madiin niyang sabi na pinatong sa balikat ko ang damit. "I was drunk." "Hindi ko lubos maisip kung paano ka nakarating dito na suot itong kinulang na damit mo." Abala ang daliri niyang ibutones ang long-sleeve. "I am pretty sure kung sino man ang nakasabay mo'y nababaliw. You're one of the sexiest lady in our school, Violet." Napayuko ako. "Am I?" Nahihiyang sinulyapan ko siya. Umungol lang siya na pinagpatuloy ang pagbutones ng damit. Why did I feel happy upon hearing his compliment? Eh, lahat naman ng lalaki o kaya babae sinasabi nila sa akin ang papuring iyon pero iba kapag nanggaling sa bibig ni Henrick. "Halika na ihahatid na kita bago pa sumikat ang araw." Hinagip niya ang braso ko't tuluyang inakay papalabas. Nakangiti ang aking labi na nakasunod sa kanya. Kita ko kung gaano kakisig at kalapad ang kanyang balikat. Malinis ang batok at mabango tingnan. Kung siguro wala ang salamin niya ay pinipilahan na ito ng mga babae sa paaralan. "A-ano ba ang gusto mo sa isang babae? I-I mean iyong kadalasan sinusuot ng babae?" Hindi ko napigilan ang bibig. "I don't have a particular preference for girls' clothing styles. As long as she feels comfortable in her attire, that's all that matters." Inakay niya ako papasok sa elevator. Napa-ungol ako ng mahina sa narinig. May bahagi sa kaibuturan nakuryoso kung may nagugustuhan na ba ito. May bahagi rin na medyo nadismaya. Si Dinah ang gusto niya? Malamang! Tahimik lang akong sumunod kay Henrick. Hanggang narating namin ang isang underground garage. Ibig malula ang aking katinuan sa tumambad sa aking harapan. Isang pribadong garahe ang pinagdalhan niya sa akin. May iba't ibang mamahaling sasakyan doon. Ferrari, Lamborghini at higit pa. Pawang iyong nagkakahalaga ng milyones. Of course, I am in an exclusive condominium. All the residents here are affluent; what else could I expect? Nakita ko rin ang Ducati ni Henrick at ibang pang mamahaling motorsiklo na nakaparada. Subalit, ang akala ko dadalhin niya ako sa gawi kung saan nakaparada ang motor ngunit sadyang nilampasan namin iyon na kinasalubong ng aking kilay. Tumunog ang isang kotse sa pinakadulo. Silver Koenigsegg CC850. One of the most luxurious cars in the world. Damn! Who is he? Maliban sa kaklase kami at nagtatrabaho siya bilang part-timer sa mamahaling restaurant bukod doon wala na akong alam tungkol sa kanya. Is he somehow son of a Mafia? O kaya anak ng sindikato, prinsepe? Hindi ko alam. "Get in!" utos niya na pinabuksan ako ng pinto. "Hindi ba tayo magmomotorsiklo?" bakas sa boses ko ang gulat. "Nope, nakasuot ka ng maiksi hindi maganda tingnan," may diin na sabi niyang nilakbay ang mata sa nakalantad ko ng hita at binti. Sa kalahati lang ng hita ko umabot ang long-sleeve na pinahiram niya. "What? Hindi maganda ang binti ko?" Yumuko ako na sinuyod ang sarili. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin." Nag-iwas ng tingin ang binata. "Your legs are too long and sexy—" he swallowed hard,"—j-just get in!" pag-iwas niya na binakuran ng kanyang palad ang ibabaw ng pinto upang hindi ako mauntog. "O-okay." Nagkibit balikat na lang akong sumunod. Henrick drove so quickly that before I knew it, we were already in front of the mansion's gate. I have no idea how it happened. My mind was so preoccupied with the fact that I had been with him since last night that it hadn't yet fully registered. I am simply too overwhelmed. "Thank you." Ngumiti ako nang makababa ng tuluyan. "D-Do you want to come in? T-To have some coffee, you know?" nabubulol ko na imbita. "Sure, wala namang pasok at Sabado. I have so much time before my duty at the resto." "Okay, then." Papasok pa lang kami sa matayog na gate nang makita ko si Nana Koretta na tumatakbo papalapit sa amin ni Henrick. "Violet?!" "Po, nana." Nagbigay galang si Henrick kay nana bago nito muling binuka ang bibig. "Saan ka ba nanggaling at kagabi pa kita tinatawagan." Bakas sa boses ni nana ang pangamba. "Po? Ano po ang nangyari kay mommy, nana?" Kinabahan ako... sobrang kaba. I left my phone in my room and hurried to Henrick's place, not thinking ahead as I was already drunk. "Mabuti pa't samahan na kita sa ospital at malaman natin." Natataranta na si nana. "I can offer you a ride, madam," mungkahi ni Henrick. "Nandito na lang din naman ako." "Mabuti pa, iho." We hurried to the private hospital where my mom was staying. Upon arrival, I was confronted with the most devastating news: my mother had passed away. She had taken her own life, leaving me shattered. Ito na ba talaga ang buhay ko? Simple lang naman ang hinihingi ko, simpleng kasiyahan lang pero bakit ang ilap ng panahon? *** Happy reading
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD