Mula kanina ng malaman ko sa anak kong si Dreau ang tungkol sa pagtatanong ng kanyang Tatay Damian tungkol kay Isko ay hindi ay tila may gumulo na sa isip ko. Kung totoo na gusto niyang matikman kung ano ang lasa ng pandesal ay bakit kailangan pa na magtanong siya tungkol kay Isko gayong napakalayo kung saan lugar ito nagtitinda ng naturang uri ng tinapay. "Wala na talaga akong masabi sa sobrang gana kumain ng anak mong si Drei. Kulang na lang ay hindi niya na pakainin ang mga tao sa paligid. Mabuti na lang at marami tayong ginawang tuna sandwich at nabusog din naman sina Sir Damian, Duke at Dreau." Palatak ni Tine habang hinuhugasan ang mga babasagin na platito na pinaglalagyan ng mga kanya-kanyang sandwich ng mga bata at ni Sir Damian. Ganun din ang mga baso at pitsel na ginamit. "Hoy

