"Tay, kanina ko pa po kayo tinatawag. Hindi niyo po ako naririnig," ang sabi sa akin ni Dreau na hinawakan pa ang mukha ko na nakatingin nga naman sa kung saan. Hindi ko alam na tinatawag niya na pala ako. Kasalukuyan kasi akong nahulog sa malalim na pag-iisip kaya siguro hindi ko talaga siya napansin. "Sorry, my dear princess. May iniisip lang si Tatay kaya hindi kita masyadong narinig." Paghingi ko ng paumanhin sa anak kong napakalambing. Natural yata talaga sa anak na babae ang mas malambing sa kanilang Tatay ngunit malambing din naman si Drei pero ang napansin ko ay mas clingy siya kay Ana Joy lalo pa kung inaantok na ang anak ko. "Siguro po ay si Duke ang iniisip niyo, Tay?" ang tanong naman ni Drei ng lumapit na rin sa akin hawak ang kanyang kulay dilaw na laruan na kung hindi ak

