Episode 134

1263 Words

Dahil sa kung anu-anong mga sinabi ni Tine na pumasok sa isip ko ay nawala tuloy ng tuluyan ang antok ko. Kanina ay talagang antok na antok na ako at pipikit na talaga ang mga mata ko. Pero heto ako, hirap na hirap ng mahuli at kahit anong gawin kong pabiling-biling ay hindi ko na makuha ang antok ko. Kaya naman tumayo ako at nagdesisyon na maligo. Baka sakaling kapag nasayaran ng malamig na tubig ang aking buong katawan ay antukin na akong muli at makatulog na. Maaga pa ang gising ko kaya dapat ay kanina pa ako tulog. "Maria Kristina! Lagot ka talaga sa akin bukas!" banta ko kay Tine na siyang may kasalanan at sinisisi ko kaya hindi na ako dalawin ng antok. Muntik pa akong mapasigaw ng tuluyan ng yumakap sa aking balat ang malamig na timpla ng tubig. Puwede ko naman gawin na maligam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD