LAVINIA
Tulad ng bilin ni Exodus ay gumising ako ng may bagong Pag Asa. Take down na nga ang Video ng Scandal namin yon ang ipinag papasalamat ko. Kasalukuyang kausap ko si Mama, ngunit nalaman ko rin na nakarating kina Mama ang Balita at napanood rin pala nila ito. Syempre nahihiya ako, pero sabi ko nga Nobyo ko naman si Exodus at nasa Tamang edad na kami. Pero bilang ina ay di nya maiwasan mag alala at Mag usisa.
"Sabihin na nating Nobyo mo Sya, Andon na tayo, pero Anak . Magsabi ka sa akin, Alam kong hindi lang isang beses may nangyari sa inyo nang Nobyo mo, Ang tanong is Anong Balak nyo? Inaya ka naba ng KASAL?
Tanong ni Mama sa akin na tila di ko napaghandaan.
"Ahm..Ma, hindi pa po namin napag uusapan yan Ma. Gusto pa po kasi naming enjoyin ang relasyon bilang mag nobyo at Nobya.
"Lavinia Lavinia! Anak, 30 ka na, Nasa Tamang Edad kana? Hindi kaba naiinggit sa ibang Kaibigan mo na may Pamilya na? Tapos kayo wala pang plano? Ano anak, Hangang kelan ka magpapagamit sa Nobyo mo? Pano kung bandang Huli hindi pala kayo ang magkatuluyan? Anak babae ka, Kung ganyan baka umiyak ka dahil talunan ka bandang Huli.?
"Ma, Mahal ko Si Exodus at Mahal nya rin po ako," saad ko kay Mama sa kabilang linya.
"Ah basta! Sinabihan na kita Anak." Sana lang sa huli kayo talaga. Dahil bandang huli ayokong makita kang umiiyak dahil nasaktan ka, Nasaktan ka na kay Mavee Noon, Dahil ikaw lang ang nagmahal ngunit Kaibigan lang ang tingin sayo, Ayokong Iiyak kana naman ulit, Dahil Mas masakit yan panigurado, Dahil lahat ibinigay mo na."
"Salamat po Ma, pero sure po akong Mahal namin ni Exodus ang isat isa." Saad ko pa rito.
Matapos ang aming usapan ay ibinaba ko na ang phone at napaupo na lamang sa kama.
Sakto naman ang pasok ni Exodus ay naabutan nya akong nakatingin sa malayo.
"Hon, Gising ka na pala, May Problema ba hmm? Nag aalalang tanong ni Ex sa akin sabay yakap.
"Hmm..Wala Hon, I'm okay, Basta andito ka sa tabi ko." Saad ko saka yumakap din sa kanya.
"Of course Hon, Palagi lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan."
"Salamat Hon." Saad ko saka ngumiti sa kanya, Kinintalan nya naman ako ng halik sa labi saka ako inaya pababa dahil nakahain na ang almusal.
Habang kumakain ay nag kwe kwentuhan kami. Masaya ang kwentuhan namin dahil mga Legit na Kamag anak lamang ni Exodus ang naroon ang mga kamag anak nya sa Father side.
Matapos iyon ay nag ayos na rin ako dahil kailangan ko nang pumasok sa clinic. May 3 cliente ako ngayong araw. Ganon din si Exodus. Kailangan nya na rin pumasok at nagsampa rin sya ng kaso para kay Connor.
Inilaan ko ang oras sa aking trabaho, Akala ko ay 3 lamang ang customer ko ngunit may 2 pa na nag walk in, bukod pa ang mga customer ni Ate Karylle at Ate Jennie.
Masaya ako na satisfied ang mga nagiging cliente namin. Sila talaga ang mismong bumabalik para dito ulit sa amin, hindi sa pag mamayabang eh maayos naman kasi ang service namin.
Mabilis na lumipas ang Araw, Linggo at Buwan ay tahimik lamang ang buhay namin ni Ex. Nagpapasalamat ako dahil tuluyan nang nanahimik ang issue sa scandal. Kaya maayos ba ulit kami ni Ex.
Naging maingat na rin kaming Dalawa ni Ex everytime na mag me make love kami. Kapag ginagawa namin sa Clinic ay bukas ang aircon pero naka baba lahat ng Curtain lalo na kapag gusto namin mag Explore sa mismong clinic. Pero kapag nasa room ko roon ay kahit hindi dahil may pinto naman at walang ibang sisilipan.
Naging mas matibay Kaming dalawa, Halos parang mag asawa na raw kami sabi ni Mama dahil palagi nalang daw kami magka buntot. Hindi natuloy ang pag uwi nila mama dahil may emergency sa company namin. Pero nagkausap na sila sa videocall ni mom and dad.
Nagpapasalamat ako dahil Legal kami both side pero si Mama, masyado nya talaga kilitalisin si Ex. Hindi ko masisisi si Mama dahil siguro iniingatan nya lang ako dahil anak nya ako, Ayaw nya ako masaktan ulit.
Akala ko Okay na, Wala nang Problema pero talagang may Pagkakataon na may Susubok at Susubok nang lakas mo.
Maging sa relasyon namin ni Exodus.
Isang araw ay masaya kaming umuwi ni Exodus sa Mansion. Ngunit napawi ang ngiti namin ng Makita namin si Becca, kasama ang mga magulang nito.
Ilang buwan din namin di Nakita ito, ngunit napatingin ako sa Tyan nya na tila may maliit na umbok.
"Magandang Gabi Exodus, Kanina ka pa namin hinihintay." Saad ng ama ni Becca.
"Ano pong maipag lilingkod ko Mr.Alonzo?
"Buntis Si Becca Exodus" sad naman ng Ina nito.
"Ah Di congrats po at magkaka apo na kayo.. Congrats din Becca" bati naman dito di Ex na parang normal lamang.
"Narito kami dahil kailangan ka namin!saad naman ni Becca
"At Ano ang kialangan nyo sakin? Takang tanong ni Ex
Si Mommy Everly at Dady Eugene ay tahimik lamang din at tila nag aabang din sa Pakay ng mga ito.
"Ano nga ba kasi ang ipinunta nyo rito at kailangan pa kompleto? Dagdag pa ni Mommy Everly
"Ahm...Sasabihin ko na po, pero pwedeng Usapan ng Pamilya lang po., Kaya pwede bang hindi ka Kasama Doc Lavinia Usapan lamang kasi Ito ng Pamilya Banderas at Pamilya Alonzo." Saad ng Babaeng makapal na si Becca. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Exodus.
"No Honey STAY! Girlfriend kita at Magiging Pamilya kaya Dito ka lang. Kung hindi kayo Comfortable na sabihin ang pakay nyo ng kaharap sya pwes, hindi na kami ang mag A adjust para sa inyo. " Matapang na wika ni Exodus. Nag tinginan naman ang Pamilya Alonzo.
"Okey, Sige kung yun ang gusto mo My Dearest Congressman Sige, Sasabihin ko na, sa bagay ok na rin para harap harapan nya malaman ang pakay ko.
"Buntis Ako, At walang Ama, Pero napasubo na ako Exodus, Dahil ikaw lang naman ang Kilala na matagal kong naging Nobyo kaya Heto!
Saad ni Becca Sabay abot ng Magazine kay Exodus.
Halos manginig naman ang kamay ni Exodus ng abutin ito at halos ihagis nya ito ng mabasa ang nakasulat.
"f**k! Paano mo naatim na ipaako sa akin amg responsibilidad ng iba, Dinamay mo pa ako sa Kalokohan mo!
"Wala na akong Choice Ex! Kilala ako alam mo yan, Ayokong mapahiya kaya nung time na na corner ako ng mga reporter ikaw nalang ang naisip ko." Saad nito sabay paawang umiyak.
"Pero alam mong may Fiancee na ako, Bakit ako pa rin Ha?
"Dahil Mahal parin kita Exodus! Bakit ayaw mo ako bigyan ng chance na mahalin ulit ha?
"Huh? Mahal? Kung talagang Mahal mo Ako bakit Buntis ka at Walang Managot sayo? Tapos ipapaako mo sa akin?
Pano naman ako, Ang personal na buhay ko?!
"Kaya nga Kinakausap kita, Kahit palabasin lang natin na ikaw ang ama ng anak ko, para tigilan lang nila ako."
"Im Soryy Becca, pero di ko mapagbibigyan ang pakiusap nyo. I'm sorry Mr.And Mrs Alonzo, Di ko ho kaya qng hinihingi nyo.
Hindi ko kayang isakripisyo ang Relasyon namin ng taong mahal ko para sa anak nyo." Saad ni Exodus saka hinalikan ako sa Noo.
Matalim na tumingin ang mga magulang Ni Becca sa mga magulang ni Ex.
"Hmm..Sige kung talagang di kayo mapapakiusapan, pero tandaan nyo ang araw na ito na ni Reject nyo ang Pamilya namin!" Saad ng Daddy Ni Becca saka inaya palabas ang kanyang mag Ina.
Ngunit bago Lumabas si Becca ay Tinawag pa nito si Exodus at bakas sa mukha nito ang galit.
"Tandaan mo ang araw na to Exodus! Dahil sa Ginawa mo, Abangan mo ang kapalit ng pagtanggi mo!" Saad nito saka tumingin ulit kay Exodus saka ako tiningnan ng masama.
Inakay na ako ni Ex paupo sa sofa ngunit di pa rin mag sink in sakin ang balak nila Becca kanina.
"Hay naku, Grabe na talaga ang Pamilya nila. Akala naman masisindak tayo." Saad naman ni Mommy Everly.
"Mag babanta pa sya , Sila na nga itong basta hila sa pangalan without my consent!"
Inis na wika ni Exodus, kaya inamo ko naman ito.
"Shh..Tama na Hon, Di ka naman kumagat eh, kaya hayaan mo na sila. Wag mo na stress sin ang sarili mo.
"Hmmm..Buti na lang talaga andyan ka Hon, Nagagawa mong pagaanin ang loob ko." Saad ni Ex sa akin saka ko kinintalan ng halik.
Ganon naman kasi kami talaga, kapag may isang badtrip sa amin ang isa ay taga amo.
Isang araw katatapos ko lamang sa isang customer, kasalukuyan akong nakaupo sa aking upuan, habang may binabasa ako ay lumapit sakin ang isang bulto
Akala ko nong una ay customer ngunit hindi pala, Walang iba kundi si BECCA.
"Good Morning Ms.Scandal! So Heto pala yung Pipichuging Clinic na pinag mamalaki mo! Hmm.. infairness maganda naman ang loob pwede na pag tyagaan.
"Anong Kailangan mo Becca?" Taning ko sa kanya na kalmado lamang.
"Bakit ba? Masama bang pumunta dito? Akala ko ba Customer is Always right?
"Bakit Becca? Mag papa ayos ka ba?" Kung hindi naman ay maari ka nang umalis, Madami pa akong gagawin.
"Ganyan ka ba sa Mga Customer mo? Oh sa akin lang dahil Dati akong GF ni Exodus."
"Hehe...Iba ka rin pala Becca, Alam mo kahit Ex kapa ni Exodus e se serbisyuhan parin naman kita kung mag papa ayos ka, pero kung pupunta ka lang dito sa Clinic ko na Pipichugin para lang mang inis at mang mata eh makakaalis kana.
"Hmm..Hindi ba Tinatawag ni Exodus ang Pangalan ko habang nag Se s*x kayo? Oh baka naman ikaw lang ang Katalik pero ako parin ang nasa isip." Saad nya pa, Wala talaga akong masabi sa ugali ng babaeng to..sobrang kapal.
"Hmm..Hindi Eh.. Actually Pangalan ko Ang binibigkas nya habang nag Niniig kami. Ganon pala si Ex No, Ang wild sa kama, Kaya Siguro Sobrang INGGIT nung nagpakalat ng Video namin."
"Well anyway sabi nga ni Ex, Wala kaming dapat ipaliwanag dahil Couple naman kaming dalawa. Mas mahalay naman kung Kami ang couple pero Iba ang kapareha namin sa Video, Alam kong hindi ka BOBO kaya alam mo ang nais kong sabihin Becca.
Eh Ikaw Sino ang nakabuntis sayo Tila Tinakbuhan ka yata kaya nais mong Ipaaako sa NOBYO ko? Ano? Walang wala na ba? Oh baka dahil sa ugali mo kaya di ka kayang Panagutan.
"Tumahimik ka Lavinia! Wala kang Alam!
"Pwes Manahimik ka rin! Sino bang unang nangulo? Ikaw diba, alalahanin mong nasa Poder Kita!
"Hmm! Palaban ka rin pala Lavinia! Sige subukan ko yang Tapang mo Kung hangang saan ka tatagal!
Baka magising kana lang isang araw, Wala na sa piling mo si Exodus!
"Depende, kung Aahasin mo at gagawa ka ng di maganda eh baka nga, Kung sanay ka naman lumaro ng di parehas"
"Hahaa..Basta Good luck na lang sayo Lavinia! Samantalahin mo na rin ang pagtangap ng Customer dahil baka isang araw maglaho nalang Bigla itong Chipipay mong Clinic."
"Chipipay pala So ano pang Ginagawa mo Dito, Layas...Layas.. Kuyang Guard, Paki Escortan nga tong Si Becca, Baka maligaw dito sa Clinic ko.Salamat po" saad ko pa na may halong pang aasar.
"Tandaan mo to Lavinia! Hindi pa tayo tapos Babalikan kita at Babawiin ko ang Dating sa akin!"
"Okay..E di Hihintayin kita, bye Becs, Chupi alis na, Kung di ka lang buntis ako na hihila sayo palabas.,hehe" saad ko rito saka mas lalo syang ininis.
Galit na galit naman itong lumabas ng Clinic ko, Ayoko na sana sya patulan dahil buntis sya pero nakakainis na rin kasi, kapag nagpakita ka ng kahinaan lalo ka lang tatapakan kaya Mas okay na yan makita nya ang tunay kong ugali, Mabait ako sa mabait sa akin. Pero Balasubas din ako sa Balasubas sa akin, kaya pasensyahan kami kung kelangan ko ng kalusin ang salop.
Makalipas ang Maghapon ay sinundo ako Ni Ex. Inaya nya akong mag kape sa isang Over looking na lugar.
Nakatingin kami sa ciudad na napapalibutan ng mga ilaw. Tahimik lamang kami.
Maya maya ay nagsalita sya.
"Kumusta ka naman Hon?
"Ok lang naman ako Hon, medyo madami lang trabaho kanina, Ikaw kumusta sa congress?
"Ganon din, ang daming trabaho, walang katapusang review at basa ng mga batas dapat ipasa."
"Hmm..pareho tayong pagod Hon, hehe pero Hon kanina, Sumugod si Becca sa Clinic, para mang inis at laitin lang pala ako. Pero hindi ako nakatiis Hon, medyo pinatulan ko rin."
"Wow, thats my Girl..hehe..As long as di kayo nagkaka physicalan sige para naman manahimik sya."
"Grabe sya no binanta bantaan pa ako, hehe di daw sya titigil hangat di ka nya nakukuha sa akin hon."
Pagkasabi ko noon ay Ibinaba nya ang Kape sa Bumper ng kanyang sasakyan.
Lumapit sya sa akin at Niyakap ako habang nakaharap kami sa City lights ng Ciudad.
"I love You Hon, Mahal na Mahal kita, Parang hindi ko kaya Kung hindi ikaw ang makakasama ko sa Buhay" saad nya sa akin sa seryosong tinig.
"Hmm..Ako din Hon. Pero What if Hon, Hindi pala tayo ang Nakalaan para sa isat isa? "
"Hindi ko Alam Hon, Basta palagi kong pinag darasal na ikaw ang makasama ko habang buhay, Hon kung mag pakasal na kaya tayo no, nasa edad naman na tayo pareho eh.
"Hmm..pwede din naman Hon, pero tandaan mo lahat ng bagay hindi dapat minamadali, ipag pray natin yan Hon, yan na ang susunod na Goal natin.
"Salamat Hon, Basta narito lamang ako palagi sa Tabi mo, Mahal na mAhal kita.
"Ikaw din Congressman, I love You.
Samantala...
3rd PERSON
Lingid sa Kaalaman ng Magkasintahan na meron palang Nakamasid at Nagpla plano para sa kanila. Saan kaya aabot ang pagiging matatag at matibay ng relasyon nila.
Hangang saan kaya nila kayang Ipaglaban ang isat isa, O may Kailangan bang Mag Palaya, Mag paubaya at mag sakripisyo?
"Sige, Sulitin nyo na ang Masasayang araw nyo, Haha dahil bilang na lang yan." Wika ni Connor na naka masid sa di kalayuan. Akala mo Exodus tapos na ako sayo? Haha No Way! Dahil nag sisimula palang ako." Saad nito maya maya ay Nag Dial ito sa Telepono at may Kausap na Babae sa kabilang Linya.
"Hello Becca, Mabuti naman at Sinagot mo!, Anyway Nasa Harapan ko ngayon ang Love Birds medyo malayo lang ako ng konti sa kanila." Saad ni Connor
"Okay Hayaan mo lang sila, dahil, pwedeng Bukas, sa isang araw or next week eh Mag hihiwalay din yan, Haha Syempre sa Atin ang Huling Halakhak nyan" saad pa ni Becca.
"Okay Welcome Becca at Salamat sa Pakikipag Collab mo sa akin para pabagsakin ang relasyon nila."
"Ok lang Connor, Basta wag mo lang sasaktan si Exodus Dahil Mahal ko yan , Pero si Lavinia, Haha Bahala kana sa babaeng yan, Gawin mo kung anong gusto mong gawin Hahah." Saad pa ni Becca sabay ng Mala Bruhang tawa.