LAVINIA
Kinabukasan ay Balik trabaho na kami ni Ex. Iniabot ko naman kay ate Karylle at Ate jennie ang mga pasalubong namin. Tiwang tuwa namam silang dalawa. Pati si Ate Karing at Debbie ay may pasalubong rin.
Habang wala pang Customer ay knuwento ko kay Ate Karylle at Ate Jennie ang nangyari bago kami nag bakasyon ni Cong. Nagulat kasi sila bakit daw may Security na, Kaya nakwento ko sa kanila na padala ni Cong ang security dahil nga sa nangyari.
"Grabe Doc, Mabuti at dumating agad si Cong ng gabing iyon, Hindi mo ba namukhaan? Tanong ni Ate Karylle sa akin.
"Hindi ate, madilim kasi tapos naka Cap pa na Black at jacket kaya di ko talaga mamumukhaan.
"Maswerte parin doc at di ka napasok rito. Grabe pa naman ang panahon ngayon. Madami ng krimen na pinpasok sa Loob. Wala ng safe na lugar ano kahit sa loob na mismo ng bahay na akala mo safe pero di din pala.
"Kaya nga Ate, Yun din ang ikinakatakot ni Ex, kaya nagpadala agad sya ng security para sa atin.
"Buti nalang talaga eh Love na love ka ni Cong Doc kaya safe tayo."
Dagdag pa nila.
Noong araw na iyon ay busy kami pare parehas. Dagsa ang customer sa araw na iyon. Tapos pinatawag pa ako sa affiliate ko na hospital dahil may i ma minor surgery ako kaya pagoda talaga buong araw. Pero kahit ganon ay nag uupdate parin kami sa isat isa.
Bandang Alas Tres saktong katatapos ko lamang sa isang minor operation ng makatangap ako ng isang mensahe. Hindi ito kasama sa Friend list ko.
Basta nag Request message lamang ito na nag kubli sa pangalan na COUNT TO TEN. Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan kaya inaccept ko ang message request na iyon.
Pagbukas ko ay nabasa ko ang mensahe nya:
Count to ten: Are You ready?
10,9,8,7,6,5,4,3,2,1...
Kasunod noon ay ang isang Video.
Halos takpan ko ang bibig ko nang mapanood ang Video.
Walang iba kundi ang Video namin ng Pagniniig ni Cong sa Rest house.
Sa umpisa ng Video na iyon ay ako ang nasa ibabaw ni Cong kita ang kabuuan at kahubdan ng aking likod. Kasunod noon ay ang pagpalit namin ng pwesto hangang si Cong naman ang Nasa ibabaw at ako ang nasa ilalim dahil. Sa video na iyon ay alam na may ginagawa kaming dalwa, Hindi lang kita ang kaselanan dahil may kumot na tumakip sa may Pang upo ni Cong dahil nga maulan ng gabing iyon pero kitang kita at akto doon ang ginagawa namin,at buti na lamang din at nakaharang si Cong kaya di rin kita ang aking hinaharap.
Nasa 3 minuto lamang ang video na iyon.
Pero kahit na, Kita at Malinaw parin ang mukha namin ni Exodus sa video.
Tatawagan ko palang sana sya nang makita kong sta na mismo ang tumatawag sa akin kaya dali dali ko itong sinagot.
"Hello Hon...Hon may Nagpadala ng video sa akin." Saad ko sa kanya, kaya rin pala sya tumawag ay dahil doon din.
"Nasan ka ngayon love? Nasa Hospital ka paba? Tanong nya sa kabilang linya.
"Oo love andito pa"
"Sige Susunduin kita dyan on the way na ako." Saad nya saka kami nag paalaman sa isat isa.
Ilang minuto nga lamang ay dumating na si Exodus. Agad akong tumakbo ay yumakap sa kanya. Di ko napigilan na mapaiyak.
"Hon, yung video...Anong gagawin natin? Pano kapag kumalat yon. Pano tayo.
"Shhh .Tahan na Hon, humingi na ako ng tulong para ma locate ang IP address kung saan inupload, humingi na rin ako ng tulong sa iba pag na detect nila i blo block na nila iyon at di ma makakarating kung saan saang site.
Sana lang ay wala pang ibang napapasahan na kung sino man." Saad pa ni Exodus sa akin.
Naglakad na kami palabas ng Hospital ngunit nakarinig kami ng mga usapan ng ibang Tao. Habang busy na nakatutok sa cellphone nila.
"Pre, napanood mo bagong scandal? May nag send sa akin "
"Oo nga ang ganda nung Babae, likod palang makinis na, sarap na sarap sa ginagawang pagbayo. Hahaha" saad ng mga ito
Hindi na lamang namin pinansin at tuloy na lamang kami sa paglalakad nakasuot naman kaminng facemask di naman siguro nila kami makikilala agad.
Nasa kotse pa lamang ako ay nakatangap na ako ng mensahe mula kay Ate Karylle.
Nangungumusta sya, tinanong ko kung may na received sya na mensahe, pero wala naman daw. Ganon din kay ate Jennie.
Ngunit nakatangap ako ng message mula kay Asia. Naka received sya ng s*x Video namin ni Cong.
Halos manginig naman ang Kamay ko dahil dito. Hindi namin alam kung kani kanino ito isinend.
Maya maya ay naka received ako ng tawag mula kay Mama. Natatakot akong sagutin pero,wala naman akong magawa kundi ang sagutin din ito para malaman kung anong reason ng pagtawag.
"He..Hello po Mama?
"Oh anak bat ang tagal mo namang Sagutin anak, Kumusta ka na?"
"Ok lang po Ma, sorry po mam katatapos lang po ng minor operation ko sa isang pasyente sa ospital kaya medyo kallaabas lang po.
"Ganon ba anak, Oh sya mag ingat ka, Uuwi lami ng Daddy dyan next nextweek."
"Sige po mom, ingta po kayo."
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag kahit papano.
Sa condo kami ni Ex dumiretso para kontakin ang pwede pa naming lapitan.
Ilang sandali pa ay nakatangap naman sya ng tawag. Ngunit halos magulat ako ng mag mura sya
"Tang ina ka! Bakit mo ginagawa ito? Sino ka ba?
"Wala akong atraso kahit na kanino! Kaya wag mong guluhin ang buhay namin ng Girlfriend ko! Kasunod noon ay paghagis nya ng phone.
Napaiyak na lamang ako ng isa isang mag message ang ilang malalapit na kaibigan ko. Maging sila ay nakatangap ng video, ganon din si Ex naka received din sya mula sa ilang malapit sa kanya sa Congress ay naka received.
"Shhh..Tahan na Hon,"
"Hon, napanood na nila ang video natin, Paano ikaw? Ako? yung mga pangalan na iniingatan natin nasangkot sa isang eskandalo.
"Shhh..Na locate na nila Hon, saka kasalukuyan na nilang tinetake down ang video,"
"Love Making ang ginawa natin Hon, s****l activity between Lovers. Natural na ginagawa naman yun ng dalwang taong nagmamahalan, Magkasintahan tayo, Wala tayong natatapakang tao, Nagmamahalan tayo kaya walang kaso ang ginagawa natin. Ang may problema dyan ay ang nag video at ang nagpakalat ng Video. Hindi ako titigil hangat di nakakasuhan yan.
Sa sinabing iyon ni Ex ay medyo nakahinga ako mg maluwag. Pero syempre takot at hiya parin dahil napanood ng malalapit sa amin ang s*x video namin ni Ex. Hindi ko tuloy alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanila.
Pagkatapos noon ay Dumiretso kami ni Ex Sa Mansion. Ayoko sanang sumama dahil pakiramdam ko hiyang hiya ako sa mga magulang nya.
Nahihiya ako kina Mommy Everly at Daddy Eugene pati na rin sa mga pinsan nya na nasendan ng sensitibong Video.
Habang Papasok kami ni Ex sa mansion ay nakaakbay sya sa akin at nakakapit sa bewang ko. Dama ko ang Pag protekta nya sa akin.
Nang makapasok kami ay Naka upo silang lahat sa sofa at nakatingin sa amin.
Pero imbes na husgahan ay sinalubong ako ng Yakap ni Mommy Everly habang si Ex naman ay tinapik ni Tito Eugene sa balikat saka niyakap dij ito.
Dahil doon ay di ko napigilang maiyak.
"Im Sorry Mommy Everly," saad ko rito.
"Shh...wala kayong kasalanan, ang dapat managot ay ang kumuha ng video at mga nagpakalat nito." Saad pa nito sa amin.
"Oo nga ate Lav. Hwag ka na magpa stress. Buti kahit na alam na yung ginagawa nyo buti na lang talaga at hindi nakita ang kabuun mo yung likod nyo lang ni kuya.
Hwag ka mag alala ate, na take down na daw yung video." Saad pa ni Asia sa akin.
Habang nakaupo kami sa Sofa. Ay Biglang dumating si Lia kasama ang mga magulang nito.
Nasa pinto pa lamang amg mga ito ay rinig na agad ang boses.
"Oh My God Exodus! Ano iyong Video nyo na kumakalat, Nakakahiya kayo.!
Wika ni Tita Thelma ang Mama ni Lia
"Nagpunta ba kayo Rito para insultuhin ang anak ko at ang Nobya nya ? Tanong ni Mama.
"Totoo naman po Mommy Everly, Nakakahiya Ang video ni Kuya at Doc Lavinia. Napanood din kaya ng ibang friends ko.!" Saad pa nito.
"Eh Bakit Sika Kuya Ang sinisisi mo? Sila Kuya ba ang nag video sa sarili nila? Hindi diba halatang may Panakaw na kumukuha ng video sa kanila."
"So ano, Ok lang sa inyo yun?
"Syempre hindi Ok yon! Kaya nga pina take down na ang video eh.!
Kesa mainis sa mga sinasabi ni Lia ay inaya na lamang ako ni Exodus na magpunta sa Kwarto ngunit talagang di pa rin ito tumigil.
"Hayss...Kakahiya Ang Landi landi kasi, Sabik na sabik magpa Tir Kay Kuya!
Saad ni Lia pag daan namin, Akal ko ay ako lamang ang nakarinig ngunit narinig din pala ni Exodus.
"Anong Sinabi mo!" Saad ni Exodus sabay sampla kay Lia.
"Exodus! Anong ginawa mo sa Pinsan mo! Wala kang karapatang saktan ang anak ko!
"Pasensya ka Tita, Wala rin syang Karapatang bastos bastusin ang Girlfriend ko! Ibato nyo lahat ng masasakit na salita sa akin Tatangapin ko! Pero wag na wag nyong maidamay damay si Lavinia!
Kami ang Biktima rito! Pero bakit parang kami pa ang may kasalanan!
Saka kung Nahihiya ka dahil Kamag anak mo ako, E Di Itanggi mo! Dahil yon din naman ang totoo eh.
Nag iinit na si XlEx ngunit sinaway na sya ni Tita Thelma,
"Tama na Exodus! Saad nito
"Talagang tama na Tita, Kung ako sayo putulin mo na yang sungay ng anak mo., ikaw din baka bandang huli ikaw rin ang suwagin nyan.!
Pagkasabi ni Ex noon ay agad nya na akong inakay palayo.
Rinig ko pa na sinasabihan ni Mommy Everly si Tita Thelma at Si Lia.
Pagkapasok sa kwarto ay naiyak na naman ako. Pero niyakap lang ako ni Ex hangang sa tumahan ako.
"Tahan na love, Ngayon lang to, Isipin mo bukas panibagong araw.
Wag mo nalang intindihin ang sinasabi nila. Marami lang talagang mapanghusga." Saad pa ni Ex sa akin habang patuloy akong inaamo hangang sa makatulog ako.
EXODUS
Naawa ako kay Doc, Sobrang stress na sya dahil sa pagkalat ng video namin sa ilan naming kaibigan at Kamag anak. Wala naman kami nakuhang pang hihiya sa mga kaibigan namin. Sa amin ang simpatya nila. Bakit nga ba kami Huhusgahan eh halos ang mga magkasintahan naman talaga ay ginagawa ang ganong bagay nagkataon lang talaga na may Walanghiyang Nag video sa amin.
Pero ang nakakainis ay ang iba mong kapamilya na imbes na uunawa sayo ay sya pa ang manghihiya. Kagaya nila Tita thelma at Lia. Silang mag Ina.
Nasampal ko si Lia dahil sa Sinabi nya kay Lavinia. Akala mo napakalinis. Akala mo naman talaga Legit na kamag anak.
Kung di lang ako hinarang ni Tita Thelma malamang nasabi ko na Na Ampon lang si Lia na wala naman kahit kapirasong duho na nag uugnay sa amin kaya wag syang umasta na apektado sya.
Hindi ko talaga sila Mapapalampas sa Ginawa nila kay Lavinia kaya nasampal ko sya.
Mahal na mahal ko si Lavinia, Hindi na bale na ako ang sumambot ng kahihiyan wag lamang sya. Sa sobrang pagod ay nakatulog sya habang umiiyak kanina, pero pinipilit ko syang amuin at patahanin.
"Mahal na Mahal Kita Hon, Pasasaan bat magiging ayos din ang lahat, Kakayanin ko lahat ng Panglalait at Panghuhusga Wag lamang ikaw." Saad ko dito saka sya hinalikan sa labi at sa noo.
Pinahid ko pa ang luha na nasa gilid ng kanyang mata.
Nang makatulog na sya ay tinabihan ko na rin sya sa pag tulog.
Sabay naming Haharapin ang Bukas.
Bagong Araw...Bagong Pag Asa at Walang Pangamba.