Nakaupo si Roman sa harap ng desk niya at nakatitig sa cellphone. Gabi na at oras na para umuwi. Subalit alam niyang bago maiuwi si Blair at muling maangkin, kailangan niyang tumawag sa ilang mga tao. At ang unang tawag na kaniyang gagawin ay maaaring ang pinakanakakakaba sa lahat. Sa totoo lang, marami na siyang dinaanang mahihirap na tawag — business deals, pakikipag- usap sa mga kakompentensiya, at kahit pa pagsara ng isang kumpanya. Pero iba ang gagawin niya ngayon. Hindi ito tungkol sa negosyo. Tungkol ito kay Blair. Huminga siya nang malalim habang binubuksan ang file ni Blair upang hanapin ang number na kailangan niya. Nang nakita na ito, agad niyang tinawagan ang numero. Sa pangalawang tunog ay sumagot ang may-ari ng kabilang linya. “Hello? Sutton speaking,” ang may halon

