Unti-unting nagising si Blair mula sa pagkakatulog. Bahagya siyang kumilos, ngunit napatigil nang maramdaman ang bigat ng katawan. Balot ng makapal na kumot, iniunat niya ang mga kamay. Dadako sana siyang maghihikab ngunit natigilan ng maramdaman na may nakatitig sa kaniya. Nang bumaling siya sa katabi, tumambad si Roman. Tahimik itong nagmamasid mula sa gilid ng kama. “Titig na titig ka,” reklamo ni Blair gamit ang paos na tinig. “You’re pretty when sleeping,” paliwanag ni Roman bago nagpakawala ng ngiti. Mabilis na umakyat ang init ng magkahalong kilig at hiya sa mga mukha ni Blair, kaya naman kinuha niya ang unan at tinakpan ang sarili. “That’s not fair,” reklamo pa niyang muli. “Mukha kaya akong sabog ngayon.” Malakas ang kutob niya na sa ngayon, magulo at gusot-gusot ang bu

