Nakatayo si Blair sa harap ng salamin. May halong kaba at determinasyon sa kaniyang mga mata habang inaayos niya ang kaniyang hikaw at naghahanda na sa posibleng mangyari sa mga sususnod na sandali. Ngayon ay ang engagement party nila Dan at Laura. At kahit anong mangyari, taas-noo niyang haharapin ang dapat harapin. Huminga siya ng malalim, pinagpatuloy ang pagmamasid sa sarili habang maririnig sa ibaba ang mahinang kaluskos at mga boses ng mga taong abala rin para sa pag-alis nila. Mula naman sa likuran, nandoon si Roman. Abala siya sa pagbubutones ng puting polo. Lumingon si Blair sa kaniya at pinagmasdan ang matipunong dibdib at braso ng lalaki. Halos bumabakat sa tela ang kaniyang matipunong pangangatawan. ‘Oh God!’ Nakakawala ng konsentrasyon ang ganitong tanawin! Kagat-l

