“Blair,” bati ni Peters bago pa man pihitin ang direksyon papunta sa opisina ni Roman. “Nandito ako para kay Roman.” Tumango si Blair at pinindot ang intercom. “Roman, nandito na si Peters.” “Pasok,” sagot ni Roman mula sa kabilang linya. Pinaraan niya si Peters at sinundan ng tingin habang tuluyan itong naglaho sa loob ng opisina. Ilang araw na rin na madalas itong nagpupunta kay Roman—at ramdam ni Blair na siguro’y may mas malalim na dahilan kung bakit. Bagama’t interesadong malaman, pinili niyang isantabi iyon at ibinalik ang pokus sa trabaho. Marami pa siyang iniisip, katulad nalang ng engagement party na mangyayari sa huli ng linggo. Sa loob ng opisina, ganito naman ang kaganapan: Nakasandal si Roman sa upuan habang matalim ang mga matang nakatitig sa kaniyang head of secur

