CHAPTER THIRTY-ONE – HAPPINESS AND MEMORIES “Dahan-dahan lang sa paglalakad, apo.” Sina Mark at Irvin ang nakahawak sa kanang braso niya, samantalang sina Tita Noraine kasama ang dalawang lola at lolo naman niya ang nasa kabila. “Ano ba kayo? Kaya ko naman pong maglakad nang mag-isa dahil nabaril po ako sa dibdib hindi sa paa.” Natatawa niyang wika sa mga ito. “Shhh. Mula ngayon ay bawal na sa pamamahay ko ang salitang iya.” Nakasimangot na sabi ni Aling Susan “Buksan niyo ang pinto, dali!” Si Irvin ang patakbong nauna para pagbuksan sila ng pinto. Pagpasok sa loob ay marahan siya ng mga itong inalalayan na maupo sa upuan. “Welcome home!” Halos mabingi siya sa lakas ng sigaw ng mga ito. Ngayon lang niya napansin na may malaking banner na gawa sa apat na pirasong cartolina na pi

