Mabilis na lumipas ang mga araw, dumating ang weekend kung saan inimbitahan silang mag lunch sa bahay ng mga magulang ni Lance, darating daw kasi ang kapatid ni Lance at asawa nito. Bagong kapamilya na naman ni Lance ang makikilala n'ya, ipakikilala na naman s'ya nito bilang nobya nito. Sa paglipas ng mga araw naging maganda naman ang takbo ng pagsasama nila ni Lance, although wala pa rin silang label nito, ganoon pa man masaya s'ya, nasisiyahan s'ya sa mga ginagawa nila. Walang gabing hindi s'ya inaangkin ni Lance ng paulit-ulit, at napapaubaya naman s'ya, dahil alam n'ya at sigurado na s'ya sa sarili n'ya na mahal na n'ya si Lance. "Let's go," anyaya ni Lance ng sumungaw ito sa pintuan ng silid nila. Nakabihis na rin ito casual lang pero ang lakas ng dating. S'ya man ay bihis na cream

