Kinagabihan kinailangan nilang umattend ng birthday ni Mr. Saavedra. Invited sila, isa pa nais ni Lance na pumunta para daw makita nito at makilala si Gael Saavedra, Alam n'yang tapos na ang ano mang issue nila ni Lance kay Gael. Naipaliwanag na n'ya ng husto rito kung ano ang nangyari sa kanila ni Gael noon. Sinigurado n'ya rito na wala itong dapat ikaselos kay Gael o kanino pang lalake. Dahil ito lang ang nasa puso n'ya wala ng iba. Kasaabay nila dumating ang mga magulang ni Lance sa building kung saan gaganapin ang kaarawan ni Mr. Saavedra. Naroon na rin ang mga magulang n'ya tanging ang Kuya Dylan lang n'ya ang wala. Hindi n'ya alam kung bakit wala ito. Baka dahil sa trabaho sa ospital. Matapos batiin si Mr. Saavedra pumuwesto sila ni Lance sa may dulo kung saan makikita lahat ng b

