"Magandang umaga po, yaya Flor," bati n'ya kay yaya Flor ng madatnan ito sa kusina. Naghahanda ng pagkain. "Magandang umaga Julia," nakangiting bati nito sa kanya. "Kumusta ang magandang buntis?" Tanong nito sa kanta ng makalapit s'ya rito. "Parang nararamdaman ko na po yaya ang pagbigat ng katawan ko at laging inaantok," nakasimangot na sagot n'ya. Tulad ngayon tanghali na kakabangon palang n'ya. Kanina pa marahil nasa asyenda si Lance at nagtatrabaho. Samantalang s'yang nakahiga pa at mahimbing na ang tulog. Daig pa ang prinsesa. "Ganyan talaga 'yan hija. Madali ka ng mapagod n'ya at lalakas kang kumain," sagot nito at niyaya na s'ya nitong kumain sa mga pagkain nakahanda sa mesa. Biglang kinalam ang sikmura n'ya at nakaramdam ng gutom ng makita ang ibat-ibang pagkaing nasa mesa.

