Naipanganak n'ya ang panganay nila ni Lance. Isang napakagandang supling na pingalanan nilang Olivia. Gaya ng gusto ng asawa na ipangalan rito. "Kamukha mo s'ya," nakangiting sabi ni Lance habang pinagmamasdan ang batang karga n'ya. "Napakaganda mo Olivia, manang, mana ka sa Mommy mo," bulong pa ng asawa sa natutulog na sanggol "Thank you, sweetheart, for enduring the pain. Wala man akong naitulog kanina para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. "Nawala naman lahat ng sakit ng makita ko si Olivia," nakangiting sagot n'ya. "I love you. I love you both," sabi nito at hinalikan s'ya sa noo. Maya-maya lang ay dumating ang mga magulang ni Lance at tuwang-tuwa ng masilayan si Olivia. Si Olivia ang unang babaing apo ng mga Sebastian. Lalaki kasi ang panganay nina Iya at Giovanni. Panay p
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


