Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Lalong naging masaya at matatag ang pagsasama nila ni Lance. Imbes na s'ya ang magasikaso sa asawa ay ito ang todo asikaso sa kanya. Lalo na sa pinagbubuntis n'ya wala s'yang hilingin na hindi agad naibibigay nito. Pati na ang pagtitiyaga nito sa mood n'yang paiba-iba minsan sweet s'ya, madalas mainit ang ulo n'ya, dala ng pagbabago sa kanyang katawan. Nag gain kasi s'ya ng weight. Kaya parang na i-insecure s'ya. Pero lagi naman sinasabi ni Lance na s'ya pa rin ang pinaka maganda, kahit tumaba pa daw s'ya ng tumaba. "Pwede ba tayong mag piknik sa asyenda?" Lambing n'ya isang umaga sa asawa. Habang nag-aalmusal na sila. Kabwanan na n'ya. Sabi ng OB n'ya ano mang oras maaari s'yang manganak. Kaya madalas pinagbabawala s'ya ng asawa na lumabas ng man

