"Maghanda ka na, pupunta lang ako saglit sa gulayan," paalam ni Lance sa kanya ng matapos na silang mag almusal. Naalala n'yang may dinner nga pala sila sa bahay ng mga magulang nito at mamimili muna sila nito. "Sige," tanging sagot n'ya. Kanina matapos ang mga nangyari sa kanila ni Lance sa silid ay naramdaman n'ya ang panlalamig nito, isama pang nasali sa usapan nila si Gael, nakakatuwa lang dahil ramdam n'yang selos na selos ito kay Gael. "Pupunta na muna ko sa gulayan," paalam nito at tumayo na mula sa pagkakaupo. Tiningala n'ya ito ng lumapit sa kanya. "See you later," sabi nito at hinalikan s'ya ng mabilis sa mga labi. Mabilis lang pero parang nakikipag karera ang dibdib n'ya sa bilis ng t***k. Sinundan n'ya ito ng tingin at napahawak pa sa mga labi at napangiti. "Wala na n

