Kinabukasan nagising s'yang may mabigat na nakadagan sa dibdib n'ya. Dahan-dahan s'yang nagmulat ng mga mata at nakita ang malakinv braso ni Lance na nakayakap sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata n'ya ng maramdaman ang mainit na hininga nitong sumisiksik sa leeg n'ya. Hindi n'ya alam kung kanina pa sila sa ganoong posisyon. Pasimple n'yang sinulyapan ang gwapong mukha nitong nakabaon sa leeg n'ya. Kahit tulog ito gwapo pa rin. Bumaba ang mga mata n'ya sa malaking braso nito na na halos nakadagan na sa kanyang dibdib. Napakagat labi pa s'ya napatingala sa kisame. Naka survived s'ya kagabi, natiis n'yang huwag mangalabit kay Lance. Ngayon kailangan na naman n'yang malampasan ang munting pagsubok na ito. Bumuntong hininga s'ya at dahan-dahang linapit ang kamay sa gwapong mukha nito. Masarap

