Dahil silang dalawang na lang ni Lance sa mansyon, s'ya na ang naghanda sa mesa para sa hapunan nila. Pakiramdam tuloy n'ya ganap na s'yang may bahay nito. Sa simpleng paghahanda ng pagkain para sa kanilang dalawa. Sabay silang kumain nito, habang kumakain topic nila si Claire at Raymond. Sinabi n'ya kay Lance na may abogado na s'yang kinuha para asikasuhin ang reklamo n'ya kay Raymond, para wala na itong ma manyak pang iba. Sinabi naman nito na dapat dati pa n'ya ginawa 'yon. Hindi lang naman n'ya nagawa dahil natakot s'yang mabuko agad nito. Tuwang-tuwa naman n'yang kinuwento ang ginawang pananampal kay Claire kanina sa sala. Hindi n'ya mapigilan ang pagtawa sa harapan ni Lance habang kinukwento ang itsura ni Claire habang sinasampal n'ya. Sinabi pa n'yang kulang pa 'yon dahil sa napa

