"Buntis ako Lance," ulit n'ya sabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Ngayon narito na sa harapan n'ya si Lance ay lalo s'yang naging emosyonal. Lalo s'yang naiiyak at naguguluhan ang isip. Unang-una bakit narito ito sa loob ng silid kung saan s'ya naka confine? Bakit kausap nito ang mga magulang n'ya? Anong pinag-uusapan ng mga ito bago s'ya nagising? Ang daming tanong na gumugulo sa isip n'ya. Pero nananaig ang mga sinabi ni Lance sa kanya na mahal s'ya nito, at handa nitong gawin ang lahat para sa kanya. "Julia," sambit nito sa pangalan n'ya at niyakap s'ya nito ng mahigpit. Hindi naman n'ya maiwasan na maiyak ng maiyak, habang yakap, yakap s'ya ni Lance. "I love you Julia, I love you," paulit-ulit na sabi nito sa kanya. Hindi s'ya sumasagot. Hindi n'ya alam ang isasagot rito, hindi

