"I am happy na ok na kayo ni baby," sabi n'ya kay Julia, habang tinatahak nila ang saan pauwi sa bahay ng mga ito. Kahapon matapos n'yang maka usap si Julia nalaman n'yang buntis ito, and no doubt s'ya ang ama, dahil s'ya lang ang lalake sa buhay nito. Kinatuwa n'ya agad ang balitang nagdadalang tao na ito. Bago pa man n'ya malaman ang tungkol sa pagbubuntis nito ay na alok na n'ya ito ng kasal. Desidido s'yang pakasalan si Julia, dahil sigurado na s'ya sa nararamdaman n'ya para rito. He can't live without her. Pumayag naman ito sa alok n'ya although hindi n'ya gusto ang mga naging dahilan nito sa pagpayag. Ganoon pa man hindi na muna s'ya nagtanong ang mahalaga ay maiuwi n'ya muli ng asyenda si Julia at magsama silang muli nito sa mansyon. Nakausap na rin n'ya ang mga magulang ni Juli

