Hindi pa rin s'ya padadala mga salita at mga ginagawa ni Lance sa kanya. Dahil kung gagawin n'ya 'yon aasa na naman s'ya at masasaktan. Mahal n'ya si Lance, nais lang n'ya itong maipakita sa kanya kung gaano katotoo ang mga sinasabi nito sa kanya, at hindi lang bata sa t'yan n'ya ang habol nito at lalong-lalong hindi ang katawan n'ya. "I am sorry baby kung papahirapan muna ng kaunti ni Mommy si Daddy," bulong n'ya sa flat na t'yan. "Nais lang ni Mommy na masiguro ang lahat para sa atin," dagdag n'ya. "I love you baby, mahal ka namin ni Daddy," napangiti s'ya sa sinabi sa t'yan. Sa bahay nila mag di-dinner si Lance kaya naman pinili n'yang mag ayos at ipakita kung gaano s'ya ka glamorosa. Habang nag-aayos may kumatok sa pintuan ng silid n'ya. Kumabog pa ang dibdib sa pag-aakalang si Lan

