“KUMAPIT KANG mabuti. Bibilisan ko lang dahil mukhang parating na ang ulan,” bilin ni Jed kay Mariella nang sumakay silang muli sa motorsiklo. “Patay! Malayo pa tayo sa amin, eh,” nagkakamot ang ulong sabi ni Mariella. “Kaya nga bibilisan kong magpatakbo,” katuwiran naman ni Jed. Ilang sandali pa ay binabagtas na nila ang kahabaan ng Boni Avenue. Ngunit ilang minuto pa lang sila sa kalsada ay nagsisimula nang umambon. “Kapit, Mariella!” pasigaw na utos ni Jed. Kung hindi lang niya inaalala ang dalagang kasama ay malamang patakbuhin niya ng mas mabilis pa ang motorsiklo. Ngunit mukhang wala na yata siyang choice dahil lumalakas na ang patak ng ulan. Binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Lagpas na ng isang daan ang takbo ng motorsiko. “Jed, ang bilis mong magpatakbo,” sumisigaw na sambit

