JOSHUA'S POV Lumipas ang magdamag. Nangalay na ako sa pagkakaupo sa sahig. Mabuti at nang naiihi na ako kaninang madaling araw ay pinagbigyan ako ng bantay. Hanga ako sa pulis na kasama ko. Napakataas ng kakayahan niyang pigilin pati ang pag-ihi n'ya at umarte pa siyang masakit ang tiyan kaya pansamantala siyang kinalagan ng mga tauhan nina Jane at Amanda para raw makatulog siya. Binigyan pa siya ng karton na higaan dahil hindi raw pwedeng mamatay ang isa sa amin. Tiyak raw na kamatayan din nila ang katumbas noon. Nang magbubukang liwayway na ay muling tinalian nila ang pulis na kasama ko. Nakangiti ito sa akin at wari bang sinasabi na, "Taktika lang iyan." Ang hindi niya alam, noong umihi ako ay kinausap ko ang lalaking kasama ko. Nakipag-negosasyon ako para kung ano man ang mangyar

