JIA'S POV Umaalis si Drey sa condo at iniwan ako kasama ang mga tauhan n'ya. Palaging ganoon ang ginagawa niya. Nagtataka man ako ay hindi ako nagtatanong. Ngunit dama ko ang pag-aalaga n'ya sa akin sa tuwing nasa condo siya. Madalas ko siyang mapansin na malungkot at walang kibo. Pinakiramdaman ko lang s'ya dahil ayokong makialam sa problema niya. Iniisip ko rin na baka isa ako sa mga suliranin n'ya. Isang araw ay bumalik siya sa condo. Pagpasok n'ya pa lang ay sinugod n'ya ako. Magkahalong galit at pagtatataka ang nadama ko ng niyakap n'ya ako ng ubod higpit. "I love you so much. I'm sorry," sabi n'ya. "Drey, sorry din. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa iyo. Sorry kung binalak kong gamitin ka para sa pangarap kong makaalis ng Miyac." "It's alright. Forget abou

