JIA'S POV Nasasaktan ako sa mga pagbabago ng kasintahan ko. Ang katarayan na meron ako dati ay parang tuluyang naglaho dahil hindi ko siya makompronta. Pinakikiramdaman ko lang si Joshua. Magkasama nga kami sa iisang bahay pero parang hindi niya ako nakikita dahil lagi na lang siyang nakaharap sa computer niya. Dahil sa ganoong sitwasyon kaya nagdesisyon akong umuwi ng Miyac. Malinis at maayos na ulit ang bahay namin ni nanay. Tahimik na rin ang buhay namin kaya ayoko na ang may bodyguard pa. Tumutol sina Uncle Simon at Uncle Fred. Gusto nila ay sa bahay na lang daw nila ako umuwi or kaya sa ibang properties na minana ko mula sa kanila at sa aking ama pero ako pa rin ang nasunod. Hindi ko sa kanila sinabi ang problema ko. Ang paliwanag ko lang ay masagwa na magkasama kami ni Joshua sa

