JIA'S POV Pagbalik ni Joshua mula sa kung saan ay tumuloy siya sa mini bar ng bahay niya. Nagkatinginan na lang kaming tatlo nina Mico at Harold. Inutusan ko ang dalawa na sundan si Joshua doon pero tumanggi ang dalawa kahit sinisiko ko na sila. Hinanap ko ang driver na kasama ni Joshua na umalis kanina. Kasunod ko sina Harold at Mico na gusto ring malaman kung ano ang nangyari. Nagtatakang hinarap naman kami ng driver na basang-basa ang damit. "Ano ang nangyari? Saan ba kayo galing, Mang Andy?" tanong ko sa driver. "Hindi ko rin po alam kung bakit nagagalit si sir. Galing po kami kina Sir Fred." Natutop ko ang aking bibig. Napalingon ako kina Harold at Mico na noon ay nakakunot na ang mga noo. Sa mga mata nila ay makikita rin ang malaking pagtataka. Pinilit ko ang dalawa naming

