JIA'S POV Nabalitaan ko ang sunog sa tindahan kaya mabilis akong pumunta roon kahit dalawa lang ang bodyguards na kasama ko dahil ang iba ay kasama ni Joshua at ang iba ay may kani-kaniyang ginagawa. Kung hindi pa nga humabol sa sasakyan ang dalawa ay baka kami lang ni Mang Andy ang umalis ng bahay. Hindi ko na naisip ang bilin ni Joshua sa akin na huwag akong umalis ng bahay nang walang bantay dahil ng mga oras na iyon ang tanging inaalala ko ay ang mga trabahador ko lalo na si Ve. Alam kong may electrical problem sa tindahan kaya nga nag-usap na kami ni Joshua na ipatawag ang papa ni Ve para gawin iyon lalo at magaling siyang electrical engineer noong kabataan n'ya pa. Balak namin siyang kunin bilang permamenteng tagapangalaga ng lahat ng tungkol sa electric. Habang nasa daan kami

