LABING TATLO

3121 Words
Kabanata 13 Pang-labing tatlo Hapon nang muli akong lumabas sa kwarto ko. Niyayaya ako ng tatlong magpipinsan na sumama sa kanila sa tambayan nila. Kahit hindi ko alam kung saan iyon ay nagbihis ako para sumama. Tutal wala naman din akong gagawin at baka maisipan ko lang umuwi agad sa Manila. Pinaalam na nila ako kay mama at papa na saktong dumalaw pala sa iba naming kamag-anak. Nasabi rin ni mama sa'kin kanina na itong bahay na tinutuluyan namin ngayon ay sa'min lang dahil inakala ko talaga noong una na sama sama kami dito. Sinalubong lang daw nila kami kaya nagsama sama ang lahat. Tinanong ko rin kung kaano ano ko si Adelena dahil sinabi nito sa'kin na hindi ko raw siya pinsan pero hindi na niya sinagot ang tungkol doon. Pagkababa ko sa hagdan, hinanap agad ng mata ko si Adelena. Kung umalis si mama at papa malamang naiwan kaming dalawa dito. Nasan kaya siya? "Lumabas labas ka naman, namumuti ka sa kwarto mo, e." biro ni Joven nang makalabas ako sa bahay. Magkakasama silang tatlo at mukhang hinihintay talaga ako. Nakasimpleng shorts at sando lang sila kaya naman humuhubog talaga ang magaganda nilang katawan. Nahiya naman akong nakasuot ng puting t-shirt at maong shorts kaya hindi tuloy makita ang muscle ko sa braso. Sayang! kung alam ko lang na magaganda ang katawan nila, sana nag-muscle shirt nalang ako.   "Saan ba tayo?" kaswal kong tanong habang sinasabayan ko ang mababagal nilang hakbang. Malamig ang hangin kaya mukhang masisiyahan ako nito sa paglalakad. Inakbayan ako ni Alven at binulungan. "Mangbababae." natatawa niyang usal habang inilalayo ako kay Joven. Tumawa nalang ako sa sinabi niya.  "Gago 'to! Puro ka babae, e." agad na nakahabol si Joven sa amin at binatukan ang pinsan. "Mag-isa ngayon si Adenela sa bahay niyo?" biglang singit ni Neil. Nilingon ko agad siya dahil sa tanong niya.  "Kilala mo?" namamangha kong tanong.  Pinagtawanan nila akong tatlo dahil sa naging reaksyon ko. Kinantyawan naman ng dalawa si Neil dahil sa hindi maitagong pamumula ng pisngi nito. Natawa nalang din ako dahil mukhang alam ko na ang dahilan ng pamumula niya.  "Bakit ikaw, hindi mo siya kilala?" ani Alven. "Ang hirap niyang kilalanin pero nagkausap naman na kami saglit ni Adelena."  "Adenela 'yon pre." pagtatama ni Neil.  "Adelena, Adenela, mukhang magkatunog naman." pagkikibit balikat ko. Nakakabulol naman kasi ang pangalan niya mas maganda nga ang Adelena, e. "Hindi pala natin siya pinsan?" bigla kong naitanong sa pagitan ng mga tawanan "Oo. Mas matanda siya sa'tin ng isang taon at matagal na rin siya diyan sa bahay niyo." pagkwekwento ni Joven.  Matanda pa pala siya sa amin pero mukha siyang mas bata tignan. Kunot noo ko naman silang tinignan. Kung sa amin siya nakatira, mag-isa lang siya doon kapag nasa Manila kami? "E, bakit siya nasa bahay? kasambahay ganon?" inosenteng tanong ko. Naguguluhan din ako sa babaeng iyon, kung sana mabilis siyang kausap edi sana wala na akong mga tanong ngayon. "Hindi. Pinatira siya doon ng papa mo, sa pagkakakwento ni mama sa amin, anak daw siya ng kaibigan at mag-isa lang siya." "Wala din siyang tatay?" tanong ko. "Wala na 'ata. Patay na rin ang mama niya." sagot ni Alven sa akin.  Tumango tango nalang ako dahil sa mga impormasyon na ibinibigay nila. Mag-isa nalang pala talaga siya kung ganon. Nakakamangha lang dahil kaya niyang tumayo sa sariling paa kahit walang nanay at tatay. Kinupkop siguro siya ni papa kaya pala mabuti ang pakikitungo niya kay Adelena. Malamang napilitan lang si mama sa desisyon ni papa dahil mukhang hindi sila ganoon nag-uusap ni Adelena. "Uyy may kaagaw na si Neil." pang-aasar ni Alven habang sinisiko siko si Neil na katabi niya. "Hala talo talo na!" kantyaw din ni Joven.  Agad akong umiling kay Neil na ngayon ay nakatingin sa akin. Nakangiti siya pero ang mata nito'y nanunuri. Pakiramdam ko ngayon pinagbabantaan niya ako. "Hindi, no! Ang sungit sungit ng babaeng iyon, e!" pag-iling ko. "Baka hindi mo pa nakikita kung gaano siya kabait." sabi ni Neil. Sumang-ayon sa kaniya ang dalawa kaya nag-kibit balikat ako.  Bakit sa'kin ang sungit niya? Lumiko kami sa isang kanto. May mga taong naroon sa labas at naghihiyawan. Nauna sila sa akin sa paglalakad kaya naman todo ang pagsunod ko. Biglang dumami kasi ang tao, mahirap nang maligaw lalo pa't hindi ko kabisado ang mga pasikot sikot.  Pumasok kami sa isang clubhouse na sobrang lawak. Sumabog agad sa pandinig ko ang malakasang patugtog sa loob at hiyawan ng mga tao. Bilog ang hugis ng bulwagan at makikita dito ang bawat pinto ng kwarto sa ikalawang palapag. Mula dito sa nilalakaran namin ay hindi ko na mabilang kung ilang billiard table ang nakahilera dito sa baba. Kaniya kaniya ang laro ng mga tao. Halo halo ang babae sa lalaki. May iilang grupo ng babae sa isang lamesa, meron din namang lalaki sa kabila. Ngayon ko lang rin napansin ang maliliit na round table at couch sa bawat naglalaro. May nagseserve ng mga inumin kung saan saan.  Nakakamangha dahil ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar. Para bang bar na bilyaran. Sa sobrang paglilibot ko ng tingin muntik ko nang makalimutan na hindi ako marunong maglaro ng billiards. Hindi man lang nila sinabi na ito pala ang pupuntahan namin.  Umakyat kami sa malapad na hagdan papunta sa ikalawang palapag. Nagpapasikip sa bawat daanan ang mga taong nakatambay mula sa itaas. May mga mahahabang sofa kasi sa labas ng mga kwarto. Nag-iiba iba pa ang kulay ng mga ilaw sa bawat pinto.  "Hi! bago ka rito?" nakasuot ng pulang tube at maikling shorts ang babaeng lumapit sa akin. Konting kibo't nalang lalabas na ang dibdib niya. Nag-iwas ako ng tingin. "Oo." tipid kong sagot. Tinanaw ko ang mga kasama kong nauuna. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa naman sila nakakalayo. "Sama ka sa'min ng mga kaibigan ko." pag-anyaya niya na agad kong inilingan.   "May kasama ako." aalis na sana ako para masundan sila Neil pero humarang pa siya lalo. Nagsimula akong mairita nang lalo pang dumami ang mga taong umakyat dahilan ng sobrang sikip sa daraanan. Tinanaw ko ulit ang mga kasama ko at napagtantong natabunan na sila ng mga tao. Lintek na! "Ipapakilala kita sa mga friends ko." nakangiti niyang sabi.  Hindi ko siya pinansin at akmang tatakasan siya pero biglang may nagtulakan sa gilid ko kaya naman napaurong ako papalapit sa babaeng humarang sa akin. Nagtaasan ang balahibo ko nang dumikit ang dibdib niya sa akin nang higitin niya pa ako lalo. "Miss, excuse me." naiirita kong tulak sa kaniya.  Bumungisngis siya at sinubukan pang hawakan ang braso ko pero naudlot ito nang may pumagitna sa amin. "Hindi ka ba makaintindi?" nakatalikod sa akin ang nagsasalita at nakaharap doon sa babae. Malamig ang boses niya na ikinataas ng kilay ng babaeng kausap. Hindi man siya humarap ay pamilyar na sa akin ang boses niyang ganyan. Hindi man kami matagal na magkasama pero nakabisado ko na ang hubog ng katawan niya. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at pantalon na hapit sa balingkinitan niyang hita.  "You don't freaking care girl!" pananaray sa kaniya ng babae. Akmang lalapitan siya nito kaya naalarma ako. Bago pa siya mahawakan ng babae ay nasalo na niya ang kamay nitong hihila sana sa buhok niya. "What the hell? Sino ka para hawakan ako?" pag-iinarte ng babae at nagpumiglas sa pagkakahawak sa kaniya. "At sino ka para hawakan siya?" matunog na sabi ni Adelena. Pinigilan ko ang matawa dahil pati ang babae sinagot niya ng tanong. Grabe! Wala ba siyang sasagutin ng matino? Napaawang ang labi ko nang balingan niya ako habang malamig ang tingin. "Bakit mo naman hinahayaang dikitan ka nito?" namangha ako sa pagkakairita ng boses niya. "Ano ba bitawan mo nga ako!" matinis ang boses ng babae habang patuloy na nagpupumiglas sa hawak ni Adelena. "Umalis ka na kapag binitawan kita baka hindi kita matantsa." bulong sa kaniya ni Adelena kaya naman nang bitawan siya nito ay agaran siyang nakisiksik sa mga tao. Pinasadahan ko ng tingin si Adelena nang maiwan kaming dalawa. Kunot noo ko siyang tinignan.  "Bakit ka naman nandito?" pagtataka ko. Ang akala ko pa naman nasa bahay lang siya. Hindi ko alam na pumupunta rin siya sa ganitong klaseng lugar. "Adel! Ang bilis mo namang maglakad!" nabaling pareho ang tingin namin sa dalawang babaeng nakikipagsiksikan para makalapit sa pwesto namin. Mga kaibigan niya siguro. "Woahh! Nanliligaw?" lingon ng isang babae sa akin. Maikli ang buhok niya, maitim ang kilay at may kaonting lip tint sa labi nito. Maganda rin siya sa katamtamang kulay at tamang hugis ng katawan. Inilingan lang siya ni Adelena.  "Sino bang kasama mo?" walang emosyong tanong ni Adelena matapos akong tignan. "Sina Joven kaso-" "Really? Papunta rin kami sa kanila ngayon!" masiglang sabi naman ng isa niyang kasama.  Nakatali ang may kulay niyang buhok, may kulay din ang labi niya pero mas doble iyon kumpara sa katabi niyang babae. Mukha siyang mataray kung titignan pero ngayong nagsalita siya ay mukhang hindi naman. Sa kanilang tatlo siya ang medyo malaki ang katawan pero nananatili ang magandang hubog nito. Isinama nila ako sa paglalakad tutal pareho lang naman ang pupuntahan namin. Sumabay lang ako sa kanila dahil hindi ko naman alam kung saan napunta ang tatlo. Hawak ako ng babaeng may kulay ang buhok sa kanang braso ko. Hindi naman ako umangal dahil mukhang hawak-kaibigan lang ang ginagawa niya at walang malisya. Ang isa niyang kaibigan ay nasa kaliwa ko habang may kinakalikot sa sariling cellphone nito. Nakasunod naman sa amin si Adelena at nang lingunin ko siya ay namataan kong nakatitig siya sa kamay ng kasama niya na nakahawak sa akin.  Ngumisi ako sa kaniya. Umangat ang tingin niya sa akin at agad na nag-iwas ng tingin.   Iginaya kami ng kaibigan niyang maikli ang buhok sa isang pinto. Siya na rin ang nagbukas nito at agad na bumungad sa amin ang tatlo. Nakahilig sa pinto si Neil at Alven samantalang umangat naman ang ulo ni Joven sa amin na halatang kagagaling lang sa pakikipag-chat sa phone niya. "Ja!" tawag niya sa isa sa mga kasama namin.  Nakangiti siyang dinaluhan ng babaeng maikli ang buhok na tinawag niyang Ja. Agad niya itong hinapit sa bewang at pinaupo katabi niya. So siya ang girlfriend niya? siya pala ang kachat ni Ja kanina. "Saan ka galing, Denz?" takang tanong nilang tatlo, halata ang pag-aalala. "Nandito ka din, Adenela?" singit ni Alven habang palihim na sinisiko ang nananahimik na si Neil. "Naharangan lang ako ng mga tao kaya hindi ko kayo nasundan." pagsisinungaling ko. Mula sa likod ko rinig ko ang mahinang singhal ni Adelena. "Sinama na namin si Adel para girl power, 4 vs. 3." sabi ng may kulay ang buhok habang sinusulyapan si Neil at halatang inaasar.  "Magkakakilala na kayo?" ani Joven. Umiling ako. "Kung ganon, Denz, si Ja." nginuso niya ang katabi. "Girlfriend ko." nakangiti niyang pakilala. Bagay sila. Matamis na ngiti ang pinakita sa akin ni Ja habang maliit na kumaway sa gawi ko. "Ikaw pala si Denzill." tango tangong sabi niya. "I'm Isabel! Isa nalang for short." pakilala naman sa akin ng babaeng may kulay ang buhok. Tumango ako at inabot ang kamay niyang nakalahad para makipagkamay. Gusto ko sanang sabihing bagay sila ng kaibigan kong si Uno. Isa at Uno.  "Denzill." pakilala ko sa sarili. Nginitian niya rin ako at nginuso si Adelena. "Magkakilala na kayo?" natatawang tanong niya. Ngumiti ako habang tumatango. "Kasama ko siya sa bahay." sagot ko. Nanlaki naman ang mata niya na parang hindi makapaniwala. "Omyghad! Live in kayo?" gulat niyang tanong. "Isa, anak siya ng tito ni Adel." biglang singit ni Neil. Halatang pinapaliwanag ang lahat ng naiisip ni Isabel. "Joke lang, e. Hinihintay ko lang reaksyon mo, Neil." tumatawang sabi niya. Inaasar niya talaga ang pinakabata sa amin. "Pahinga muna, upo kayo." sabi ni Joven.  Ngayon ko lang naigala ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Sa bungad ng pinto ay may mahabang sofa na ngayon ay pinaguupuan namin. May dalawang couch din na pinag-pwepwestohan ni Neil at Alven. Sa gitna ay may round table kagaya ng mga nakita ko sa baba.  Mas malamig dito kumpara sa baba. Naglalaro sa dilaw at puti ang kulay ng kabuuan ng kwarto. May TV din at karaoke. Ngayon ko lang napansin ang billiard table na nasa dulo at sa tapat nito ay ang hilera ng mga tako. Iba't ibang kulay ang naroon kaya ang ganda tignan. "Hindi ako marunong maglaro." bulgar ko. Tinapik ako ni Joven at sumenyas na siya ang bahala sa akin. "Kami bahala pre." tango sa'kin ni Alven. Nagkayayaan kaming magpahinga muna. Binuksan nila ang TV at nag-set up ng videoke doon. Nanguna sa pagkanta si Ja at naglakas ng loob tumayo dahil sa utos ng boyfriend nito. Kahit nahihiya ay maganda ang kinalabasan ng boses niya. Swabe at mahinahon lang. Minsa'y nagkakatinginan pa sila ni Joven na todo ang suporta sa pagkanta niya. Sumunod sa kaniya si Isa, maganda rin ang boses niya. Hindi tulad kay Ja, mas mataas ang boses nito at nakakabirit. Paulit-ulit nilang niyaya ang kaibigan nilang si Adelena ngunit paulit ulit rin ang pagtanggi nito.  "Kumanta ka na kasi." pagsali ko sa kanila. Natigilan naman silang tatlo at nilingon ako matapos kong magsalita. Umaktong kinikilig si Isa at Ja para sa kaibigang walang emosyon. "Bakit hindi ikaw ang kumanta?" sagot ni Adelena sa'kin. "E, ikaw nga ang niyayaya nila." turo ko sa dalawang kaibigan. "Paano kapag ako ang magyaya sa'yo?" tanong niya ulit. Mariin akong pumikit para mahabaan ang pasensya ko sa mga sagot niya. "Yieee! Duet daw kayooo!" pang-aasar nila Isa sa amin. "Duet!" "Duet!" "Duet!"  Napuno ng kantyawan nila Ja at Isa ang buong kwarto. Nagtatatalon pa sila habang pinapaulit ulit ang sinasabi.  "Ako nalang." natigilan sila nang tumayo si Neil at kinuha ang mikropono sa dalawa. Ang isa ay hawak niya samantalang inabot naman niya kay Adelena ang isa pa. "Duet tayo." nahihiyang sabi niya rito.  Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang iritasyon ko. Naikunot ko ang noo ko nang mabilis na tinanggap ni Adelena ang inaabot sa kaniyang mikropono. Hindi man lang tumanggi huh? Nagtilian ang dalawang babae dahil sa nangyari. Kung ano ano rin ang sinabi nila Joven at Alven sa kaibigan. Mataman kong tinignan si Adelena na ngayon ay nananatili ang normal na ekspresyon. Nagtama ang tingin namin kaya naman hindi ako nagdalawang isip na taasan niya ng kilay. Agad namang kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Naibagsak ko ang katawan lalo sa inuupuan nang tumugtog ang intro ng kanta. Ikaw at Ako by Moira Dela Torre pa talaga ang napili ni Neil. Nanliit ako sa kinauupuan ko nang marinig ang maganda niyang boses. Malamig sa pandinig at lalaking lalaki. Unang linya palang sa kanta ay agad silang naghiyawan. Naalala ko nga palang nagbabanda sila kasama ang sariling grupo. Namumula ang pisngi niya habang sumusulyap kay Adelena. Sus! Matapos ang unang koro ng kanta, pinanood ko kung paano itaas ni Adelena ang mikropono kalebel ng labi niya. Kakanta talaga siya? Nainguso ko bigla ang labi ko nang marinig siya. Hindi man ako napahiyaw kagaya nila pero hindi ko napigilan ang pag-awang ng sariling labi at paunlakan siya ng simpleng palakpak. Mas maganda ang boses niya kumpara sa dalawang babaeng nauna. Nanatili ang titig ko sa kaniya, hindi siya lumilingon sa kung sino dahil tutok na tutok sa screen ang tingin niya. Minsan ay naaabutan ko pa siyang pumipikit kapag tumataas ang nota at lalo pa itong gumaganda sa pandinig ko. Pakiramdam ko napupuno ang silid ng boses niya. Hindi ko alam kung bakit gusto kong pumikit at damahin ang mga salitang binibigkas niya. "Ang ganda talaga ng boses mo." nawala agad ng iniisip ko nang bigkasin iyon ni Neil sa mikropono niya. Patuloy ang pang-aasar nila sa dalawa at hindi ko alam kung paano makikisali doon. "Type mo?" siniko ako ni Isa habang nakanguso sa kaibigan niyang kumakanta. Umiling ako. Si Jancell ang gusto ko.   "Sungit, e." natatawang sabi ko. "Paano kapag hindi masungit, type mo na?" pang-iintriga niya pa.  Umiling ulit ako. Siguro kung wala si Jancell, baka.  "May nililigawan ako sa Manila." ani ko. Ngumuso siya at naibaba ang balikat. Mukhang nadismaya sa sinabi ko. "Sayang! Bagay kayo." paniningkit ng mata niya. Tumawa ako at umiling nalang. Hindi nga kami magkasundo niyan dahil ang hirap kausapin. Natapos nilang kumanta ay lalong inasar si Neil dahil sa mas malalang pamumula niya. Hindi sila bagay! 16 siya at 19 na si Adelena. Mabuti kung kasing edad ko siya dahil isang taon lang ang pagitan ng edad kaso hindi. Hindi siya babagay sa pinsan ko.  Matapos ng maikling kantahan ay may pumasok na server. May dala siyang tray at nakalagay ang iba't ibang pagkain. Akala ko may alak silang inorder, softdrinks lang pala. Mabuti naman at hindi sila palainom.  Tinuruan nila akong magbilliards. Si Joven ang halos na nagsasalita dahil siya daw ang magaling dito. Pansin kong ako lang ang tinuturuan nila kaya napaisip akong marunong siguro si Adelena maglaro nito.  Apat kaming lalaki ang magkakakampi habang kalaban namin ang tatlong babae. Naisip ko pang baka lugi sila dahil apat kami at sila'y tatlo lang pero naisip kong hindi naman ako marunong dito kaya parang pantay na rin. Unang tira ay sa amin. Si Neil ang pumwesto sa pato, saglit pa siyang umikot sa lamesa bago tusukin ang bola at mahulog ito sa butas.  Sumunod ako at napahiya dahil pagkagalaw ko sa bola ko ay inilagan lang iyon ng pamato at bahagya pang tumalon sa lamesa. Nagtawanan naman silang lahat kaya wala akong ibang nagawa kung hindi pamakamot sa batok. Nagulo ko pa ang ayos ng mga bola. Lintek! Mapapahiya talaga ako nito. Tinapik ako nila Alven sa balikat at binulungan na maganda ang ginawa ko. Ni hindi nga ako nakapaghulog ng bola kumapara kay Joven na isang tira lang dalawa agad ang puntos. Sunod na titira ay si Adelena. Pinalakas ng mga kaibigan ang loob niya nang makitang walang ibang mapapasukan ang bola nila. Naiharang ko kasi kanina ang mga bola namin nang magulo ko ang ayos. Mabuti nalang ganon ang ginawa ko para hindi sila makapuntos. Literal na napanganga ako sa bilis ng ginawa niya. Isinentro niya lang sa gitna ang direksyon ng puting bola at natamaan nito ang bola nila na tumama pa sa idalawang bola kaya naapektuhan ang dalawang bolang sumakto sa butas at nahulog. Pumalakpak sa tuwa ang dalawa niyang kakampi.  "Walang kupas, Adel!" sabi ni Ja habang nagtatalon sila sa tuwa ni Isabel. Nilingon ko ang mga lalaki. Nakangiting nagkibit balikat si Joven habang ang dalawa ay nakatayo't pumapalakpak din.  Bukod sa masungit siya, ano pa ang iba kong maipipintas sa kaniya? Nag-angat ako ng tingin at saktong nagtama ang tingin namin. Naikunot ko ang noo ko nang makita ang walang emosyon niyang mukha habang umiiling iling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD