“Nandito na sila” sigaw ni Vince “Wag kang sumigaw, baka magising mo yung iba” saway dito ni Mei “Sorry” anito na napakamot na lang ng ulo Sumalubong naman si Mr. Grey sa kanila “Mr. Wilkes, sila na po ba ang makakatulong sa atin” tanong nito “Wala kaming mahanap na Doctor dahil sa kabilang bayan ang mga malapit na ospital, si Mang Amboy isa siyang albolaryo dito” paliwang niya “Nasaan ang pasyente?” tanong ng matanda Sakto namang labas ni Ms. Janet “Dito po, sumunod po kayo sa akin” Pagpasok nila sa kwarto ay nalinisan at nabihisan na nila si Miles, pero kahit wala pa rin itong malay ay bakas sa mukha nito ang sakit na nadarama, pamisan minsan ay maririnig itong umuungol kahit nakapikit, dahil siguro sa sakit na nararamdaman “kung ganoon, lumabas na muna kayo, maiwan ang dalawang babae dito sa loob at isang lalaki upang makatulong ko” ani ng matanda “Ako at si Shun na lng dito, lumabas na ang iba sa inyo” ani Ms. Janet “Okay ako na lang ang tutulong sa inyo” ani Lance “Mr. Lance mas mabuti pang magpalit ka na lang po ng damit dahil basang basa ka po, baka kung mapaano ka pa, ako na lang ang maiiwan dito para tumulong.” Ani Grey sa kanya “No, okay lang ako, mamaya na ako magbibihis” aniya “Ah! Guys siguro nga na si Mr. Lance na lng ang maiwan dito, kasi mukhang kwarto niya ito, nandito din kasi mga gamit niya.” Ani ni Cel sabay turo sa mga gamit na nalagay gilid, dahil sa pagmamadali nila ay hindi nila napansin na sa kwarto nito sila pumasok “Sige kung ganoon” aniya “Okay guys, magsilabas na tayo, Andrei mag magbihis ka na din”. Ani Grey dito Nagsimula na ang matanda sa pagaasikaso sa gagamitin, napasin din niya ang pagtitig nito kay Miles, naka kunot ang nuo nito na at paminsan-minsan ay tumitigil sa ginagawa Nagtataka naman siya kung bakit ito ganito, pero hindi na lang niya gaanong pinansin “Iho tulungan mo ako maidapa siya” utos nito sa kanya Lumapit siya ka Miles at dahan-dahan niya ito dinapa, nakita niyang nagsindi ng kanila ang matanda at may nilabas na kulay brown na maliit na bote “Ano po iyan?” tanong niya dito Napangiti naman ito sa tanong niya “Wag kang magalala iho, langis lang itong hawak ko, pwede mo bang itaas ang kanyang damit” anito sa kanya “Huh, a.. eh..” hindi niya alam ang sasabihin dahil nagulat siya sanabi nito at tumingin na lang siya sa dalawang babae na kasama nila “Ako na lang po” ani Shun ng makita ang mukha ng lalaki na namula at tinaas niya ang damit ni Miles, nakita niya rin na tumalikod ito “hehehe.. mahiyain ka pala iho.” Biro ng matanda sa kanya, na kinatawa naman ng dawalang babae “Oh my God! Kawawa naman ang kaibingan ko”. Narinig niyang sabi nito “tsk.. tsk” sabi ng matanda kaya naman limingon na rin siya paharap Nakita niya ang mga mapupula sa likod ni Miles na bakat ng mga ugat ng puno kung saan siya tumama, may iba na rin ang medyo na ngingitim na, nahabag ang puso niya sa nakitang kalagayan ng dalaga Sinimulan ng matanda na maglagay ng lagis sa palad nito at nilapit sa kandila, na parang pinapaiinit nito ang kamay na may langis, at dahan-dahang hinilot sa likod ni Miles Narinig pa nila na bahagyang napapa ungol ang dalaga, marahil ay sobrang nasasaktan ito Maya maya pa ay, tinaas ng matanda ang panjama na suot nito sa bandang paa, at tumambad sa kanila ang medyo na mamaga na din nitong paa na naipit kanina sa mga ugat ng puno Sobrang nasasaktan siya sa nakikita kalagayan ng dalaga pero hindi niya pinahalata sa mga kasama Napapailing na lamang ng makita niya ang matanda, hinawakan din nito ang paa ni Miles at bahagyang ginalaw galaw Napa-buntong hininga ito at tumingin sa kanila “Pasalamat kayo at walang nabaling buto sa kanya, dahil kung hindi mahihirapn tayong itawid siya sa kabilang bayan sa panahon ngayon” anito “Pero ang paa niya mukhang naipitan ng ugat, ngunit hindi ko ito pwedeng hilutin dahil sobrang namamaga ito, mahihirapan ako at kung pipilitin ko baka lalo lang mabugbog ang paa nya” dagdag pa nito Tumayo ito at lumabas, tinawag nito si Bert at may pinakuhang mga halaman dito “Kung ganoon ano ang pwede namin gawin?” tanong niya dito “sa ngayon kailangan natin pawala ang pamamaga ng likod at paa niya, iwasan din muna natin na gumalaw galaw siya, nakita ko din kasi na mas malaki ang pasa niya sa bandang balakang niya” anito sa kanila “Hintayin natin ang pagbalik ni bert dahil may pinkuha ako sa kanya” dagdag ng matanda sa kanila “Ano po ba ang pinkuha ninyo” taong Shun “isang halaman iyon na madalas namin gamitin dito sa lugar, iyon din ang halaman na madalas kong ibigay sa mga nagpapagamot sa akin para pampawala ng pamamaga” anito sa kanila “Mr. Lance mabuti pa ay maligo ka na po at ng makapagbihis ka na” wika ni Janet sa kanya “Mabuti pa nga po, habang naghihintay tayo, Lo tayo po muna sa labas at ng makakin din kayo may niluto po ang mga kasamahan ko, Mr.Lance lumabas na lang din po kayo upang makakain na din pagkatapos niyo magbihis” baling ni Shun sa kanya “Sige, susunod na lang ako sa inyo”aniya Nakalabas na ang mga ito pero hindi pa rin siya nagaasikaso at nakatayo pa rin siya malapit sa nakadapang dalaga Nakatingin siya sa mga pasa nito sa likod, naawa siya dito pero wala naman siyang magawa Hay!!! Napabutong hininga na lang siya at naglakad na patungo sa banyo upang maglinis ng katawan Lumabas siyang tanging tuwalya lang ang suot niya nakapalupot ito sa kanyang bewang dahil hindi siya nakapagdala ng damit kakaisip sa sitwasyon ng dalaga Nang mapatigil siya sa paglalakad dahil nakita niyang nakadilat ang dalaga at nakatingin sa kanya Hindi niya malaman ang gagawin kung lalapit o papasok muli sa banyo, nang akma siyang tatalikod ay nagsalita ito “Landro” anito paulit ulit ito sa pagbanggit sa pangalang iyon Lumapit siya dito, at itinaas naman nito ang kamay sa kanya, hindi niya alam ang gusto nitong mangyari kung kaya’t hinawakan niya ito, ngumiti lang ito at unti-unti na rin itong pumikit, hinayaan na lang niya itong magtulog muli Nagbihis na siya agad dahil baka mamaya ay pumasok na rin ang mga kasama Toktok... toktok... Narinig niyang katok sa pinto, nang buksan niya ay si Mr. Grey, maydala itong pagkain “Excuse me Sir dinalan na lamang kita ng makakain dahil hindi ka lumabas” anito sa kanya Kasunod nito ang matanda at sa likod nito ay si Shun at Janet “Sige, salamat ilagay mo na lang siguro dyan sa table ko mamaya ko na lng iyan kakainin” aniya “Sir bumalik na si bert dala na ang kailangan na halamang gamot” ani Shun Muli ay pumasok ang matanda sa kwarto upang ituloy ang panggagamot nito Dinikdiknito ang halaman at itinapal sa namamagang paa ni Miles at tinalian ito Naglagay ito ng langis sa dahon at dinarang sa kandila at tinapal sa likod nito, at muli ay tinaliaan ito. “nakita niyo ba kung papaano ang aking ginawa, gagawin ninyo iyan lagi makalipas ang tatlong oras, ang langis at dahon makakatulong kahit papaano sa pagkawala ng maga” anito na nakatingin sa kanila “Pag hindi na gaano namamaga ang kanyang paa saka na lamang natin hilutin, babalik na lamang ako” anito sa kanila “O papaano mauuna na ako sainyo, tawagin nyo na lamang ako” dagdag pa nito “Sige po maraming salamat po” aniya dito “Samahan ko na po kayo palabas” ani Grey sa matanda “Grey ikaw na ang bahala sa kanila” utos ko sa lalaki “Ako nang bahala sir, anito at ginaya na palabas ang dalawa “kung ganoon ako na lang ang magbabantay kang Miles” ani Shun sa kanila