“Sir pasensya na po kayo ah! Sobrang na abala na po namin kayo” ani Shun sa kanya
“There’s nothing to worry about” aniya “at isa pa you are all part of this company project, and all of you are under my protection”aniya dito
“aah! What do you mean by that sir” anito na bumilog ang mata “ibig po bang sabihin ikaw po ang bagong CEO?” anito na nakatakip pa ang kamay sa bibig nito
Napakunot noo naman niya itong tiningnan, hindi ba nito alam
“Yes of course, don’t you all know?” tanong niya dito
“No Sir, wala pong nakapagsabi sa amin, ang alam lang po namin ay kasama kayo sa project na ito pero hindi po namin alam na kayo po ang CEO mismo” paliwanag nito
Ngayon ay alam na niya kung bakit ganon na lang ang turing ng babaeng nakahiga sa kanya, kung sungitan siya ay ganon na lamang, napangiti at napailing na lamang siya sa naisip
“Sorry po sir... sorry po hindi namin alam, sasabihan ko na lang po ang mga kasamahan ko” anito sa kanya
“No just let it be, mas okay na wala silang alam tungkol sa akin, para na rin makilala ko din ang bawat isa” aniya dito
Mas gusto na rin nya na walang nakakaalam upang makalapit siya sa dalaga ng hindi ito na iilang dahil siya ang CEO
“Excuse Sir” ani Shun sa kanya
“papalipatin ko na lang po dito si Cel, doon na lang po kayo sa kwarto namin, para makapag mahinga na din po kayo” anito sa kanya
“No, it’s okay, bumalik ka na rin sa kuwarto mo at magpahinga, ako na ang bahala dito” sabi niya dito
“Pero sir ang laking abala na po nito sa inyo, ako na po ang bahala kay Miles, hindi nyo na po kailangan na bantayan siya, sobrang nakakahiya na po”
“I said it’s okay, hindi din naman ako makatulog, saka mukha mahimbing naman siya” aniya dito at tumingin sa dalaga
“pero sir..”
“no more buts” putol niya sasabihin pa nito
“As I said, hindi din ako makakatulog, saka gagawa din ako ng reports, mas mabuti pa siguro na ikuha mo na lamang ako ng extra mahihigaan, in case na maisipan ko mahiga” utos niya dito
“sige po sir” anito at lumabas na din agad
Lumapit siya sa dalaga at inayos ang kumot nito, sinalat niya din ang ito sa noo kung mataas pa rin ang lagnat nito
Kinuha niya ang basang bimpo sa table upang palitan ang nasa noo nito dahil hindi pa rin bumababa ang lagnat nito
Maya-maya pa’y narinig na niya ang katok sa pinto, pagbukas niya ay si Shun ito dala ang sapin at unan
“Sir dito ko na lng po ito ilatag malapit sa kama” anito sa kanya at inayos na nito dito
Hindi ganoon kalaki ang kuwarto kaya walang gaano ispasyo doon, tinanguan nya lamang ito
“sir kung may kailangan pa po kayo kumatok lang po kayo sa kabilang kuwarto” anito at lumabas na din
nang matapos sa ginagawa ay pinatay na niya ang kanyang laptop, buti na lamang at hindi nawala ng kuryente sa lugar, malakas pa rin ang hangin at ulan sa labas, mukhang matatagalan pa bago makaalis ang bagyo
Tumayo na siya at lumapit sa dalaga, umupo siya sa lapag tapat ng mukha nito, at pinagmasdan ang maamo nitong mukha, napapangiti siya habang pinagmamasdan ang dalaga
Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kakaibang saya sa tuwing pagmamasdan niya ito, parang nakakagaan lang sa kanyang pakiramdam, hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa maganda nito mukha
Mabini ang paghinga nito, hindi niya namalayan na hinahaplos na niya ang mukha ng dalaga, bahagya itong napaungol kung kaya’t tinigil niya ang ginagawa, kahit gusto pa niyang haplusin ang mukha nito ay pinigil niya ang sarili dahil ayaw niya itong magising
Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kama at ihinilig ang kanyang ulo dito katapat ng mukha ng dalaga at pinaka titigan ito
“hindi ko alam bakit lagi mo na lang akong pinag-aalala ng ganito” bulong niya habang nakatitig dito
Kinintalan niya ng halik ito sa pisngi “see you in my dreams” nakangiti niyang bulong dito.
Hindi nagtagal ay tuluyan na rin siyang iginupo ng antok, nakatulog siya sa ganoong posisyon
***
Muli ay nagising si Miles sa kakaibang lugar na iyon, ngunit hindi na siya kagaya ng una, ngayon ay kalmado na siya alam na niya na gagawin
Nagising siyang wala ang lalaki sa tabi niya, lumabas siya ng silid ngunit mag isa lang siya sa bahay
Tinawag niya ang lalaki dahil baka nasa paligid lamang ito
“Landro... landro” mahinang tawag niya ngunit walang sumasagot, nakailang tawag pa ulit siya ngunit wala talaga ang lalaki, kaya na isip niya na lumabas ng bahay at hanapin ito
Hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niyang may tumatawag sa kanya
“Binibini, sandali” tawag ng isang babae sa kanya, paglingon niya ay si Salome
“Saan po ang punta ninyo” tanong nito
“Ah! Pagising kayo kasi ay magisa lang ako sa bahay kaya naisipan ko lumabas” aniya dito dahil nahihiya siya itanong dito kung nasaan ang lalaki
Nakita naman niya ang pagtataka nito
“Wala ang pinuno?” tanong nito sa kanya at umiling na lamang siya dito
“Marahil ay nagpunta iyo sa gubat upang mangaso, kung gayon ay sumama ka na lamang sa akin” anito na hinila siya sa kamay
Sumunod na lamang siya dito, upang malaman na din niya kung ano ang nasa paligid niya
“siguradong gising narin si Maria, sobrang nanabik na iyon sa iyo” anito habang nakangiti sa kanya
Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa mas maraming kabahayan, nagtaka siya kung bakit ang bahay na ninutuluyan niya sa lugar na iyon ay medyo malayo sa karamihan
Nang makita siya ng mga tao ay mga nakangiti itong lumapit sa kanila, kinakamusta siya at ang pakiramdam niya
Narinig pa niya ang tanong ng isang ale kay Salome
“kamusta na ang lagay nya, wala pa rin ba siyang maalala” ani ng ginang
“ganon pa din po, kaya kung maari ay iwasan muna natin ang magbanggit ng kung ano ano sa kanya, maano ba’t gagaling din siya” tugon ni Salome
“nakakaawang bata, hangad ko ang mabilisan niyang paggaling” ani ng isang pang matandang babae
Nagtataka naman siya kung bakit ganito ang usapan ng mga tao tungkol sa kanya, gusto man niyang magtanong ay pinigil muna niya ang sarili
“Ate Minda... lola.. kamasa ko si Ate Mila” tawag nito sa mga kasamahan
Pagpasok nila sa loob ng bahay nakita niyang mga nakangiti ito sa kanya
“oh! Salome, kasama mo sa Mila” ani Minda nahawak ang batang si Maria
“Iha halika at maupo ka”
“nakita ko siya na naglalakad, wala si pinuno ng magising siya kaya niyaya ko siya dito” paliwang ni salome sa mga ito
“e saan naman kaya nagpunta ang batang iyon at iniwan kang maisa, alam naman niya ang sitwasyon mo” ani ng matanda
Hindi na siya nakatiis at tinanong na niya ang kanina pa niya gustong itanong
“Pwede ho bang magtanong, naguguluhan po kasi ako”bungad niyang tanong sa mga ito
“ano ho bang nangyayari, bakit sinasabi ninyo na may sakit ako” tanong niya
Nabakas ang kalungkutan sa mukha ng mga ito at ni isa ay mukhang ayaw sagutin ang tanong niya
Magsasalita sana siyang muli, ng magsalita ang matanda
“anak, sa katunayan niyan ay hindi namin alam ang buong pangyayari kung ano ang nangyari sa iyo dahil noong panahon na iyon ay si Landro ang iyong kasama” ani ng matanda
“Nang araw na iyon ang buong tribo ay abala sa pagbaba dito sa kapatagan, ikaw at ang pinuno ay naiwan sa bundok, ilang araw pa kayong nanatili duon habang ang lahat ay nadirito na, nagulat na lang ang lahat isang araw na humahangos pababa ang pipuno habang buhat buhat ka niya.” Ani Minda
“sabrang nagalala ang buong tribo, dahil nung araw na iyon, kitang kita ng lahat ang sobrang galit sa mata niya, walang gustong magtanong sa ng nangyari, lahat ay nagalala sayo at sa pinuno, ilang araw din ayaw magsalita ng pinuno sa kung anong nangyari sa inyo sa pananatili ninyo sa budok, galit at sinisisi niya ang kanyang sarili lalo na sa pagkawala niya” malungkot na tinig ni Minda
“pagkawala nino?” hindi nito natuloy ang sasabihin dahil pinigilan ito ni Salome
“Sobrang natakot kame dahil ang tagal mo bago magising, pero ngayon, masaya kame at si pinuno sobrang saya niya nakikita namin iyon, salamat at bumalik ka na sa amin” nangingilid ang luhang turan ni Salome
“gaano ako katagal na walang malay?” tanong nya sa mga ito
“dalawang bilog na buwan bago ka nagising, hindi umalis ang pinuno sa tabi mo, inalagaan ka niya ng sobra” ani ng nakangiting si salome
“ano ko ba ang pinuno nyo?” tanong ulit niya sa mga ito
Nagkatinginan naman angtatlo at sabay na napangiti
“Iha ang mabuti pa ay sa kanya mo na lang itanong yan, ano man ang mga tanong sa iyong isipan tanging siya lamang ang makakasagot” nakangiting turan ng matanda
Iyon na nga siguro ang mabuti niyang gawin, bago siya magpaalam sa mga ito ay, kunuha at niyakap muna niya ang batang si Maria dahil sobrang nasasabik siya sa bata at sobrang cute din nito,nakakagigil, hinagkan niya ang bata bago tuluyang nagpaalam na babalik na sa bahay niya