Pagpasok niya ng bahay ay nakita niya ang lalaki na nakaupo sa harap ng lamesa at nakasalo ang dalawang kamay nito sa mukha, pag kakita nito sa kanya ay para itong nabuhayan ng loob at kaagad itong lumapit at niyakap siya ng mahigpit
Pagdating ni Landro sa bahay dala ang mga prutas na nakuha sa gubat ng mapansin niya na wala ng babae sa loob ng bahay
Sobrang nakaramdam siya ng takot nang-isiping tumakas itong muli, lumabas siya upang hanapin ito magpupunta sana siya tribo upang tingnan kung nandoon ito, ngunit napatigil siya
Dahil kung ito ay nandon ay wala siyang dapat na ipagalala, pero papaano kung sa ibang direksyon ito ng gubat nagpunta? kaya patakbong nagtungo ito doon hindi na niya pinansinang tawag ng mga tao sa kanya
Halos padilim na ay hindi pa rin niya ito matagpuan, kaya mas minabuti niya na bumalik sa bahay baka sakaling bumalik ito doon ngunit pagbalik niya ay wala pa rin ito
Laglag ang balikat ng umupo siya sa tapat ng mesa, umisikip ang dibdib sa isiping baka muli itong mawala sakanya piling, hindi na niya iyon kakayanin pa ng marinig niya ang pagbukas ng pinto
Pag tingin niya bumungad dito ang babae na kanina pa niya hinahanap, parang sasabog ang puso niya at hindi maintindihan ang nararamdamang saya ng makita ito, kung kaya’t hindi na niya napigilan ang sarili na yakapin ito
“Saan ka ba nagpunta, kanina pa ako naghahanap sayo, sabrang nagaalala ako nang hindi kita maabutan dito sa bahay” halos maiyak niyang tanong dito
“lumabas ako kasi hindi kita nakita paggising ko kanina, nang lumabas ako nakita ko sa Salome at sinama niya ako sa bahay nila” paliwanag nito sa kanya
Hinalikan niya ito sa noo at muli itong niyakap
“hindi ko na hahayaan na muling may masamang mangyari sayo, hinding hindi ko nahahayaang maulit pa... hinding hini na”bulong niya dito at niyakap niya itong muli ng mahigpit
Kakaibang kiliti sa puso ang nararamdaman niya sa pinapakitang pagaalala sa kanya ni Landro, hindi niya alam pero nagbibigay ito ng saya sa kanya
Mukhang nasasanay na itong lalaking ito na lagi akong niyayakap ah!, sa isiping iyon ay bahagyang itinulak ni Miles si Landro, at napansin naman ng lalaki ang gusto niyang mangyari kung kaya ay hinila siya nito
“Halika, kumain ka muna sigurado akong gutom ka na, umupo kamuna at ipaghahain kita” anito sa kanya
Sa nakikita niyang gawi ng lalaki ay may biglang sumagi sa kanyang isipan
“paano kaya kung ganito din si Lance sa kanya” napangiti naman siya sa isiping iyon
Masaya si Landro na makitang ngumingiti si Mila, gusto niya itong muling hagkan ngunit pinigil niya ang kaniyang sarili dahil baka mailang ito sa kanya at umiwas, kaya ang ginawa niya lahat upang pigilan ang sarili
“Pasensya na kung iniwan kita dito sa bahay na mag-isa, kinailangan ko kasing puntahan ang tarangkahan sa timog upang malaman kung nasa ayos ito” paiwanag niya dito
Alam ni Miles kung ano ang ‘tarangkahan’ dahil ito ang madalas itawag ng kaniyang lolo sa kanilang gate, sana alalang iyon ay namiss ni Miles ang pamilya
Pinagmasdan ni Landro si Mila dahil napansin niya na lumalim ang iniisip nito, at ng mapansin ng dalaga na nakatingin siya dito ay ngumiti ito, siguro ay masyado lang siyang nagaalala para dito
“eto, kumain ka muna” aniya sabay abot ng pagkain dito
“ikaw, hindi ka ba kakain?”
“sige sasabayan na kita” siguro ay naiilang itong kumain na mag isa kaya sinabayan niya itong kumain
Nakakabinging katahimikan ang muli ay bumalot sapagitan nilang dalawa, nang magsalita ang dalaga
“Ano ang meron sa timog bakit kailangang lagyan ng harang?” tanong nito
“Kailangang lagayan ng harang at patibayin ang mga tarangkahan upang hindi na muli pang mangyari iyon” na biglang nagdilim ang mukha
Napasin iyon ni Miles, bahagya siyang natakot sa pagbabago ng itsura nito ngunit mas umiral pa din ang curiosity niyasa sinabi nito
“Ano yung pangyayari na ayaw mo ng maulit” nakamata siya dito at nagaantay sa sagot nito
Ngumiti ito sa kanya “ang pasukin tayong muli ng mababangis na hayop at sirain ang mga pananim” anito sa kanya, pero hindi siya kumbinsido sa turan nito dahil pakiramdam niya ay maytinatago ito na ayaw niyang malaman, kaya gagawa siya ng paraan upang malaman iyon
“Ahmm, Landro?” naiilang niyang tawag dito dahil tumahimik ito matapos sagutin ang tanong niya
“hmmp, bakit Mahal ko” nakangiti nitong turan sa kanya
“Eh”naka ngiwi naman siyang napangiti sa tawag nito sa kanya
“Ano ulit ang tawag mo sa akin” ulit niyang tanong
“Mahal ko” ulit nito
“Bakit?” tanong ulit niya
“Dahil mahal kita!” anito sa kanya ng nakangiti
“Ahh.. ha... ha... ha... anyways, pwede ba akong sumama kapag pupunta ka sa sinasabi mong tarangkahan” pagiiba niya ng usapan dahil naiilang siya sa mga sagot nito sa kanya
“Sasama ka, pero hindi maaari dahil delikado doon” anito na nagulat sa sinabi niya
“Pero.. kasi naiinip ako dito sa bahay, saka hindi naman siguro ako mapapahamak doon kasi nandon ka” sabi niya dito para hayaan siyang sumama dito
Nakita niyang nagisip ito kung isasama siya o hindi, ska napabuntong hininga
“hayy, sige mabuti pa nga siguro kung isama kita, para hindi na rin ako nagaalala namaiiwan ka ditong mag-isa”anito
“Yes!!” sabi niya na may pagtaas pa ng kamay na agad din niyang binaba dahil nakita niya ang lalaki na nakamata sa ginawi niya
“hmp.. sorry” aniya dito, ngunit ngiti lang ang tugon nito
Lumipas ang maghapon na hindi ito umalis ng bahay, ginawa nito ang lahat nggawain, nagsibak ng kahoy, naghugas ng pinagkainan, sya walang ginawa dahil ayaw siya nitong pakilusin sa bahay, sa tuwing magtatangka siya na gumawa ay kinukuha nito sa kanya ang ginagawa at ito ang nagtutuloy
Napansin niyang masaya ito at hindi mawala ang ngiti sa mga labi, kahit na ang ilang katribo nito ay napansin iyon
Nang lumabas sila upang mag igib ng tubig ay narinig niya sabi ng ka-tribo nito
“Pinuno mukhang ang saya-saya natin ngayon ah”
“Mukhang naka-isa tayo, pinuno”sabi pa ng isa sabay ngisi
Lumapit naman ito at inakabayan siya
“Hahaha, itigil nyo nga iyang mga kalokohan niyo, mabuti pa ay ituloy na niyo ang mga ginagawa ninyo” anito na hindi mapigil ang pagngiti
“Masaya kame para sa inyo, Pinuno” ani ng mga ito at tinuloy na ang mga ginagawa, sila naman ay bumalik na sa bahay
Hindi niya maiwasan ang mapa-isip sa kung anong relasyon ang meron sa kanilang dalawa, at napailing na lamang siya sa naisip
Napansin naman ito ng lalaki “magpahinga nga na muna siguradong napagod ka maghapon” anito sa kanya
Magpahinga eh, wala nga siyang ginawa maghapon dahil ito lang ang mag-isang kumilos, sya wala ginawa at pinanuod lang ito habang kumikilos mag-isa
“Hindi, ayos lang ako, ikaw na lang ang magpahinga dahil ikaw ang maraming ginawa” sabi ko dito
Tumingin siya sa binta, gabi na pero maliwanag pa din sa labas dahil sa sikat ng buwan, unang araw ng kabilugan ng buwan kaya malaki at maliwanag ito
“lalabas lang ako upang magpahangin, medyo mainit kasi” paalam niya dito
Hindi niya napansin na sumunod pala ito sa kanya, nagulat na lamang siya ng yumakap ito sa kanyang likod, halos pigilan niya ang kanyang paghinga, napansin siguro ng lalaki ang pagkabalisa niya kaya tinangal nito ang pagkakyakap sa kanya at umakbay na lang sa kanya
“Maliwag ang buwan ngayon at kakatapos lang ng ulan, siguradong malinaw ang tubig sa lawa, gusto mo bang maligo doon” tanong nito sa kanya habang nakatingin sa buwan
Dahil sa tuliro ang utak niya kanina kaya napa OO na lang siya sa tanong nito, pero ngayon na malapit na sila sa lawa parang gusto niyang tumakbo pabalik, aatras na sana siya ng bigla siya nitong hawakan sa kamay
“Halika nandito na tayo” at inalalayan siya papunta sa lawa
Wala na siyang nagawa kundi sumunod dito
“bahala na nandito na ako e” aniya sa isip