Chapter 14

1192 Words
Nakapabaluktot na niyakap ni Miles ang sarili nitong katawan dahil sa lamig ng hangin na nanunuot sa kanyang balat, pikit matang kinapa-kapa ng kaniyang kamay ang kumot niya, nang makapa ito ay binalot niya ito sa kanyang katawan, ayaw niyang dumilat dahil mabigat pa rin ang kanyang talukap sa antok Kaya muli ay niyakap ang sariling ibinalot sa kumot, maririnig sa labas ang tikatik ng ulan at lakas ng hanging dala nito, mga puno na animo’y sumisipol dahil sa lakas ng hangin, naririnig din niya ang pagkilos ng mga tao sa kaniyang paligid na abala sa kani-kanilang gawain “Haaaaa”. nang bigla siyang napabalikwas ng bangon “s**t”. Aniya at sinabi sa sarili na, nakabalik na ako Hindi niya napansin ang babaeng naka-upo sa gilid ng hinihigaan niya na napatalon dahil sa gulat sa kanya ng bigla siyang bumangon “Milagros!”. Histerikal nito, sabay hampas ng malakas sa kanyang balikat Tulala at bagsak ang balikat ng tumingin siya dito, sabog-sabog ang kanya buhok na nakakalat sa kanyang mukha, may bakas pa ng laway sa kanyang pisngi “Ano ka ba naman, ano ba ang nangyayari sa iyo at bigla bigla ka na lang bumabangon ng ganyan.” Asar na sabi ni shun “Tingnan mo nabasag na yung salamin. Hmmp”. Anito na tinulak siya pahiga Pano ba namang hindi ito mababasag, e tumilapon ito dahil na gulat siya sa babaeng sabog sabog ang buhok na bigla-biglang bumabangon, naghikab pa ito at kumamot sa pwet, padabog na lumabas ng tent si Shun Nagtatakang salubong ni Cel kay Shun “Oh , bakit anong nangyari sayo?” tanong nito “Hay naku tanong mo dun sa babae sa loob, nagulat ako dahil bigla itong simigaw at bumalikwas ng bangon, ayan tuloy na ihagis ko itong salamin, nabagsak tuloy.” Reklamo ni Shun Papasok sana si Cel sa tent ng bigla siyang lumabas balot ng kumot ang katawan tanging ulo lang nito ang nakalabas at ang buhok niya ay nakakalat sa kanyang mukha “Ayyy!” sigaw ni Cel sa pagkagulat sa kanya Hindi niya ito pinansin dahil parang wala pa rin siya sa realidad “Miles ano ba naman yan wala ka sa bahay mo bakit ganyan itsura mo.” Pagalit nito sa kanya Hindi niya pinansin ang sinasabi ni Cel, dahil nakatuon ang kanyang mata sa may mga trapal na nakakabit sa bawat malalaking pagitan ng mga puno na nagmistulang bahay sa gitna ng gubat at doon nagtitipon ang kanyang mga kasamahan dahil sa umaambon, kaya pala malamig sa pakiramdam at dagdag pa na nasa bundok sila at mahangin Nang hinawi niya ang kanyang buhok at napadako ang tingin niya kay Lance, nakapasandal itong naka upo paharap sa kanilang tent at hawak hawak nito ang isang tasa ng kape na natigil sa pag higop at nakatulalang naka titig sa kanya. Para naman siya binuhusan ng malamig na tubig ng mag sink in sa kanya kung na saan siya, tinakpan niya ang kanyang mukha saka dali-daling pumasok sa loob ng tent at pasusob na tinungo ang hingaan “s**t, Milagros na kakahiya ka. Hmmmp”. Kastigo niya sa sarili at hinahampas ang kanyang unan Nag-ayos muna ng sarili si Miles bago siya lumabas, hindi na rin umaambon, at ang iba ay abala na din sa kanilang mga gawain Sinalubong siya ni Andrei na may hawak na dalawang tasa ng kape at inabot sa kanya ang isa. “Here, coffee!” abot nito ng kape sa kanya, sabay higop sa isa nitong hawak “Thanks” sabi ko at humigop sa kape, hindi na umaambon pero malamig pa rin ang dampi ng hangin sa balat, kaya na katulong ang kape upang kahit papaano ay uminit ang kanyang katawan “Kamusta ang tulog, mukhang na bitin ka pa ata ah!” naka ngiti nitong wika Ngumiti lang sya dito, dahil nakuha ng atensyon niya ang isang lalaki na dumating at kinakaussap ng mga expert at Team Leader “Andrei, sino yun?” tanong ko dito sabay nguso sa bagong lalaki “ahmm, not sure pero parang isa siya sa mga lokal na tumulong na nagbuhat ng mga gamit natin nung umakyat tayo dito.” Anito na may pagkibit balikat “hmmp, ano kaya pinag-uusapan nila mukhang seryoso?” balik kong tanong dito “Well, malalaman din naman natin yan mamaya eh, sigurado naman na sasabihan tayo kung importante pinag uusapan nila.” Paliwanag ni andrei “sabagay nga”.sabi ko “Ano Ghurl, gising kana? Baka nanaginip ka pa” sabi ni Shun na nakalapit na pala sa kanila, hawak nito ang isang Jar na nakuha sa loob ng kweba, gawa ito sa magandang klasesng tanso at ang nakaukit dito ay hindi gaanong kadetalyado “Saan mo dadalin iyan” tanong ko “Ah! Ito pinalalagay ni Ms. Janet sa doon sa mga box na kahoy upang maayos na maibaba sa bayan.” Anito sabay turo ng mga lagayan Sa halos magi-isang lingo nila sa pananatili sa bundok at pagagalugad sa kweba ay wala pa silang nakikita matibay na ebidensya kung talagang tinirahan nga ito ng mga sinaunang tao na nabuhay sa pilipinas, at kung anong taon na ang tanda ng mga gamit na nakuha dito “Andrei” sabay silang tatlo ng mapalingon kay Ms. Janet na tumawag kay Andrei “Andrei lumapit ka muna dito sandali” tawag nito sa lalaki “sige, puntahan ko muna si Ms. Janet” paalam ni Andrei at lumapit na papaunta kay MS. Janet Napansin niyang halos busy ang lahat maliban sa kanya, kaya tinanong ang kaibigan “Ngayon naba ibaba ang mga yan.” Tinutukoy niya ang mga na kuha nila “Hay naku Miles, alam mo lutang ka na talaga, kung ano-ano siguro iniisip mo kaya hindi mo alam ang nangyayari sa paligid mo” anito sa kanya “Umakyat dito sa Mang Lauro at ang mga kasamahan niya para sabihan tau na may paparating na bagyo, kaya bilisan mo ng ubusin yang kape mo at tumulong ka na, para mapabilis tau” dagdag nito “Ngayon na agad” tanong ko dito “Aba! At kailan mo gusto, pag tinangay na ng malalakas na hangin ang tent natin at pag nagbagsakan na ang mga puno sa harap mo, saka ka palang kikilos para bumaba ng bundok, huh” sarkastiko nito sabi habang nakataas ang kaliwang kilay nito Umismid naman siya dito, dahil daig pa nito ang kanyang ina kung pagalitan siya. “Bilisan mo at kumilos ka na” at umalis na ito at tinuloy na ang ginagawa Hindi ganoon kadami ang nahukay nila na gamit sa lugar na iyon, pero ang mas lalong nagbigay ng intest sa kanila ay ang nga nakasulat sa ilang ding-ding sa loob, mga nakaukit na hindi gaanong malinaw dahil kung pagbabasihan ay parang bata na nagsisimula pa lang matutung magsulat, magulo at hindi maayos upang maintindihan agad Ang balak nila ay dalawang linggo sila doon sa itaas, dinala na nila ang kanilng mga kakailanganin sa loob ng tinakda nilang araw, dahil mahihirapan nga naman sila kung panhik panaog sila sa bundok Pero sa hindi inaasahan panahon, kakailanganin nilang bumaba
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD