Nakapabaluktot na niyakap ni Miles ang sarili nitong katawan dahil sa lamig ng hangin na nanunuot sa kanyang balat, pikit matang kinapa-kapa ng kaniyang kamay ang kumot niya, ngunit hindi niya ito mahanap, ayaw niyang dumilat dahil mabigat pa rin ang kanyang talukap sa antok
Kaya muli ay niyakap ang sarili, maririnig sa labas tikatik ng ulan at lakas ng hanging dala nito, mga puno na animo’y sumisipol dahil sa lakas ng hangin, naririnig din niya ang pagkilos ng mga tao sa kaniyang paligid na abala sa kani-kanilang gawain
Naisip niya na sobrang busy na sa labas ngunit tinatamad pa din siyang bumangon, gusto pa niyang matulog, nang marinig niyang magsalita ang mga ang mga tao sa paligid niya
Unti unti ay dinidilat niya ang mata sa isipin, kailan pa sila ng karoon ng kasamang matandang babae, mayroon din siyang bata na naririnig mag salita, nagbigla siya pumikit muli ng mariin sa isiping baka nanaginip siyang muli, at pinilit magising, pero hindi umubra ang ginawa
Habang pilit ang sarili na matulog muli ay lalo lang siyang nagising, sa ikalimang pagkakataon, kinalma niya ang sarili hindi siya gumawa ng ingay at pinakiramdaman ang kaniyang paligid, pikit ang matang pinakikinggan ang paligid, ng marinig niya ang usal ng isang lalaki.
“Kamusta ang sugat mo pinuno”. Anito na kaniyang ikinamulat ng mata at inikot at pinag-aralan ang paligid, nandito nanaman siya sa silid na iyon.
Dahan dahan siyang bumangon at lumapit sa pinto, idinikit dito ang kaniyang tenga upang mas lalo pang marinig ang usapan ng mga ito.
“Maayos naat walana kayong dapat ipag-alala”. Ani ng tinawag na pinuno
“eh si Mila,pinuno kamusta na ang lagay nya”. Malungkot na tinig ng isang babae
Narinig niya itong nagbuntong hininga, bahagya siyang sumilip sa maliit na butas ng dingding, at nakita niya ang isang lalaki na sa pinalilibutan ng tao, nakatalikod ito sa kanyang kinaroroon kung kaya’t hindi niya makita ang mukha nito, bahagya itong na kayuko at umiiling, may tali din ito sa braso nito, malamang ito ang tinutukoy kaninang pinuno.
Bigla namang nalungkot ang mga tao sa paligid nito
“wala na ba talagang paraan upang malunasan ang kaniyang karamdaman.” Malungkot na wikang isang matandang lalaki
“kasalanan ito ng mga bandido, kung hindi dahil sa kanila hindi siya mag kakaganyan”. Galit ang nakikita niya sa mata ng isang binatilyong winika ito, habang kukom ang kamao.
“Pinuno hindi ako titigil sa pagpunta sa bundok dasalan upang ipagdasal ang mabilisan niyang pag galing”. Ani ng isang dalaga na ang kamay ay magkasalikop sa kanyang dibdib
“Maraming Salamat sa...”ani ng pinuno na natigilan dahil sa mga natahimik na kasamahan habang nakatingin sa gawi niya.
Lumingon din ito sa gawi niya at bahagya pa itong nagulat ng makita siya nakatayo sa pinto
Hindi napansin ni Miles ang paglapit ng bata na kanina ay nakita niyang nag lalaro sa gilid at binuksan ang pinto dahilan upang makita siya ng mga ito, tiningnan niya ang bata at ito ay nakatingala sa kanya, siguro ay nasa apat na taong gulang na ito
Hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil sa ka-cute cute ng bata, lumapit ang bata sa kanya at yumakap sa kanyang binti. Siya namang pa-upo niya sa harap nito upang haplusin ito sa mukha, hindi naman niya inaasahan na haplusin din ng bata ang kanyang mukha na lalo niyang ikinangiti.
Kung tutuusin ay talagang mahilig siya sa mga bata, matatandaan pa niyang isa sa mga naging part time niya ay ang pagaalaga ng mga bata sa isang orphanage, malapit siya sa mga ito dahil sobrang bibibo nito, wala na nga lang siyang nakukulit sa bahay dahil malaki na ang kaniyang kapatid
Sa pagkawili sa bata ay pansamantalang nakalimutan niya ang mga mata nakangiting tumititig sa kanya, nagulat pa siya ng lumapit ang nakangiting dalaga sa kanya, napatayo siya at bahagyang napaatras.
“Kamusta ang iyong pakiramdam binibini?” tanong nito pero hindi niya ito sinagot
Tiningnan niya ang mga tao sa paligid niya at ganon din ang mga ito nakatingin lang din sa kanya, walang gustong magsalita
“Wag kang matakot”. Wika ulit nga babaeng lumapit sa kanya. “Halika samahan mo kame, paniguradong gutom kana” habang inaakay siya papalapit sa mga ito
“Tama iha, kalika’t kami’y iyong saluhan” wika ng matandang babae
Hindi siya nagsasalita, at nakikiramdam lang, dahil sa pagkakataon iyon ay gusto niyang malaman kung bakit at paanong paulit ulit siyang napuunta sa lugar na iyon, dahil hindi pa rin siya kumbinsido sa naiisip na dahilan para siya ay mapunta sa lugar na iyon, may pakiramdan kasi siya na nagagawa niyang bumalik sa nakaraan, pero papaanong nangyayari iyon kung natutulog lang siya
Kaya hindi pa rin niya makumbisi ang sarili at iniisip na panaginip lang iyon.
Nagsalitang muli ang matandang babae. “Iha na kikila mo ba kame”. Tanong nito sa kanya
“ e si pununo na kikilala mo?” tanong naman ng binatilyo
Hindi siya sumagot tumitig lang siya sa mga ito
“Binibini ang pangalan ko ay Salome” ito yung dalagita na katabi ng babaeng lumapit sa kanya.
“Ito ay si ate Minda.” Turo nito sa dalaga
“Ako naman si Paeng” singit ng isang binatilyo na nakangiti sa kanya
“At ako naman si lola Conchita” wika ng matanda
“At sila naman ay sina, pedring, ape, dorita at antonito”. Dagdag pa nito
“At siya naman si pinunong landro.” Masigalang pakilala ni paeng sa lalaking katabi niya
Tiningnan lang niya ito, kung ganoon ay hindi ito si Lance pero kung susuriin mo ang itsura nito ay kamuka talaga ito ni Lance, maliban sa mananamit at pananalita nito
“Oh sya!” biglang wika ni Mang Pedring. “ ang mabuti pa ay umalis na tayo, mukhang tumila na ang ulan, hayaan na muna nating silang maka pag mahinga”. Dagdag pa nito
“mabuti pa nga” sang-ayon ni lola Conchita
At nagsitayuan na ang mga ito, gusto niyang malaman kung saan pupunta ang mga ito kaya tumayo na rin siya at sumunod dito palabas ng pigilan siya ni Salome
“Ate Mila hindi ka pwedeng sumama sa amin”. Pigil nito sa kanya
Sa pagtataka ay kumunot ang nuot niya. “Mila?” aniya
“Opo, Mila, iyon po ang inyong pangalan”. Anito
Sa katunayan ay Mila talaga ang tawag sa kanya ng kanya sa bahay, Milagros naman ang tawag sa kanya pagpinapagalitan siya sa kanila at ang Miles ay sa school at work lang siya tinatawag
“Dimito ka lang at kami ay aalis na.” Nakangiting wika ni Salome
“Bakit?” tanong niya dito, bakit hindi siya pwedeng sumama sa mga ito
Ngumiti naman ito ng sinagot siya “ Dahil dito ka na katira, ito ang bahay mo kasama si Pinuno” anito
Napatingin naman siya dito ng may pagtataka
Muling nagsalita si Salome. “Mauna na po kami pinuno, kame na muna ang bahala kay Maria”. Anito sabay turo sa batang hawak. Tumango lang ang lalaki dito bilang tugon
Tinanaw na lang ni Miles ang mga ito papalayo sa kanila at naiwan siya sa bahay kasama ang lalaki, hindi niya maisip kung anong connection nila sa isa’t isa.
Pagpihit niya ay tumingin siya sa lalaki at ganoon din naman ito sa kanya, nabalot ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa, hindi niya alam kung papasok sa kwarto o mananatili sa kaniyang kinatatayuan
Maya mayapa’y tumayo ito at lumapit sa kanya, tinitigan siya nito bago hinawakan ang kanyang kamay, at iginaya siya upang maupo sa malapit sa mesa
“kumain ka na muna at nang malamnan at iyong sikmura” anito sa kanya
Ibang-iba ito sa Lance na kasama niya sa trabaho, kung anong ikina-gentleman nito, siya namang ikina antipatiko ni Lance
Nagsimula na siyang kumain sa ihinain nito sa kanya, “uhmp.. masarap ah!” aniya sa isip marunong na rin pala ang mga tao sa panahon na iyon ang maluto ng ganoon, hindi niya alam kung ano ang tawag doon pero masarap talaga.
habang kumakain ay nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, pawid lang ito at anumang oras ay maaring masira sa bagyo dadating.
Umupo ang lalaki sa harap niya, saka mataman siyang tinitigan, hindi siya mapakali sa pagtitig nito, sa una ay nahahihiya pa siya, pero hindi din niyamaiwasan ang maiinis dahil hindi siya makakilos ng maayos.
Huminga muna siya nang malalim, bago nagsalita.
“Excuse me mister, pwede bang wag mo akong titigan”. Pataray na sabi ko dito, na kinasalubong naman ng kilay nito, iba ang suot nito ngayon hindi tulad ng unang ko itong makita na tanging ibaba lng nito ang may takip, ngayon ay naka kamiseta na ito at mahabang pantalon na nakatupi sadulo
“Sabi ko wag mo akong titigan kasi hindi ako mapakali sa pagtitig mo sa akin”. Ulit ko dito. “saka pwede ko bang malaman kung anong date na ngayon?” tanong ko dito
“Date?” ulit nito sa sinabi niya na mas lalong ikinakunot ng noo nito
Mukhang hindi nito na intindihan ang sinabi niya. “Date! Petsa, kung anong araw na ngayon” paliwanag ko at umaasang maiintindihan nito
Pero mukhang bigo sya, dahil mukhang binigyan paniya ito ng iisiping problema dahil mas lalo pang kimunot ang noo nito na nakatitig sa kanya, pero hindi siya sumuko
“Si Magellan, kilala mo?” habang tininitigan ang itsura nito na nakakunot pa rin ang noo
“Si Magellan na sumakop sa Pilipinas, yung tinalo ni Lapu-lapu.” Aniya na malapit ng sumuko
“Eh! Si Gen. MacAthur, hindi mo rin kilala”. Isa pang sabi niya. “Yung nag sabing, I SHALL RETURN”. Wala suko na ako mukhang hindi pumapasok sa kukote ng lalaking ito ang mga pinagsasabi nya, naka cross ang kamay nito nakatingin sa kanya habang naka ngisi, na mas lalong niyang ikinainis
Sa sobrang banas niya ay bigla siyang tumayo at pumasok sa kwarto, sinundan lang siya nito ng tingin, medjo nahiya din siya sa inasal niya dahil pag kaalis niya sa harap nito ay tumayo ito at niligpit ang pinag kainan niya.
“hmmp bahala ka sa buhay mo” bulong niya “paano ko malalaman kung anong taon ako sa nakaraan bumalik”. Paikot ikot siya sa kwarto habang ng iisip
Nang walang maisip na kasagutan ay humiga siya sa papag, hindi niya na malayan na nakatulog pala siyang muli. Babangon sana siya ngunit mayroong mabigat na bagay ang nakapatong sa kanyang bewang. At ito ay ang kamay ni Landro, nakapayakap ito sa kanya nakaharap siya dito at ang mukha niya ay nakatapat sa leeg nito kaya ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kanyang tuktok, pigil ang kanyang pag hinga dahil kahit t***k ng puso nito ang parang naririnig nya, sa tuwing tatangkain niyang tanggalin ang pagkaka-yakap nito ay mas lalo lang ito humihigpit, kaya wala na siyang nagawa isinusob na lng niya ang kanyang mukha sa leeg ng lalaki at yumakap na din dito, gusto din naman niya ang damdaming nararamdaman saka panaginip lang iyon kaya sasamantalahin na niya, tutal hindi niya iyon magagawa sa isa dahil baka itapon lang siya sa bangin oras na gawin niya ito, kaya dito na lang.
Lihim namang napangiti ang lalaki sa kanyang ginawa, at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap nito sa kanya.