Chapter 12

1047 Words
Matapos kumain ay naunang pumasok sina Shun at Cel sa kanilang Tent, tatawagin niya sana ang dalawa upang magpasama  papuntang lawa ngunit mukhang pagod ang dalawa dahil tulog na tulog ang mga ito, naghihilik pa si Shun Kung kaya ay nahiga na lang mang siya, siguro ay bukas na lamang siya maliligo Nasa kalagitnaan ng gabi ng bigla na lang siya magising dahil sobrang init na init siya, lumabas muna siya ng tent upang magpahangin, sobrang tahimik nag paligid at ang liwanag sobra ng buwan, kahit nasa bundok sila ay para silang may malaking ilaw Tumingin siya sa daan pa puntang lawa at kita ito dahil sa liwanag ng buwan kahit hindi na magdala ng flashlight ay siguradong mararating niya ito. Kaya na pagpasyahan niya maligo dahil talagang init na init na sya, hindi na niya ginising ang dalawa kaibigan, bibilisan na lang siguro niya ang paliligo Kumuha lang siya ng ilang gamit at nagtungo na siya dito, agad niyang natunton ang lawa, hindi naman siya mahirapang hanapin ito dahil diretso lang ang daan mula sa kung saan sila nag-stay “Wow, ang ganda” manghang sabi niya, dahil kasi sa sikat ng buwan na tumatama sa tubig ay nagmukha itong kumikinang dahil sa walang gaanong puno doon ay diretso tumatama ang sinag ng buwan mula sa tubig Lumingon lingon muna siya bago nagtagal ng kanyang mga damit, baka kasi mamaya ay may gising pa sa mga kasamahan niya, nang malaman na mukhang mag-isa lang siya, saka nang simulan na siyang lumusong sa tubig “hooo!” impit niyang sigaw “Ang lamig, Haaaa”. “haaay, sarap sa pakiramdam”. Sabi niya habang lumangoy ng nakahiga sa tubig Sa pagkamangha niya sa lawa ay hindi na niya na pansin ang isang pares ng mata na mukhang namamangha sa nakikita Paano naman kasi sa gabing bumabalot sa paligid at sa ilaw na malamlam na ng gagaling  mula sa liwanag ng buwan, nag mukha siya parang dyosang nagtatampisaw sa tubig “hmm... hmm.. hmm” pakanta kanta pa siya ng may marinig niya siyang ingay mula sa kabilang dulo ng lawa na di kalayuan sa pwesto niya Kinakabahan man ay pinuntahan pa rin ni Miles kung saan nanggagaling ang kaluskos, ng malapit na siya ay may biglang tumayo na anino ng malaking bulto ng lalaki Sa pagka-bigla ay napasigaw siya at napa-atras, sa pag-atras niya ay nadulas siya sa batong natapakan, muntik na siya bumagsak ng mahawakan siya ng malaking lalaki. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa beywang niya at ang isa man ay nakaalalay sa kanyang likod, at napahawak naman siya sa mga braso nito. Nuong una ay hindi makilala ang lalaki dahil madilim sa bahaging iyon ng lawa pero ngayon na nasinagan na ito ng liwanag ng buwan, makikita na ang gwapong mukha ng lalaking anino, naka short lang ito at walang pang-itaas, kitang kita ang ganda at kakisigan ng katawan nito, na parang perpektong ginawa ng lumikha, ito ay walang iba kung hindi si Lance. “kanina pa ba ito dito? Mukhang kanina pa siya nito pinagmamasadan.” Sa isipang iyon ay bigla siyang nag init at idagdag pa na nakayap parin ito sa beywang niya Sa pagkagulat ay bigla niya itong tinulak, ngunit hindi siya nito binitawan sa halip ay hinapit siya nito patayo dahilan upang lalo pa silang magkadikit, ngayon ay dalawang kamay na nito ang nasa kanyang beywang at ang kanyang kamay ay sana pagitan ng kanilang dibdib. Halos malanghap niya ang hininga nito dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa, nakaka-ilang ang mga mapanuring titig nito sa kanya, hinigit niya ang kanyang hininga dahil sa pag kakalapit nilang dalawa, hindi maisip kung papaano siyang makakawala sa pagkakyakap nito sa kanya, gusto niya kumawala pero may bahagi sa kanya na tumututol at gustong manatili sa mga bisig nito. Nagulat pa siya ng magsalita ito “Anong naisip mo at lumabas kang mag-isa sa ganitong oras at sa ganitong klaseng lugar, hindi ka ba na tatakot baka may masamang loob ang makakita sayo at ganyan pa ang ayos mo?” wika nito habang may mapang-akit itong ngiti sa mga labi. “Ah... eh..” hindi niya malaman ang sasabihin dahil sa epektong nadarama niya ng mga oras na iyon, kaya buong lakas niya itong tinulak upang makawala sa pagkakayakap nito sa kanya, at nagtagumpay naman siya “Sige jan ka na mauna na ako” sabay talikod dito pero bago pa siya makalayo ay nahawakan nito ang kanyang kamay, at hinatak siya sa pampang Nagbihis na ito, habang siya ay nakatingin lang dito. “Wag mo akong titigan baka matunaw ako, magbihis ka na baka lumabas ang mabangis na lobo at sakmalin ka o baka naman gusto mo ako pa ang magbihis sayo.” At maloko itong ngumiti Inirapan niya ito at nagsimula na ding magbihis Hinawakan siya nito sa kamay upang alalayan sa pag-akyat, pababa kasi ang lawa kaya ang pag balik nila sa Campsite ay medyo matarik, hindi ito ganoong kataas at kaya niya ang kaniyang sarili pero hindi pa rin nito binibitawan ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay, at mukhang wala itong balak na bitawan ang kanyang kamay kahit na nasa kampo na sila. “Ehem.. ehem.. pwede mo na po akong bitawan.” Sarkastiko kong pakakasabi dito “Pano kung ayaw ko..” sabi nito at naningkit ang mata sa pagkaka ngisi Tiningnan niya ito ng matalim saka lang nito binitawang ang pagkakahawak sa kanyang kamay, pero parang nanghinayang siya ng bitawan nito iyon, samantalang siya ang nagsabi dito na bitawan siya, gusto niya kastiguhin ang sarili. “Goodnight” sabi nya sabay talikod dito, kung kanina ay nakangiti ito ngayon ay seryo na ito nakasunod ng tingin sa kanya. Pagpasok niya sa tent ay mahimbing na mahimbing ang dalawa niyang kasama, dahan dahan ang pagkilos niya para hindi magising ang mga ito, nagbihis muna siya ng kaniyang damit at bahagyang tinuyo ang basa pa niyang buhok, bago siya siya mahiga sa kanyang higaan. Habang nakahiga ay hindi mawala sa isip ni Miles ang nangyari kanina, hindi din mawala sa isip ni Miles ang ang imahe ng lalaki at kung papaano siya nito titigan, habang iniisip niya ito ay hindi niya mapigilan ang mapangiti Hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD