Chapter 11

1238 Words
Papasok na sana siya dito ng bigla niya narinig na sumigaw si Mei, paglingon niya nakasalampak itong naka-upo dahil sa ito ay nadulas, sadyang madulas ang bagahing iyon ng kweba kung kaya’t malakas ang pagkakapagsak nito Kaagad naman siyang lumapit dito habang si Albert ay inaalalayan itong tumayo “Ahh!” daing nito na naiiyak na sa sakit na nararamdaman “Mukhang na palakas ang bagsak mo, kaya mo bang tumayo”. Ani Albert dito Umiling lang ito bilang tugon at hinawakan ang kanyan ang balakang, mukhang ito ang napuruhan sa pagbagsak nito “Halika Albert, dalin natin siya sa banda doon” sabay turo ko sa bahagi ng kweba na hindi madulas Napansin naman niya ang papalapit sa kanila, ang kanilang leader na si Lance, lumapit ito ka Mei at sinuri ito. “I think, kailangan mo ma check dahil mukhang masama ang pagkakabagsak mo.”anito ‘Can you stand?” tanong nito kay Mei, at umiling naman ang isa “Bubuhatin na lang kita.” Prisintang sabi ni Albert “Salamat, Pansensya ka na”. nahihiya naman nitong tugon Saka binuhat niya ito sa kanyang likod, kasunod ng mga ito si Lance upang alalayan si Mei Siya naman ay pinagpatuloy ang pagpasok sa nakita niyang maliit na lagusan na nauntol dahil sa nangyari kay Mei. Kakaiba ang pakiramdam niya sa lugar na iyon kung ikukumpara sa nakita niya sa labas ng kweba, hindi ganoon kalaki ito at may butas din ito na nagsisilbing bintana nito, kung kaya’t mararamdaman mo ang hangin at liwanag na pumapasok dito, pero hindi sapat ang liwanag na pumapasok dito upang makita ang kabuuan ng lugar, walang ibang makikita dito bukod sa ilang malalaking bato sa loob nito malapit sa butas Ang hangin na pumapasok sa loob ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam, para siyang niyayakap ng hangin, ang malamig na hangin at ang init na nanggagaling sa loob ng kweba ay nakaka pag pakalma sa kanya Ibinaba niya ang mgagamit na dala niya at umupo sa mga bato saka pinikit ang kanyang mga mata, sa lahat ng bahagi ng kweba ito ang lugar na pinaka gusto niya Hindi nagtagal ay hinatak na siya nang antok. “hahaha... bitiwan mo ako, nakikiliti ako” malabing na tinig ni Miles Pero patuloy pa rin siya niyayakap ng lalaki, hindi niya makita ang buong mukha nito pero pakiramdam niya ay ang saya-saya niya sa piling nito, ramdam niya ang ligaya sabawat yakap at haplos nito “Hmmp... Hindi maaari”. At dinampian siya ng nito halik sa kanyang pisngi “hmmp... pilyo ka talaga.” At imikot siya paharap dito habang ang matatamis na ngiti ay nakapinta sa kanyang mga labi Ang matatamis niyang ngiti na nakapinta sa kanyang mga labi ay napalitan ng mukha ng pagtataka, dahil nagulat siya sa kanyang nakita sa pagharap sa lalaking nakayakap sa kanya. Huh! Biglang dilat nya “s**t! Panaginip na naman, naka idlip pala ako”. Wika niya bahang mahinang sinasampal sampal ang magkabila niyang pisngi upang mawala ang kanyang antok. Pagtaas niya nang tingin nakita niya si Lance na katayo sa kanyang harapan at nakatitig sa kanya. Nag salubong naman ang kanyang kilay “kanina pa ba siya ito dito? Kanina pa ba siya nito pinagmamasdan?” tanong niya sa kanyang isip “Kanina pa nakalabas ang iba, at ikaw nandito ka lang pala at natutulog”. Wika nito sa kanya Nakaramdam naman siya ng hiya sa sinabi nito. Napayuko naman siya. “Sorry, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako”. Sabi ko habang nakayuko pa rin Hindi ito nag salita at tumalikod na sa kanya saka lumabas sa lugar, wala na siyang nagawa at sumunod na lang dito palabas Paglabas nila ay nakita niyang papalapit sa kanila si Mr. Desmond habang naniningkit ang mga mata nito at may nakakalokong ngiti sa mga labi nito “Hmmp”. Sabay hawak sababa nito “You two, where did you go?” tanong nito na abot tenga ang ngiti “Cut that, nonsense” anito sa malamig na tono at nilagpasan ang lalaki “Dating in the mountain, that’s new.. ahuh.. huh.” Pang aasar nito kay Lance “Shut up” anito at tumingin ng matalim sa makulit na si Mr. Desmond Tatawa ito bumaling sa kanya “Hello beautiful lady” bati nito sa kanya “ I’m just joking around, don’t mind me”. Dagdag pa nito Ngumiti lang ako dito bilang tugon at bahagyang yumuko dito, sadyang makulit lang talaga ang matanda, para itong hindi professional kung kumilos kung minsan. “But you know, I tell you something, kanina pa yan tuliro ng hindi ka nakitang lumabas ng kweba, kaya pumasok pa yan sa loob para hanapin ka”. Nakatawang wika nito at tinapik siya sa balikat bago umalis sa kanyang tabi Nagtataka man ay hindi na niya nagawa pang magusisa sa sinabi nito, dahil nakalayo na ito sa kanya ayaw na man niya itong puntahan dahil nasa tabi nito si Lance Bago siya bumalik sa tent nila ay pinuntahan muna niya si Mei upang kamustahin “Hi Mei, kamusta pakiramdam mo?” tanong ko dito Ngumiti naman ito sa kanya “okay naman na ako, Salamat”. Wika nito “Bakit mag-isa ka nasaan mga kasama mo?” tanong ko dito dahil napansin kong mag-isa lang ito sa loob “Ah, sila ba? Meron kasi sila nakitang maliit lawa, sa pinaka baba ng kweba sa labas, kaya naisipan nilang mag-tungo doon upang maligo tutal maaga pa naman at maliwanag pa.” Paliwanang nito sa kanya “Ah, ganon ba, oh sige, kinamusta ko lang ang lagay mo, babalik na ako sa tent” pagpapa-alam ko dito “bakit ikaw ayaw mo bang sumunod sa kanila para makaligo?” Tanong nito sa kanya “Hmmp, mamaya na lang muna siguro kasi gusto ko muna magpahinga, tutal maaga pa naman, bibilisan ko na lang siguro para hindi ako abutan ng dilim, mag papasama na lang ako kila Shun at Cel.” Tugon niya at nagpaalam na dito Paglabas niya ay nakita na niya na pabalik na ang mga ito na bagong ligo “Miles.” Tawag ni Shun sa kaniya, kasunod nito sila Cel, Andrei, Vince at Nikki habang si Lizzie ay nakiki pag haruratan sa mga lalaki na kasama nito Hindi na ba talaga magbabago ang babaeng ito “Saan kaba ng galing kanina ka pa namin hinahanap, hindi ka tuloy nakasama sa amin.” Wika ni Shun ng makalapit sa kanya “oo nga bes, ang linaw at ang lamig nag tubig na kaka-refresh”. Ani Cel habang tinutuyo ng maliit nitong towel ang buhok “mamaya na lang siguro, maaga pa naman e, samahan nyo na lang akong dalawa mamaya.. hmmp” wika ko sa dalawa at nakangiti “Babe, gusto mo ako ang sumama sayo” singit ni Andrei na pakindat-kindat pa sa kanya Pinalo naman ito ni Cel sa Balikat “Mag tigil ka nag jan Andrei, puro ka kalokohan”. “Baka lang makalusot, ikaw naman”. Naka ngiti nitong sabi habang tinutuyo nito ang buhok “Baka lunurin pa kita pag sumama ka” pabiro ko namang sabi dito “hmmp ang lambing mo talaga pag dating sakin, na kakamatay ang pagmamahal mo e noh!” wika nito sabay pisil sa pisngi nya Na ikiniatawa naman ng nakarinig sa sinabi nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD